Friday, October 13, 2006

 

The Pyschopaths Among Us

Hiniram ko ang title sa isang article sa current issue ng Reader’s Digest (RD Asia, Oct 2006).  Sabi, “ If one in 100 people have no conscience, it’s a sure bet you’ll meet a psychopath at some point in your life.”  Well, I’ve known quite a few.

Psychopath J:  Bading siya na naging staff ng isang stage play that I appeared in college.  Kamukha niya si Tina Turner – big grayish hair, wide toothy mouth, big nose.  Chika naman siya so OK lang.  Sabi niya UP student din siya, Business Ad daw (ang pinakasosyal na college) at through the course of rehearsals may mga kuwento siya na sinakyan naman namin.  Naandiyan nu’ng may dumaang BMW Roadster sabi niya ganu’n daw ang kotse niya kaso na-carnap daw.  Papalabas daw siya ng College nang napansin niyang wala na ‘to sa parking lot.  “Where’s my car?! Where’s my car?!”  Nagsisisigaw daw siya.  Meron pa siyang kuwento na tumira ‘yung family niya for a while sa Middle East (which explains his wealth?) at pinag-debut pa raw siya ru’n ng mga magulang niya.  As in naka-gown, may 18 roses, 18 candles, ganu’n.  May time pa nilibre niya kaming cast and staff sa Music Box.  So mayaman nga siya kahit mukha siyang jologs.  New riche ba.  Then bigla na lang siyang hindi nagpakita sa rehearsals…after magkaroon ng mga nakawan.  Buti hindi ako nabiktima.  ‘Yung mga dating may kilala sa kanya nagsabi na may history na raw siya ng ganyan.  “He’s sick in the head,” sabi ng aming producer.  ‘Yan ang isang sign ng psychopathy, they create and project a world far different from their bitter reality and they sometimes resort to crime to live up to that fantasy.  Nakakaawa.
http://community.webshots.com/inlinePhoto?photoId=1214744032059994014&src=c&referPage=http://entertainment.webshots.com/photo/1214744032059994014KaGwHk
Psychopath E:  Bading din ‘to pero, please, walang kinalaman ang kabaklaan sa pagiging psychopath, ha!  Member siya ng aking college org kaya nakakahiya talaga because we pride ourselves in being selective.  I guess paminsan-minsan may mga nakakalusot na may sayad.  He, too, told tales about his wealth.  Nang nakasakay daw sila sa car nu’ng isang member tinuro niya ang isang bagong gawang condo building sa Katipunan sabay sabing, “By the way, guys, I live there.”  Pero ‘yung lagi niyang nakakasabay mag-commute pa-Katipunan never pa siyang nakitang bumaba ru’n kesyo laging may excuse na kelangan niyang umuwi sa bahay nila kasi may naiwan siya ganyan.  May isang summer pa na nagbakasyon daw siya sa Amerika at nakaka-YM pa niya ‘yung ibang members na asa Hawaii!  Tapos nu’ng nakauwi na siya may pasalubong daw siya sa lahat pero laging may excuse kung bakit hindi niya nadadala (“Kadarating lang ng maleta pero ‘yung susi nasa mom ko pa.”)  Unfortunately, medyo nabulagan ang mga tao sa kanya at naging treasurer pa siya.  During his term, at least P30,000 of org funds were lost.  Umabot sa konprontasyon at sa imbestigasyon at binayaran na lang ng mga magulan niya ‘yung pera.  He now, ironically, works in a bank.  Tsk! Tsk! Tsk!  At nakikita ko pa rin siya sa ilang org activities and he acts as if nothing happened.  Isa pang sign ng psychopathy, they don’t really feel guilt.  Sabi nga sa Reader’s Digest parang wala siyang conscience, askew ang kanilang morality compass.

