Wednesday, August 29, 2007

 

I See a Big Rut!

Ni ayaw akong gupitan ng Koreana. Ilang araw nang naka-schedule ang "Get Haircut" at ngayon lang ako nagkaroon ng panahon. Gumising talaga ako nang maaga at nang makapunta ako sa Tony & Jackey (Morato Circle Branch) bago ang mga meeting ko sa hapon. Pero day-off si Rex so ang babaeng senior stylist ang kumausap sa'kin. "If you want your hair long, you don't need haircut." "But it's untidy. It's thick. It covers my ears." "Well, because you didn't style it." "Because I was gonna get a haircut anyway..." (At nahihirapan ang Pinay shampoo girl kapag naka-Bench Fix Hair Wax ako). Mabait naman siya and at binigyan niya ako ng blow-dry at hairstyling nang libre. Bumalik na lang daw ako in a month and a half! Grabe! Feeling ko mukha akong ibong sabukot sa buhok ko ngayon, though may point nga naman siya. Kelangan ko pang patubuin nang husto ang buhok ko para talagang ma-achieve ang gusto kong bagsak na hair.

Which makes my feeling of being in a rut even more pronounced.

Na-realize ko kasi na ganyan ako ngayon. Masyadong steady. Oo, malungkot ako generally dahil sa break-up pero hindi naman ako makahagulgol o makapagwala. It's just an endless feeling of a brewing storm inside. Pero hindi makasabug-sabog. Dati I attribute it to maturity, na siguro after a while mas natututunan ko nang i-handle ang mga ganitong sitwasyon (Gosh! Ilang ganitong sitwasyon pa ba ang iha-handle ko in the future?!) pero ngayon parang mas maganda pa yata 'yung dating nakakapag-release ako ng lahat-lahat-lahat ng sama ng loob ko, however destructive the outburst. At least tapos na, or may nababawasan significantly 'yung pain.

Hay! Alam n'yo siguro 'tong feeling na nasa rut ka, 'di ba? Walang nangyayari, walang gulo, wala. Mediocre. Zero inflation (na natutunan ko sa isang libreng seminar ng CitisecOnline. Try n'yo marami kayong matutunan especially if you're thinking of investing in stocks.) Inflation kasi 'yung percent nang itinataas ng presyo ng mga bilihin. Between two to three percent inflation is manageable pa raw, pero 'wag lang daw tumaas du'n, o 'wag namang mag-zero. May nagtanong kung bakit masama ang zero, eh, ibig-sabihin nu'n hindi tumaas ang presyo, right? Sabi kapag zero naman kasi ang inflation ibig-sabihin walang demand, ibig-sabihin business is not growing, nothing's moving and we wouldn't want to be in a situation like that. Galing, no! Dapat talaga required ang basic Economics sa college, eh!

When it comes to my career naman, parang wala ring nangyayari. Merong bagong show pero hindi pa talaga siya nagte-take-off. Things are looking up sa ratings ng Showbiz Central, at steady rin naman ako sa SOP. Pero hanggang ganu'n lang. Steady. Smooth-sailing. Not that I'm complaining, pero it's uneventful. Even the usual chaos and expected ngarag of having two consecutive live shows have become, well, usual and expected.

Nag-i-inquire na nga ako sa mga kaibigan kong nagtatrabaho sa Phnom Pehn, Kuala Lumpur at Dubai kung saan sila naghanap ng kanilan media-related work abroad, thinking a change of scenery might be what I yearn. Wala lang, subukan lang. After all, mukhang happy naman si Val sa kanyang apartment with a view of the Cambodian Royal Palace, at si Francis who is handling a multi-racial ad agency in Malaysia. Si Allan lang ang medyo nagpipigil sa'king umalis dahil mahirap daw ang buhay sa UAE. Matatalino na raw ang mga Arabo't ipapakulong ka kapag jinowa mo sila't magtapos ito sa hindi maganda. Though ni-recommend niyang Brazilians na lang daw ang hanapin ko.

Nasa rut din ang aking athletic career (athletic career daw, o!) dahil nga, well, na-explain ko na. No training, no improvement. (Well, ito hindi basta rut. It's just a slow steady decline to unfitness.)

Sa sobrang uneventful ng mga pangyayari ngayon, naalala ko pa ang mga panaginip ko. Nanaginip ako kagabi na nagpakalbo ako't sisisng-sisi ako dahil it's a back to zero sa aking quest na magkaroon ng dapang hairstyle. May babae pang nagagalit sa'kin "kung bakit ka kasi nagpakalbo?" Si Haydee yata 'yun, ewan. Just a few weeks ago naikuwento ko naman kay Val na nanaginip akong nasa Cambodia ako, sa isang lumang bahay na ginawang museum. Mag-isa lang ako tapos 'yung matandang baklang Pilipinong (!) caretaker eh sinubukang i-seduce ako with pirated gay porn DVD's! Meron pa'kong isang napanaginipan na kay Thea ko lang nai-reveal. Dapat ikukuwento ko siya rito kaso natatakot pa rin ako na baka nga kasi totoo siya. Basta nagising ako (or nanaginip na nagising) tapos iniisip kong, "Shit! Nagyari ba'yon?!" At sa totoo lang, hindi ko masabing 100% sure akong panaginip lang lahat. Sorry, bitin, pero akala ko kaya kong ikuwento. Hindi pala.

Shit! Pati sa pagba-blog, nasa rut ako!

Comments:
When it comes to my career naman, parang wala ring nangyayari. Merong bagong show pero hindi pa talaga siya nagte-take-off. Things are looking up sa ratings ng Showbiz Central, at steady rin naman ako sa SOP. Pero hanggang ganu'n lang. Steady. Smooth-sailing. Not that I'm complaining, pero it's uneventful. Even the usual chaos and expected ngarag of having two consecutive live shows have become, well, usual and expected.
king comforters on sale ,
wool duvet king size ,
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?