Monday, October 29, 2007
Anghang
Sa mga bibihirang pagkakataon na nagluluto ako, parang policy ko na na 'wag maglagay ng asin o anumang pampaalat at ng sili o anumang pampa-anghang. Masyado kasing maalat at maanghang ang preference ko so I leave sa mga taong kakain ng luto ko na magtimpla.
Karamihan ng mga kaibigan ko o katrabaho ko na nakakasalo ko sa kainan alam nang mahilig ako sa maanghang. Hindi nila ako nakaka-share sa sawsawan kasi nilalagyan ko talaga ng durug na durog na siling labuyo. Minsan nga anghang na anghang na sila sa isang putahe pero ako wala pa rin talagang nalalasahang anghang.
Pero hindi laging ganito kamanhid ang dila ko. Ang anghang ay isang acquired taste. You see, my father's Bicolano (Yes, kahit na Tagalog na Tagalog ang apelyido naming Agapay) kaya lumaki akong laging may siling labuyo sa ref namin. Growing up wala sa'ming kumakain nu'n, dad ko lang talaga. Until nu'ng mga high school na'ko, sinubukan ko. Nasarapan naman ako. Hanggang sa lahat na kaming magkakapatid laging may siling labuyo ang sawsawan sa inihaw, sa tinola, sa nilaga, sa bistek, sa adobo.
Pero this is not to say na kaya ko nang kainin ang lahat ng maaanghang. Siguro ang threshold ko lang ay para sa isang normal Indian or Thai na lumaki talagang kumakain ng maaanghang, as compared to the typical Pinoy palette na mahilig sa maalat at matamis.
Nu'ng college naalala ko kumain kami sa SR Thai. Chili beef yata 'yung inorder ko. Paglapag ng plato dinakot ko ang string beans na garnishing at kinain ko. Sabi ni Jacqui Franquelli (na Italian naman ang roots ng ama), "Kumakain ka niyan?" Sabi ko, "Oo, 'di ka kumakain ng gulay?" Napatingin ako sa mga waitress na parang biglang nagkumpul-kumpol sa may counter at lahat gulat na nakatitig sa'kin. Hindi pala sitaw 'yung kinagat ko, kundi sili! Hindi pa'ko nakaksigaw, dali-dali na silang nagdala ng isang pitsel ng tubig! Naubos ko ang laman!
Pero water is not the best way to remove the burning sensation of spicy foods. Oil-based kasi karamihan ng anghang so nagsa-slide over lang du'n ang water. Best if you eat plain rice or bread and let it slide over your tongue para mawala 'yung anghang. Puwede ka rin daw uminom ng gatas though hindi ko pa 'to nata-try. Madalas kasi sa mga anghang emergency situations ko ay wala na'kong tiyagang magtimpla pa ng gatas!
Sa bundok, lalo't malamig, masarap ang maaanghang na pagkain. Sa huling akyat ko sa Mt. Pulag (the coldest point of the Philippines), naghanda ng Bicol Express itong si Dennis. Siyempre confident akong kumain. Eh, OA naman pala ang pampaanghang na nilagay! Feeling ko talaga nasusunog ako, at hindi dahil patung-patong ang suot kong jacket, ha! Agad akong tumakbo papasok ng tent at du'n ko na lang inilabas ang hapdi at sarap nu'ng anghang. Isang subo pa lang 'yun, ha, pero busog na'ko.
Well, sabi nga nila, maganda nga raw sa pag-control ng appetite ang maanghang kasi you tend to feel full faster.
One time naman sumama ako sa isang overnight rock climbing expedition sa Montalban. Hindi pa member ng Philippine Everest Team nu'n si Choy. Basta sa "base" namin na carinderia ni Manang, merong isang lumang bote ng isang kung anong foreign brand ng hot sauce na nakalagay pa, "World's 3rd Hottest Hot Sauce." Nu'ng gabi, hinalo ko siya sa ginagawa kong sawsawan na may sibuyas at kamatis pa. Binalaan agad ako ni manang, "Naku! Maanghang 'yan!" "OK lang po. Mahilig po ako sa maanghang." Putsa! I'm not exaggerating pero hindi pa yata tumatama sa dila ko 'yung sauce, as in nalapit ko pa lang 'yung kutsara, inatake na'ko ng kung anong anghang pain! Ibang klase! Parang kemikal! Hindi ko nakain 'yung sawsawan ko. Bilib na bilib ako kay Choy kasi siya ang nakaubos kinabukasan. Sarap na sarap pa siya sa hot sauce na may warning label pa, heto hindi rin ito biro, na "Keep out of reach of children and pets." Grabe! Parang kemikal! Hindi ko na lang ma-imagine kung gaano kaanghang 'yung 2nd Hottest Hot Sauce in the World.
Pero isa pang naging magandang resulta ng pagkain ko ng hottest hot sauce na'yun, naging hot ako!