Sunday, July 08, 2007

 

Sino si SAM sa buhay ni OPTIMUS PRIME?

Hindi ko pa agad na-gets until nu'ng mga bandang huli na ng pelikula. Sabi ni Optimus Prime, "Hold on, Sam!" Sam ang pangalan ng bidang lalake sa "Transformers." Sam as in Uncle Sam? Probably. Right from the start of the film, nararamdaman ko nang isa na naman itong well-executed propaganda film para i-push ang Bush agenda sa Iraq War.

Well, I guess hindi iilan lang ang magre-react na naman sa "teorya" kong ito. Exciting nga, eh. Ibig-sabihin buhay na buhay ang exchange of ideas. Maaring masyadong conspiracy theory naman ang dating sa iba na ginagamit ng Washingtong ang Hollywood para isulong ang kanilang ideolohiya, pero it is a historical fact na during times of war gumagamit talaga ng propaganda ang Amerika para i-boost ang morale ng kanilang mga mamamayan... lalo pa nilang kailangan ng magagaling na propaganda efforts ngayo't talagang nadidismaya na raw ang majority ng American popuation sa kanilang giyera sa Iraq.

Umpisang-umpisa pa lang kitang-kita mo na ang pangga-glamorize sa mga sundalo. Ang guguwapo't mamacho nila. Parang ang sasaya at heroic ng sacrifices ng mga dina-draft nila sa Middle East, no?

Through the years, nagiging mas refined na lang siyempre ang paggamit natin ng propaganda, tulad ng paggamit natin ng advertising sa mga pelikula. Subtlety na ang labanan so kelangan pulidung-pulido ang pagkaka-insert ng mga messages na hindi mo nararamdamang binebentahan ka na, at maya-maya nako-convince ka na. Sa Transformers, kung tutuusin, hindi naman ganu'n ka-crucial na ang character nu'ng mga sundalo sa Qatar, eh. Pupuwede namang ma-transmit sa ibang paraan ang anumang knowledge nila about their alien attacker pero talagang hanggang sa battle scenes sa lungsod ay bidang-bida sila. Sa Sector 7 Headquarters sa ilalim ng Hoover Dam, in-emphasize pa ng Secretary of Defense that "losing is not an option for these guys." At nu'ng nagkasubuan na't kinailangan nila ang tulong ni Sam (who represents the All-American populace) at parang naghe-hesitate itong si Sam (tulad ng pandududa ngayon ng mga Amerikano sa kanilang pamahalaan), kinuwelyuhan ni Capt. Lennoxx si Sam at sinabing, "You're a soldier now!" Pag-udyok ba ito na the war in Iraq should be a shared fight for all Americans? Deadma na whether it's "fear or courage that compels you."

The final battle scenes in the city is also iffy for me. Nu'ng sinuggest pa lang sa Hoover Dam na itago ang cube "somewhere in the city" at bigla namang um-oo ang Secretary of Defense na para bang it's the most brilliant idea, hindi ka ba mapapaisip? Alam n'yo nang balak 'yang agawin ng highly dangerous Decepticons at pupunta kayo sa lungsod kung saan napakaraming tao?! Well, apparently, kelangan nilang ma-Americanize ang giyera sa lungsod ng Baghdad. Para bang nagwa-warning na kapag itinigil natin ang pantutugis sa mga kalaban dito sa Iraq, maari nilang tayong salakayin mula sa ating tahanan tulad nu'ng 9/11... Kaya nga may eksena pa nang pagtagos nina Megatron at Optimus Prime through an office building...

At siyempre sa huli, nanalo ang mga Amerikano. Na-save nila ang mundo. At ang sundalo ay finally nakauwi sa kanyang mag-iina.

***
Another idea of mine which even more people fine more incredulous ay ang paniniwala ko na nakakakuha rin ng ideas ang Hollywood sa mga Pinoy films. Ang witty/corny na paggamit ng music sa eksenang sinusuyo ni Bumblebee si Mikaela ay Pinoy na Pinoy... Actually 'yung pagsulpot lang ni Bumblebee sa used car dealership, at ang paggawa nito ng iba't ibang paraan para siya ang iuwi is so Maricel Soriano comedy - 'yung tipong itatapon niya na ang magic bilao pero babalik pa rin 'yung bilao! hahaha!

***

Pero don't get me wrong, ha. Natuwa talaga ako sa movie. Trailer pa lang 'yan pumapalakpak na'ko. Nu'ng first time kong pinanood 'yan kasama si Toni para akong naging little boy (take note, little straight boy at hindi dinglet) dahil napapa-sigaw talaga ako sa tuwa everytime na may nagta-transform. Ang galing ng mga anggulo na kinukunan nila 'yung transformation. Unlike sa original cartoon series na puro frontal lang ang kuha. Although siyempre usual daya 'yung extreme close ups at swoosh pans para may excuse na magulo at hindi mo masyado makikita talaga 'yung pagta-transform. Pero OK lang. Bibili ako ng DVD at ife-frame-by-frame ko 'yung mga eksena ng transformation at nang mapag-aralan ko.

Kagabi nu'ng dinala ko ang mga pamangkin para manood, tuwang-tuwa rin sila. Pareho kami ni Dave-Dave na pumapalakpak-palakpak pa. 'Yung pamangkin ko sa pinsan na half-Palestinian ngayon lang nakapanood ng sine so pagpasok pa lang niya tuwang-tuwa na siya sa napakalaking screen. Hindi ko lang alam kung ano ang feeling niya sa depiction ng war sa sa Middle East du'n. Siguro 'pag malaki-laki na siya't marunong na siyang mag-English o Filipino (he only speaks Arabic), madi-discuss ko 'yun sa kanya.

Natatawa rin ako sa interpretation nila kay Star Screen. Bata pa lang ako iritang-irita na'ko sa kanya. Siguro ganu'n din ang makers ng movie kaya ginawa siyang insekto haha!

Hay! Naalala ko tuloy ang joke na'to from my childhood...

Use a-e-i-o-u in a sentence!

Optimus Prime: Autobots, transform!

(Sound ng pag-transform) A-E-I-O-U!


Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?