Monday, March 19, 2007
My Funny Valentine
Ngayon alam ko na ang pinapasabi ni Doc Gerry kay Adrian. Bulok na ang blog ko. Matatapos na ang March at heto ako, habang nagmi-meeting, nagsusulat ng blog about Valentine’s. Actually, matagal nang naka-save ‘tong blog idea na’to sa’king Outbox pero ngayon lang ako ginanahan i-flesh out siya.
Valentine’s Week lagi tumatapat ang UP Fair. ‘Yun din ang time na nag-launch kami ni Skeeter ng Pakshirts, ang aming t-shirt line. Saka ko na lang ikukuwento ‘to, ha. Ang mahalaga ‘yung nangyari sa aming second day ng pagtitinda, Wednesday. Naka-set-up na ang selling namin ng Pakshirt at du’n ko na lang pinasunod si Toni para naman magkasama kami sa Valentine’s kahit na nagtitinda ako.
First time niyang pumunta ng UP Fair at hindi raw alam ng taxi kung saan ang Sunken Garden. Sa tagal niyang dumating ay natukso na’ko sa mga kaguluhang pinagpapasa-pasahan sa Climbing Wall ng UP Mountaineers – alak, more alak and more…
Wala na’ko sa sarili ko nang finally tumawag si Toni na nasa labas na raw siya. Sabi ko tumuloy na lang siya. He insisted on me meeting him at the gate. Alam ko na na merong surprise number so ginaya ko na lang ang mga artistang nagbe-birthday sa TV na kunwari hindi nila alam na may papasok na kaibigan nila habang nagli-lip sync sila.
Pero magical pa rin nang nagkasalubong kami sa gitna ng kalsada at may hawak siyang bouquet of roses. Ang ganda-ganda ko!
Mula sa tapat ng Educ bumaba na kami sa Sunken Garden at naglalakad ako amidst the crowd na may hawak na bulaklak at nakaakbay ang boyfriend ko sa’kin. Ang ganda ko talaga! (Pero nakaka-conscious din, ha. Dinededma ko na lang ang mga nagtitinginang tao o puwede rin namang praning lang ako sa sobra kong conscious.)
Maya-maya isang matandang mamang naka-sando at shorts ang kumalabit sa’kin habang bumibili kami ng popcorn. “Nalaglag sa bulaklak mo,” sabay abot sa’kin ng gold ribbon. Nakakahiya.
Na-feel ko pang gusto akong hiritan ng mga tao pagbalik ko sa UPM pero nahiya na rin sila hehe. Pero honestly, hindi ako masyado happy sa hitsura ng bulaklak. Masyadong cliché ang pagkaka-arrange sa tingin ko until sinabi ni Toni na siya bumili ng mga bulaklak sa Dangwa at siya na ang nag-arrange! Ay! Biglang naging ito na ang pinakamagandang bouquet sa buong mundo. “Ako mismo ang nag-arrange.” That’s one sentence na sweet marinig from a gay boyfriend pero delikado ka, girl, kung ‘yung boyfriend mo mismo nag-arrange ng bouquet. Magduda ka na!
Ang ganda rin ng coincidence nito kasi just the day before Valentine’s may nakita akong libro sa apartment ni Skeeter about the art of Japanese wrapping, apparently iba pa siya sa “Ikebana” na Japanese flower arrangement. And Toni worked in Japan for years din. Wala lang, cosmic.
Anyway, ano pa ba’ng nangyari? Sa totoo lang, everything else was a haze. Alam ko hindi ko na siya makausap nang maayos kasi nga because of my substance abuse earlier. Nariyan ‘yun nakita kong dumating sina Paolo and Kate wearing their matching Pakshirts (“Pakshirt” kay Kate at “Pakshirt Ka Rin” kay Paolo) tapos sabi ko, “Hey! You’re here” only to realize na matagal ko na silang kakuwentuhan kanina.
Heto pa’ng sidelight. Matagal na’kong ‘di nakakapagpa-laundry nu’n so ‘yung mga underwear na hindi ko talaga ginagamit ang suot ko. Ngayon kapag nakaupo ako sumisilip ang aking red t-back. Binubulungan tuloy ako ng mga kaibigan ko. Feeling nila sadya akong nagsuot nu’n kasi Valentine’s at darating ang jowa ko. Kinukuwento ko sa kanila ang totoo pero hindi sila makapaniwala. Too much of a coincidence nga naman pero totoo.
So ‘yun. Had a funny and great Valentine. Now enough about me, how was your Valentine’s?

Blogged with Flock