Friday, February 02, 2007
Naghihintay ng Punchline
Para akong tanga; naghihintay sa skit na’tong magdadalawang buwan nang umaandar para dumating sa point na tatawa ako habang umiiyak o umiiyak habang tumatawa tapos sasabihin kong, “Sabi ko na nga ba may mangyayaring ganito, eh! Hahahaha! Huhuhu!”
Nakilala kita - of all places naman talaga to meet a boyfriend – sa Fahrenheit. Ikaw ang pinakaguwapo du’n that night. Well, kapag nakikita naman kita (sabi mo nga may isang taon na tayong magkakilala sa mukha du’n), ikaw lagi ang pinakaguwapo para sa’kin. Mukha kang Italiano with your deepset eyes, olive skin, matangos na ilong, matipunong katawan at carpeted na dibdib. Pero hindi kita pinapansin dahil ayokong bigyan ka ng pagkakataong ‘wag akong pansinin. Feeling ko naman maganda ako pero I am not that beautiful para maglalakas-loob na lumandi sa’yo.
Pero siguro nagiging mas reckless ka kapag magpapasko na at mabe-birthday ka pa. Instead of choosing among the few na nagpapa-cute sa’kin, naglakas-loob talaga akong mag-da-moves sa’yo. Inisip ko kasi nu’n, “For once in your life, Rey, go after what you really want and not just wait for blessings to come your way.” Ganu’n kasi ako sa halos lahat ng aspekto ng buhay ko – nu’ng nag-aaral pa lang ako, hanggang sa trabaho, kahit sa lovelife. There is something manageable about being torn to pieces by the attainable guy. (Pero hindi rin, eh. Masakit pa rin.)
Dumaan ako para hipuan ka. ‘Di ko talaga inakalang susunod ka sa bakanteng cubicle; nangyari na nga ang matagal ko nang gustong mangyari. Pagkatapos naghintay ako ng punchline. Actually, in-expect ko naman ‘yun kasi ganu’n naman talaga ang kalakaran du’n, pagkaraos, babay na. Pero hindi ikaw, nakipag-cuddle at kuwentuhan ka pa. Sabi mo, “Finally, we did it, no?” Nagmaang-maangan pa’ko. “Kasi ang tagal na nating nagkikita rito pero hindi tayo nagpapansinan.” “Ah, oo nga.” Nagpigil talaga akong ‘wag ipahalata ang galak. Tinodo ko na lang ang suwerte ko’t hiningi ang number mo. Binigay mo naman. Naghintay ako ng punchline. Ibang number ang bibigay mo o kaya hindi ka na lang magte-text back dahil hindi ka na lang makatanggi nu’ng kinorner kita para sa number mo…Pero hindi, nag-text ka pa rin.
At dumalas na ang pagte-text natin. Naging sweet pa. Ikaw pa ang unang tumawag sa’kin ng “Babie.” Nakisabay na rin ako. Naghintay pa rin ako ng punchline…Pero ikaw pa rin ang unang nagsabi ng “I love you.” Nag-“I love you, too” naman ako pero ang tingin ko nu’ng sinasakyan ko lang kung ano’ng trip mo sa buhay.
Baka naman may sira ang ulo mo. Baka naman may maitim kang balak. Ikaw kaya ang gay serial killer? O kaya magnanakaw?
I am embarrassed to admit this pero nu’ng mga unang linggo na matutulog ka sa bahay, tinatago ko muna ang mga valuables bago tayo matulog, saka sinisuguro kong du’n ako sa side na mas malapit sa pinto matutulog para maramdaman ko kung anumang kaluskos ang gawin mo. Pero sabi mo nga lagi kitang inuunahang matulog at napakahimbing pa so parang wala rin. Sabi mo pinagmamasdan mo pa’ko ‘pag natutulog ako.
Ilang beses mo’kong niyayayang mag-lunch sa bahay n’yo. Laking-Marikina ako so sobrang layo talaga ng Blumentritt para sa’kin. Pero nu’ng finally na nakapunta ako at napakilala mo pa’ko sa pamangkin mong maganda (mana sa tito niya), naghintay ako ng punchline. Baka bulungan na lang ako ni Diane na layuan ka kasi may sira nga ang ulo mo, ganyan.
Hanggang sa dumadalas na nang dumadalas ang pagkikita natin. Pa-sweet na tayo nang pa-sweet sa isa’t isa. Naghintay pa rin ako ng time na tatawa na lang ako dahil naniwala ako sa’yo pero pinaiyak mo lang ako. Sa Aristrocrat sa Robinson’s Place. May sentimental value sa’kin ang lugar na’yon dahil the last time na naging madalas ako ru’n, binibisita ko‘ng girlfriend kong taga-UP Manila (nakakadiri ako, noh?). At ngayon pagkatapos nating kumain ng world-famous chicken barbecue eh sinasabi mong nag-aalala ka kasi hindi normal ang oras ng trabaho ko, na naguguluhan ka kung seryosohan na ba’to. Sabi mo marami kang tanong, tulad na lang ng kung ano na nga ba tayo. Naluluha na’ko nu’ng pero napigilan ko. Ang sinagot ko pa, “gusto kita kung sa gusto pero hindi pa kita kilala.” Para akong si Rachel Ann Go na nagmamaganda pa sa panliligaw ni Christian Bautista eh wala namang binatbat ang pagka-diva ko sa cuteness mo, no! Pero ako pa rin ‘tong dismissive nu’ng minsang tanungin mo ko kung papayag ba’ko kung sakaling yayain mo’kong magpakasal in the future.
Sa’yo maraming bagay na hindi ko dinidibdib, hindi ko sineseryoso. Kaya siguro naging smooth-sailing din dahil ako ang iniisip ko lang nangti-trip ka lang so hindi ko na ina-analyze kung anumang mga sweetness ang tine-text, sinasabi’t ginagawa mo. Sinasakyan ko na lang. So kapag makita kita, OK lang. Kung hindi tayo magkikita for that day, OK lang din.
Hanggang sa kanina sa jeep pauwi, hindi na kita maalis sa isip ko. Nami-miss na yata kita. May kaba pa rin pero, in fairness, I never really allowed that little fear to get in the way of me enjoying whatever it is that we have… Iniisip ko na lang ine-exted ni Lord ang simoy ng aking best Christmas/Birthday yet para may impact talaga ‘yung punchline na sinet-up niya: “Kala mo wala Akong regalo sa’yo, no? Hehehe!”

Comments:
<< Home
i wrote a comment on the first (?) blog that you have thinking it was your latest entry and hoping you would notice it. stupid of me :) i am a bit intrigued about who you are simply because we have the same family name and i have a brother with the same name as yours. anyway, you are hunorous -- at least that's the impression i get from the way you write.
.19.10.01.,legendarymagicnote:Oi425ilikeyoursongmragapayreybutmyownisimcurrentlyinlovesexwithwhomiamxbabydenyhuhbutformeitisileanongermanyalthoughihavemanyproductstobesaleonthemarkets.lovefrom51恋愛
Post a Comment
<< Home