Monday, March 19, 2007
"Altar"
Ito ang kauna-unahang acting exercise sa Starstruck. Tawag namin "Kiss Flicks" kasi required na may kissing scene. Ang na-assign na genre sa'kin suspense. Si Direk Rico Gutierrez ang nag-direct. Tuwang-tuwa ako sa treatment niya sa opening sequences wherein ang pinapakita lang niya 'yung shadow ng hooded stalker. Ang gumanap sa Hazel ay isang Cebuana contestant so medyo may punto kaya sa final sequences we asked her to say something in Cebuano to justify it. Sinuggest ko 'yung "Mahal na mahal kita." Sabi ng bagets, wala na raw gumagamit nu'ng Cebuano translation nu'n kasi hindi na uso. She ended up adlibbing something like "Ang guwapu-guwapo mo talaga."
MGA TAUHAN:
1. MARVIN – 4th Year High School student; Guwapo, matalino at astigin kaya maraming kaibigan at maraming girls ang nagkakagusto; May kaunting kayabangan pero mabait naman
2. TRICIA – Kaklase ni Marvin pero dahil tahimik lang at parang wala namang friends sa school; Maganda naman pero hindi kasi nag-aayos kaya hindi lumalabas ang beauty; Sensitive at may pagkadesperado kaya nagiging bayolente nang hindi naman niya talaga intensyong manakit
PREMISE:
May secret admirer si Marvin na may konting sayad na halos malagay sa panganib ang buhay niya.
SCENE 1. EXT. MAG-A-ALAS-DOSE NG GABI. ISANG MAY KADILIMANG SIDEWALK SA TABI NG DAAN.
Mag-isang nag-aabang ng jeep si MARVIN. Naka-school unfirom pa’to: white polo na may nameplate na nakaburda sa dibdib, black pants, shoes. Galing siya sa bahay ng kaklase kaya ginabi.
May tatabi sa kanyang taong nakamaong, mabigat na jacket, shades at sombrero. Hindi maaninag ni MARVIN ang mukha ng tao.
Mag-iiba ng puwesto si MARVIN baka sakaling madaling makasakay ru’n ng jeep at para makalayo na rin sa kaduda-dudang tao.
Mamaya, paglingon ni MARVIN ay nasa likod na niya ang kaduda-dudang tao. Hindi pa rin niya maaninagan ang buong hitsura nito. Matatakot na siya.
MARVIN
Pare, estudyante lang ako.
Ipapakita ng tao ang hawak nitong gunting.
MARVIN
Pare, teka lang. Gusto mo cellphone ko? Sige, pero kunin ko muna ‘yung sim puwede? ‘Wag mo’kong sasaktan.
Biglang dadamba ng gunting ‘yung tao. Iilag si MARVIN pero matatamaan pa rin siya. Masasaksak siya ng gunting sa may tagiliran.
Shocked si Marvin nang makita niya ang sugat. Matapos ang ilang segundo na hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya, biglang siyang matatauhan. Kakaripas siya ng takbo palayo sa tao.
Tatanawin lang ng tao si MARVIN. Maya-maya ay tatakbo ito sa kabilang direksyon.
SCENE 2. EXT. SAME NIGHT. SA ISANG MADILIM NA ESKINITA.
Papasok sa eskinita si Marvin. Mababangga niya si TRICIA. Nakamaong at blouse lang si TRICIA. Magugulat si MARVIN.
MARVIN
‘Wag po! ‘Wag po!
TRICIA
(Kalmado lang) MARVIN?
MARVIN
(Matatauhan. Kakalma na pero hindi niya makilala ang babae sa harapan niya pero pamilyar ito. Sa puntong ito, masaya na lang siya na may isang nakakakilala sa kanya sa lugar na’to.)
Uy…uy…classmate, tulungan mo’ko may sumaksak sa’kin.
TRICIA
TRICIA. TRICIA’ng pangalan ko.
MARVIN
T-TRICIA - Argh…
TRICIA
Delikado tayo rito. Halika sumama ka sa’kin.
Kukunin ni TRICIA ang kamay ni MARVIN at tatakbo sila paloob ng madilim na eskinita. Mabilis ang takbo ni TRICIA kaya medyo nahihirapang makasabay si MARVIN na nanghihina na dahil sa kanyang sugat.
