Thursday, October 12, 2006

 

Unang Ospital

11 October 2006.  Philippine Heart Center.

“Sooobrang normal.”  ‘Yan ang description ng baklang intern na kumuha ng aking BP.  He proceeded to throw the mandatory questions before they extract blood.  “Have you taken any medicine in the past 24 hours?”

“Nag-Alaxan ako kaninang umaga.”

“Ay, sandali lang, ha.”  “Doc, puwede po ba’yung Alaxan?”  “Hindi, balik ka na lang after two to three days.”

So hindi natuloy ang pagdo-donate ko ng dugo sa father ng aking Executive Producer.  Dahil kasi sa lecheng backache na ‘to na buhat ng pagbubuhat ng ice chest nang nagpa-pack na kami mula sa White Rock.  Ni hindi na nga masakit ‘yung legs ko from the race.  Itong matinding discomfort na nararamdaman ko ni walang kinalaman sa karera.  Nakakbuwiset!

May isang nag-donate na nahanapan ng drugs.  Pinauwi na lang.  Nate-tense nga’ko kasi medyo humithit ako unsuccessfully ng jutes a couple of days ago.  Unsuccessful kasi hindi maganda ‘yung pipang regalo sa’kin kaya tinigil ko rin after one unsatisfying puff. 

Alam n’yo bang technically I should never donate blood?  Ayon sa pamantayan ng mediko na nakapaskil sa mga blood banks, people who’ve engaged in homosexual acts should NEVER give blood.  Hindi temporarily not give blood, ha, like those who just came from sickness or will pilot a plane in the next 48 hours.  NEVER give blood.  Siyempre hindi ko na lang dine-declare.  The couple of times na nagbigay ako before cleared naman ako from AIDS or any STD kaya nakinabang ang dalawang little girl patients na nangailangan.

Alam n’yo rin ba na if you’ve donated blood five times you will get blood for free if ever you’ll need it? Pero dapat donate lang, ha.  Hinid ‘yung may intended patient like in most instances na napapapunta tayo ng blood bank.  Technically libre ang dugo pero it’s the extracting and testing that costs about one thousand pesos pero donor.  So i-consider n’yo nang mag-donate soon, you’ll never know.  Basta siguraduhin mo lang na hindi ka uminom, nag-jutes, o nag-drugs in the past 48 hours or so bago mo ‘to gawin. 


Blogged with Flock


Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?