Tuesday, November 21, 2006
Direk Jose Javier Reyes: The Commercial Artist on the Independent Filmmaker
It is only fitting that my Boy Abunda Day will be culminated with an interview with writer/director Jose Javier Reyes. Tinanong niya ako kung English, Tagalog o Taglish. “Taglish po,” thinking of how I talk (and, ultimately, write). Pero Direk Joey proved very articulate in straight Filipino. He was very comfortable in using “teknolohiya” which for me sounds a little too high-falluting-sounding over “technology” na malamang ay hihiramin ko na lang for use in a Filipino statement. Sa kanya ko narinig ang napakagandang rhythm at indayog ng ating wika. (Though, minsan naririnig ko rin ‘yun kay Cristy Fermin.)
Then nag-deviate ako from asking about the movie and asked him about his thoughts on the rise of independent filmmaking? “Do you really want to know my opinion,” parang warning niya. Nu’ng umoo ako mas lalong naging interesting ang usapan namin. Hindi ko na siya masulat verbatim siyempre pero ito ang mga sinabi niya. Wish my independent filmmaker friends could read this hehe.
Sabi ni Direk Joey, merong plus at minus side ang independent filmmaking. Natutuwa siya na marami na ngayon na interesado sa paggawa ng pelikula ang nagkakaroon ng pagkakataon na makagawa nito. Wine-welcome din niya ang pagpasok ng mga mas bago, mas fresh na mga ideya. Sabi pa nga niyang “mas mahalaga sa akin ang Cinemalaya kaysa sa Metro Manila Film Festival.”
But it’s the minus side that I really took note of. Pero dahil hindi naman ako nagte-take-down notes while interviewing Direk, ‘wag n’yo na lang isiping direct quotation ito. Maaaring na-filter na rin ng aking sariling paniniwala ang mga narinig ko mula kay Direk Joey at ang resulta ang maisusulat ko sa baba. Still, the points raised are very valid and I can’t help agreeing.
Una. Hindi sapat na merong independent films. Dapat magkaroon ng independent audience. Kung sila-sila lang ang nakakaintindi ng mga pelikula nila, hinid kumukonek sa kultura ng tao ‘yung pelikula mo. Hindi ‘to tatagal.
Pangalawa. Hindi lang pera ang kailangang tulong ng independent filmmaker mula sa pamahalaan. Hindi sapat na bigyan sila ng pondo para gumawa ng pelikula. Dapat gumastos rin para maka-develop ng independent film audience. Ang mga theaters, for example, ay kailangang ma-equip para makapagpalabas ng mga independent films na nasa digital format.
Pangatlo. Ano ba ang ibig-sabihin ng independent film? May mga nagsasabi na ito ‘yung digital film. Well, puwede ka namang gumawa ng commercial film na nasa digital format. May mga nagsasabi na kung ito ay experimental o kaya maverick ka, independent na. In a way siguro, oo. Pero ang indepent film ay ‘yung ginawa outside mainstream. But it must still be sold in the mainstream.
Pang-apat. (And this I really agree with because I’ve observed this with some indies and even in the aspiring filmmakers pa lang). Direk Joey doesn’t like “the arrogance that goes with being called an independent filmmaker.” ‘Yung “condescending ang tingin mo sa commercial artist.”
May mataray pero sensible pa siyang paalala: “Just because you’ve made the rounds of international film festivals doesn’t mean you’re made. I’ve made the rounds of international film festivals and it means nothing.”
Blogged with Flock