Wednesday, December 06, 2006
Visual Masturbation
Naloloka na kami sa Stanley Kubrick filmfest na inorganize ni Joaquin sa bahay niya. Dinatnan ko ang climax ng “The Shining,” ang classic horror na punung-puno ng defining Hollywood scenes tulad nu’ng pagsilip ng deranged Jack Nicholson sa crack sa pintong in-ax niya tapos mapangutsang nagsabing, “Here’s Johnny!” Andu’n din ang pa-singsong na delivery niya ng “Come out! Come out! Wherever you are!” Nu’ng nagtago ‘yung batang character sa isang stainless steel kitchen cabinet, naisip naming baka ‘yun ang inspiration ni Steven Spielberg sa katili-tiling kitchen scene sa Jurassic Park.
We breezed through another two films of his, Clockwork Orange and Space Odyssey, bago namin tuluyang pinalitan kasi nga nalalaseng na kami sa tinatawag kong “visual masturbation” ni Kubrick. I’ve never been a fan of his mainly because my first encounter with him was not so pleasant sa “Eyes Wide Shut,” ang huling pelikula nina Tom Cruise at Nicole Kidman bago sila nagkahiwalay. College ako nu’ng napanood ko ‘to sa sinehan at nalito talaga ako after the movie.
Sa home theater (Nax!) nina Joaquin ko na-realize na ang visual masturbation nga ni Kubrick ay mas mae-enjoy mo kapag kumakain ka ng pizza at Gonuts habang may kachika kang friends kesa kung nakakulong ka sa madilim na theater at buong atensyon mo eh narito. But that afternoon’s viewing of “Eyes Wide Shut” proved to be less traumatic than how I remember it to be. Siguro dahil ito na ang huling work ni Kubrick, mas familiar na ‘yung images dito na hindi na kasing-alien ng mga films na ginawa pa niya nu’ng 70’s. Maaari ring with Cruise and Kidman involved, mas malaki na ang Hollywood intervention sa maverick director. Even if I had to leave for a meeting nang hindi natatapos ang pelikula, parang naging isa sa mga paboritong pelikula ko na ngayon ang “Eyes Wide Shut.” Sabi nga, ang isang magandang sining may iba kang nadi-discover tungkol dito at tungkol sa sarili mo everytime you view it. Parang na lang ang mga librong “The Little Prince” and “Hope for the Flowers.” Parang “My Best Friend’s Wedding.” Parang Miss Universe 1994 at 1999.
Films, in fairness, are mainly visual naman talaga. Na-mention ko na yata ito sa isang post reacting to the lamentation na maraming pelikula na ngayon ang magaganda lang daw ang form pero nagkukulang sa content. Visuals din ang una rin namang pinagtutuunan sa TV. Ang turo nga sa’min sa scriptwriting class, iuna mong isulat ang video part ng script at saka mo lalapatan ng words. Pero mas naa-appreciate ko ang visuals na maganda na, nakaka-enhance pa sa kuwento.
Sa Mano Po 3, na-nominate ang cinematography ni JA Tadena. (Si JA ang DOP ng aking undegraduate thesis. Nagsisimula pa lang siya nu’n pero ngayon daw he’s one of the country’s highest paid directors of photography.) Ang gandang-ganda akong shot eh nu’ng isang character na nagpa-kidnap kausap niya ‘yung isang amuyong na namomroblema rin. Sa balkonahe kung saan sila nag-uusap nakikita ang façade ng isang old building na parang National Museum ang design. Nakaukit sa bato, sa malalaking titik, ang mga salitang Labor at Justice. Brilliant!
Sa Romy and Michelle may dream sequence na prom. Heto hindi ko ‘to nahuli by myself kaya nalaman ko na lang when somebody pointed it out. ‘Yung balloons du’n sa dream prom were in the shape of the ref magnets na dinidikit ng mga bully sa back brace ni Michelle nu’ng high school pa sila. Galeng!
Unti-unti akong naging aware sa ganitong tinatawag na “film language” nu’ng high school at nababasa ko ang mga review column ni Nestor Torre. Sa “Segurista,” pinuri niya ang bungee jumping scene ni Michelle Aldana dahil sinisimbolo raw nu’n ang risk sa pagtalon niya sa isang magulong mundo gayu’ng marami pa ring restrictions sa kanyang buhay. Ewan ko nga lang kung minsan it’s a case of over-reading pero, well, it’s fascinating to find some signs and symbols in movies. Nagkakaroon ng kakaibang dimension ang panonood mo hehe. After all, may mga magagaling na direktor na nagugulat sa napakaraming meanings na nado-draw ng mga tao sa kanilang pelikula.
Para sa’kin, subtlety pa rin ang kailangan sa page-employ ng mga ganitong symbols-symbols. Recently, pinapanood sa’kin ng mga teammates kong UP Fine Arts students ang short film na ginawa nila. Tungkol ‘to sa isang lalakeng magkakariton. May eksena na habang paliko siya sa isang kalye sa Maynila, inoverteykan siya ng chedeng. Napa-cringe ako sa pagkagasgas nu’ng imagery. Buti na lang, sinabi nu’ng gumawa na, “Nagkataon lang na nagka-chedeng d’yan.” Ahhh…mas napatawad ko pa.
Siguro sa mga gumagawa ng tinatawag nilang sining, more than subtlety, it’s honesty that I demand. Pansin mo kung ginawa ang isang bagay para magpa-impress o kaya para manalo ng awards… Pansin mo ‘yan sa mga blog na maganda naman ang thought pero painful basahin kasi pinipilit nu’ng blogger na mag-English nang mag-English. At, sorry to my teammates, makikita mo ‘yan sa mga estudyanteng mayayaman naman pero buhay ng magkakariton ang ikinukuwento sa pelikula nang walang matinding research tungkol dito.
Galing na galing ako kay Michiko Yamamoto, ang nagsulat ng “Magnifico” at “Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.” Nang malaman kong classmate siya ng isa kong co-writer, agad kong tinanong kung ano ang background niya kasi alam ko may kaya ‘yung co-writer ko so malamang hindi naman galing sa mahirap si Yamamoto na siyang backdrop ng mga gawa niyang napanood at hinangaan ko. Ano kayang klaseng research ang ginawa niya? O talagang magaling na magaling lang siya to pull it off with sheer imagination and sensitivity? Sabi nga pinakabatang Hall of Famer sa Palanca Awards na si Jun Lana, hindi raw kailangang magsulat na base sa experience. Nanalo nga raw siya ng Palanca para sa isang dulang tungkol sa mga NPA kahit wala siyang kaalam-alam tungkol sa kanila. Hmmm...

Blogged with Flock