Psychopath B:  Ex-boyfriend siya ng isang kaibigan.  Medyo trouble na siya sa simula kasi sinulot lang niya ‘yung kaibigan ko sa boyfriend niya nu’n na kaibigan ko rin.  Previously married at may mga anak na.  Pero matalino namang kausap, mabait din.  Pero nu’ng nag-break na sila du’n na nakuwento ang kanyang mga lies -  na he wasn’t as successful career-wise as he made us believe.  And he tried to cheat on my friend with her officemate by spinning more unbelievable tales!  Psychopaths can’t control themselves.  Tayo na ordinary liars lang, may strategy para hindi tayo mabuko pero sila they still lie despite the consequences.  Kapag nagkabukuhan saka na lang sila aaksyon.  Minsan pa nga to violent results.  Friends pa rin sila ng kaibigan.  Hmmm…Hindi kaya psychopath din ‘yung kaibigan ko?

Psychopath M:  This guy lives close to me.  Atenista raw siya at doktor but I always see him na nakatambay sa lobby ng building.  Parang hindi siya busy for a doctor, ha.  Shortly after we were introduced he offered to install wifi in my unit.  He looks trustworthy although my konting ere so pumayag ako.  True enough nag-crash ‘yung wifi a month after.  At kelan lang niya naisoli ang post-dated cheques na dinemand niya as payment.  And worse, may na-encash siyang dalawang cheques.  Sabi niya hindi raw kasi niya na-pull-out nang maaga sa bangko.  Nang makausap ko ang isa pang neighbor na dati niyang kasyosyo, hayun na!  Hindi pala siya Atenista nor a medical doctor.  Marami na siyang utang at hinahanting pa siya ng ilan sa mga tinakbuhan niya.  He even showed me his weird Friendster sites which details his psychopathic ways.  Hindi naman malaki-laking halaga ang utang niya sa’kin so deadma na lang ako.  Mahirap yatang umasa sa psychopath, no.

Psychopath R:  This one kinda pains me because she’s a very, very good friend.  Galing sa illustrious at maykayang pamilya.  Mabait, sweet, edukada.  Pero ngayon she’s in a fix dahil baun na baon siya sa mga utang sa mga taong tulad ko na nagtitiwala sa kanya.  Marami siyang excuses na binibigay like nasiraan ng car, may sakit daw ang mom, may sabit sa trabaho, etc.  Siyempre, dahil we know her as this very innocent person nagta-trust lang kami.  ‘Yun pala ang dami-dami na pala niyang pinagkakautangan, at may ilan na siyang mga kaibigang nae-alienate dahil dito.  Wala naman sa’min ang may kayang i-confront siya para matulungan siya about this.  I know one of us should - and soon - pero ang hirap lang talaga, eh.

Psychopath D:  Isa pa ‘tong galing sa mayamang pamilya.  Edukado, guwapo.  Film graduate ng UP.  Nakikita ko na siya nu’ng college pero nakilala ko na lang talaga siya nang nakuha akong magsulat ng isang TV show na concept niya.  It seemed promising.  Nakapag-tape pa ng Pilot episode.  Then the project started to unravel.  He proved very erratic and, well, weird.  Sabi niya Commerical Director siya pero ni hindi siya marunong gumawa ng simpleng storyboard.  Marami siyang mga contact na mga magagaling na tao, maayos ang network pero if things don’t go well na dahil na rin sa kanya, ang weird niya.  Basta weird.  Wala pa yata sa kanilang kinuha niya for the project ang nakakapansin pero ako matagal ko nang na-realize na baka nga psychopath siya.  Feeling ko sobra siyang nape-pressure sa success ng mga magulang niya and while he has yet to amount to something, dinaan na lang niya sa pambobola ng mga tao pero hindi niya mapaninindigan kasi wala naman talaga siyang desire na magtrabaho, gusto lang niya ‘yung glamour and all.

Wala akong bitterness towards any of these people.  Nakakaawa nga sila, eh.  Ipinagpapasalamat ko na lang na sa kabila ng pagkakakilala ko sa kanila, nananatili pa rin akong trusting sa mga tao.

Blogged with Flock


Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?