Monday, October 29, 2007
Self-preservation
Akala kasi ni Juliet na galit sa kanya si Mark, ang best friend ng mister niyang si Peter. Eversince kasi naging sila ni Peter ay cold na ang trato sa kanya nito. Ito ang simula ng plot nila sa Love Actually.
After the wedding, kinailangan ni Julia ng iba pang footage ng kanilang kasal so napilitan siyang tawagan si Mark dahil alam niyang kumuha rin ito ng video nu'n. Ayaw pang ipakita ni Mark nu'ng umpisa ang video, kesyo nawala raw or something. Pero sa paghahalughog ni Juliet, she chanced upon the tape at agad niya itong sinaksak sa VHS.
Nagulat siya na puro close-ups niya ang kinunan ni Mark. Buko na si Mark. Nagtataka si Juliet, "But you hated me."
Du'n binitiwan ni Mark ang dialogue that would forever haunt me, "It was a self-preservation thing actually."
***
Naalala ko tuloy nu'ng pinamanahan ako ng mommy ko ng antigong eskaparate. Bata pa lang ako nakikita ko na'to at andu'n ang mga old books na ang gaganda, at ilang mga lumang litrato ng mga taong hindi ko na kilala. 'Yung mga textbooks na andu'n, ginamit pa ng mommy ko nu'ng nag-aaral siya. Hardbound, si Camilo Osias ang nag-edit at si Fernando Amorsolo ang illustrator. Ang galeng!
Nu'ng trinansfer ko siya sa bahay ko, anim na lalake ang kailangang magbuhat. Pero hindi ko nakayang ma-display siya nang basta-basta. Binalot ko siya plastic cover all over. Nagtaka ang mommy. Alam kasi niya nu'ng bata ako natatakot ako sa antigong eskaparate na'to na nasa isang madilim na sulok ng sala namin. Feeling niya tinatakpan ko lang at 'di naa-appreciate ang regalo niya sa'kin.
Sabi niya, "You hate it?!" Sabi ko, "It's a shelf-preservation thing actually."