Friday, December 08, 2006
Dolphy Nag-sorry
1. Kuwento ng isang GMA exec na umattend ng isang awards night ng mga animators last week lang kung saan pinarangalan nila si Dolphy for being the original voice of Captain Barbell sa animated series nito…
Sa kanyang acceptance speech, binati niya si Daddy Jun Magdangan, ama ng host ng affair na si Jolina: “I would like to take this opportunity na rin to apologize sa daddy ni Jolina na si Mr. Jun Magdangal. Kamakailan kasi pumanaw ang ama ni Korina Sanchez so inutusan ko ang assistant kong tatanga-tanga (yes ginamit niya talaga raw ‘yung term na’to hehe!) na tumawag para alamin kung saan nakaburol ang tatay ni Korina. Ang tinawagan ang tatay ni Jolina.”
“Nagulat yata nu’ng nakausap niya ang tatay ni Jolina na inaakala nga niyang patay na. Pero hindi pa rin yata nakuntento ang assistant ko at nagtanong pa rin kung saan nakaburol ang nanay ni Jolina.”
2. Guest sa Mel & Joey si Allan K na merong suot na malaking-malaking kuwintas. “Ang ganda naman niya, Allan K!” “Ay! Ano lang po ‘to bling-bling!” Hindi yata updated ang batikang broadcaster sa latest fashions kaya natawa ito sabay sabing, “Ikaw talaga! Ano’ng biling-biling?! Hahaha!”
3. Sa meeting namin sa SOP, galit na galit na galit ang aming malaking-malaking executive producer na si Perry. “BAKIT HINDI MO RAW SIYA SINABIHAN NA CANCELLED ANG EDITING?!”
“Nag-text po ako sa kanilang lahat…”
“NAG-TEXT KA?! SUMAGOT BA?!”
“Hindi po.”
“SO IN-ASSUME MO LANG NA NA-RECEIVE NIYA ANG TEXT MONG CANCELLED ANG EDITING?! GANU’N?! IN-ASSUME MO LANG! SAAN KA BA GRADUATE?!?”
(Nagpantig ang tenga ko sa tanong nang biglang sinagot ng halos lahat ng staff ang tanong ni Perry…)
“…SA ASSUMPTION!?”
‘Yan ang latest na hirit ngayon sa mundo ng telebisyon.
4. Isang popular trail bike route ang Maarat, sa may Montalban. Along the rugged terrain, meron pang mga panaka-nakang tindahan kung saan nag-uuwi ang mga siklista ng mga challenging-to-bring home merchandise tulad na lang ng isang buong langka. Legendary na lang ang mga pamamaraan nila para masakay sa bisikleta nila ang mga ganu’ng bagay. Pinakanaloloka ako sa kuwento ng isang siklista na natripang bumili ng buhay na bayawak. Two hundred pesos nga lang naman. Tinalian niya ang mga paa nito at binusalan ng tape ang bibig ng reptile at saka sinukbit sa kanyang likuran ang bayawak ala backpack. Tuloy ang pagba-bike!
Blogged with Flock
Comments:
<< Home
hi rey.
i just chanced upon your blog. i love the way you write -- very witty and down-to-earth.
your blog is informative, entertaining and funny. i couldn't help but bookmark your site.
best regards.
kat reyes
Post a Comment
i just chanced upon your blog. i love the way you write -- very witty and down-to-earth.
your blog is informative, entertaining and funny. i couldn't help but bookmark your site.
best regards.
kat reyes
<< Home