Monday, March 19, 2007

 

Motel

Nu’ng second year college ako nag-planning sem ang Broad Ass sa Subic.  6AM yata magkikita-kita sa veranda.  7AM nagising ako sa ring ng landline.  Si Wenna:  “Agapay! Nasaan ka na?!”  Tumatawa-tawa na lang ako.  Obviously, hindi ako nagising.  “Hay, naku!  Iiwanan ka na namin!  Sumunod ka na lang!”

Si Mutya rin daw na-late so kami na lang ang magkasamang sumunod ng Subic.

Summer ng 1997 ito.  Hindi pa uso ang cellphone.  Pager lang.  At wala akong pager.  Eh, maghahanap din pa lang yata ng bahay ang Assers pagdating sa Subic so ang plano magpe-page-page na lang kung saan kami exactly susunod.  Hindi namin agad na-realize na para makapag-page kami, we have to call long distance to the pager companies based in Manila.  Tuloy, naubus-ubos ang kakaunting pera namin kape-page sa members pero hindi pa rin namin matunton kung nasaan na ba talaga sila.  May problema rin kasi ng signal ang mga pager so kung nasa liblib na lugar na sila, maaaring hindi na nila natatanggap ang messages.

Basta ang ending, kumakain na lang kami ng mumurahing tinapay na binili sa isang bakery for dinner para makatipid.  Ayaw naman naming umuwi dahil para lang talaga kaming nagpagod.  We decided to make the most out of our trip in Subic kaya nu’ng naggabi na ay nag-check-in kami sa isang motel.  Sabay kaming pumunta sa front desk.  “Magkano po overnight?”  Tinignan kami ng mama.  “Mga bata pa kayo, ha.  Hindi puwede.”  Na-shock na lang kami sa sinagot ng mama.  Pinagtabuyan din kami ng dalawa pang motel.  Napakamalisyoso nila!  Pa-mhin pa’kong konti nu’n so ‘di ko namang mahirit na bading ako!

Kaya ko sinusulat ‘to ngayon kasi gusto kong ma-preserve ang whatever is left sa alaala ko sa napakasayang adventure na’to.  (Kung mapapansin n’yo, ang dami ko nang lapses.)

Basta for some reason nakatanggap yata si Mutch ng page that gave us a lead kung nasaang area sila nakahanap ng tutuluyan.  We spent our last few pesos para mamasahe papunta ru’n only to realize that the address they gave us refers to a long stretch of beach with hundreds of resorts!  Diyos ko!  Para silang nag-text na nasa “Ortigas kami” ganyan.  Buong araw na kaming naglalalakad ni Mutya.  Mga around 9PM na’to pero wala na kaming choice.  We just followed kung saan kami dalhin ng mga paa namin.  Tapos out of the blue, nakita namin ang Assers na nakatambay sa labas ng isang bungalow.  Nagyoyosi ang iba at pinag-uusapan kung nasaan na raw kami.  May parang nakakita sa’kin.  “Uy!  Si Rey!” 

Naiyak ako nang makita sila.  Lahat ng galit ko sa kanila sa naramdaman kong pagpapabaya nila naglaho at relieved na lang ako.  Si Mutya deadma lang as ever.  Rocker girl kasi.


Blogged with Flock


Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?