Friday, November 17, 2006

 

Who Wants To Be A Writer?

Magkakilala pala ang isang college friend ko na commercial director na ngayon at isang co-writer ko sa GMA.   Magka-batch pala sila sa isang Ricky Lee writing workshop.  “Memorable ang batch namin kasi kami ang kumuwestiyon sa kanya.  ‘Bakit hindi mo ina-apply sa mga pelikula mo ‘yung mga tinuturo mo?’ Sabi niya may mga compromises daw…”

Sa kanyang review ng First Day High, muling pinaalala ni Manunuri Butch Francisco ang kapwa kahalagahan ng form at content para makabuo ng isang magandang pelikula.  He cited the Unilever-Star Cinema collaborative as an example of good form na dahil daw marami tayong mahuhusay na direktor, production designers, cinematographers, etc., but lacking in content dahil naman sa tila kakulangan ng matitinong writers.

Una sa lahat, hindi ito review ng First Day High.  Personally gusto ko sana isyang panoorin dahil kina Gerald at Geoff.  Maganda nga rin daw ang visuals nu’ng pelikula.  As for the story, well, hindi ka naman siguro bibili ng ticket ng First Day High to be blown away by its story, ‘di ba? 

Pero still, totoo ba ‘yung sinasabi ni Tito Butch na may kakulangan sa good writers?

Siyempre bilang writer (kahit ‘di man sa pelikula), sasabihin kong marami naman kami – ehem – na magagaling na writers.  Ang kulang lang ay isang creative atmosphere na mas nagbibigay-importansya sa writing process na mage-encourage sa mas maraming talented people to take up writing as their primary creative craft.

Case in point:  magkano ang budget ng isang produksyon para sa isang direktor?  Magkano lang ang sa writer?  Du’n pa lang malaki na ang disparity.  How much creative freedom ang binibigay sa isang direktor?  Ilan lang ang binibigay sa writers?

Ilan ang training courses meron for wanna be directors?  Ilan ang para sa mga gustong magsulat?  Sa UP College of Mass Communication lang, directing ang thrust ng Film and Audio-Visual Communication Program.  Ganu’n din ang sa Broadcast Communication.  Magkaibang media nga lang pero directing pa rin.  Secondary lang ang pagtuturo ng pagsusulat.  May mga writing courses sa College of Arts and Letters pero mas mabigat ang emphasis nito sa Theater at Literary Arts kesa sa pagsusulat ng pelikula at telebisyon.  ‘Di nakakapagtaka na halos lahat ng artsy-fartsy people in their karakter fashion statements mas focused sa visuals at mas gugustuhing maging direktor kesa sa magsulat. 

Kunsabagay, kung direktor ka, ikaw ang boss.  Kontrolado mo ang produksyon.  Maliban na lamang kung may matinding restriction sa budget, magagawa mo ang halos lahat ng gusto mo.  Minsan pa nga, pati producer handang maging flexible sa budget niya kapag ni-request ng direktor, eh.  Pero ang writer ang orientation niyan, “O, hanggang dito lang ang budget, ha.  ‘Wag ka nang humingi ng kung anu-ano sa script.”  The writer will make do, susunod lang ‘yan.  Kapag naipasa na ‘yung script, madalas kakalikutin na’yan nang walang halos pakundangan sa anumang creative intent nu’ng writer sa mga bagay-bagay na naandu’n sa script. 

Sa Amerika din naman mas matindi pa rin ang fascination sa directors kaysa sa writers.  Film and TV, after all, are still visual media.  Pero mas celebrated ang pagiging headwriters nina Conan O’ Brien at Tina Faye sa Saturday Night Live kesa sa direktor nito na si, sino nga ba?

This is not to put down directors.  I’ve seen directors interpret my scripts so beautifully in a way I could never have imagined them.  Kaya all the more na kailangan ng stronger training for writers kasi lumalawig na ang kaalaman at kakayahan ng mga direktor.  Sayang naman kung makakahon sila ng mediocre material.

Blogged with Flock


Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?