FADE TO BLACK.
SCENE 2. INT. ISANG MADILIM NA MALIIT NA KUWARTO.
Dadalhin ni TRICIA si MARVIN sa kuwarto. Agad niyang isasarp ang pinto. Mapapaupo na lang sa sahig si MARVIN sa pagod at sakit.
TRICIA
Dito na lang tayo. Safe siguro dito.
MARVIN
Aargh…Buti na lang nakita kita. Wala akong kilala rito, eh.
TRICIA
Marvin, puwede akin na lang ‘yung nameplate mo?
MARVIN
Ha?! Seryoso ka ba?
Parang mapapahiya kaya iibahin na lang ni Tricia ang usapan. Sisilip si Tricia sa pinto. Magugulat ‘to.
TRICIA
Marvin, tumayo ka na d’yan. ‘Yung humahabol sa’tin, paparating!
MARVIN
Ha?! Saan tayo dadaan?
TRICIA
Sa bintana! Sa bintana!
Pupunta sila sa bintana pero maliit lang ang puwang dito.
MARVIN
Mauna ka na…
TRICIA
(Biglang parang magsesenti) Ang bait mo talaga, Marvin.
MARVIN
(Hindi masyado papansinin ang pagpapa-sweet ni Marvin dahil nagpa-panic na siyia.) OK lang…Sige, bilisan mo. Susunod ako sa’yo, Lisa.
Mukhang mahe-hurt si TRICIA…
TRICIA
Hindi ‘yun ang pangalan ko!
Lulusot na si TRICIA sa bintana at agad nitong isasara ang bintana. Mahihirapan na si Marvin na buksan ito.
MARVIN
Huy! Lisa! Lisa! Buksan mo’to!
Kikirot na nang husto ang sugat ni MARVIN. Mapapaupo na lang siya sa sahig sa sobrang sakit.
MARVIN
Lisa…Lisa… LISA, TULUNGAN MO’KO! ‘Wag mo’kong iwan dito, Lisa!!!
Biglang ba-blag ang pagbukas ng pinto! Naandu’n na ang taong humahabol sa kanila. May hawak pa rin itong gunting.
MARVIN
S-sino ka ba? Ano’ng atraso ko ba sa’yo?
May pipinduting switch ang tao at may ililiwanag na kung anong altar sa isang sulot ng kuwarto. Nasa “altar” ang iba’t ibang litrato ni Marvin.
Gulat na gulat at takang-taka si Marvin sa nakikita niya.
Lalapit ang tao kay Marvin.
MARVIN
LISAAA! Kung naririnig mo’ko! Tumawag ka ng pulis! Papatayin ako! Papatayin akooo!!!
Tatanggalin ng tao ang kanyang sumbrero, shades at jacket. Si TRICIA pala ‘to.
Galit siya.
TRICIA
Tricia! Tricia pangalan ko!!! Hindi Lisa!
Litung-lito na si Marvin. Hilo na rin siya sa sakit.
Uupo sa harapan ni MARVIN si TRICIA.
TRICIA
Mahal kita, Marvin. Mahal kita. Pero hindi mo man lang ako pinapansin sa school. Ni hindi mo nga inaalam pangalan ko pero OK lang kasi mahal kita talaga.
MARVIN
Ano’ng kailangan mo sa’kin?
TRICIA
Kiss mo’ko, please.
Magpapaubaya na si MARVIN. Takot siya pero ayaw na niyang tumutol sa babaeng sumaksak sa kanya.
Maghahalikan sila.
MARVIN
‘Wag mo’kong patayin. Please…
TRICIA
(Parang masaya na si Tricia nang nahalikan na niya si Marvin)
Ba’t naman kita papatayin? Mahal nga kita, eh.
Itataas ni TRICIA ang gunting. Matatakot si MARVIN.
Biglang gugupitin ni TRICIA ang nameplate na nakaburda sa may dibdib ni MARVIN.
Tatayo siya at ilalagay niya ‘to sa altar na ginawa niya para kay MARVIN.
Dahang-dahang tatayo si MARVIN nang mukhang tuwang-tuwa na si TRICIA na inaayos ang altar. Maglalakad palabas ng kuwarto si MARVIN.
End.
ALTAR

Blogged with Flock