Monday, October 29, 2007
Tuwang-tuwa si Norman sa segment title sa Rated K ni Korina. Naalala ko tuloy ang kuwento ng isang ka-volleyball ko dati na naging producer naman ng Balitang K (cue in sound effects: Jug! Jug!)
Napapamura raw si Korina kapag binabasa sa prompter ang mga scripts ng segments niya...
KORINA: "Sila ang mga tatay na may kakaibang trabaho. Tulad na lang ng isang 'to na isang make-up artist...Panoorin natin 'to jug! jug! NAGFUFUNDA SI PAPA!" Cut. "Putang ina! Kaninong title 'to?!"
Meron pa raw ang segment tungkol sa isang straight guy na nagde-desing ng lingerie...
KORINA: "BRA! GAWA NI BRO!" Napamura na naman daw ulit si Korina.
***
Actually, isang napakasayang part ng pagiging writer ay ang pag-iisip ng mga titles dahil sa isang title na ma-approve at mapapanood ninyo, may isandaan na katarantaduhan na lumalabas na utak ng creative team. Feeling ko nga d'yan lang ako nakakabangka, kapag puro katarantaduhan munang titles. Pero kapag seryoso na, wala na'kong maisip. There must be something wrong with me.
Isang naalala kong magandang naisip na title ng EP ko nu'n sa Sis para sa isang beauty pageant for domestic helpers: "MUCHAHA NG PILIPINAS." Perfect 'di ba? Pero offensive daw 'yung muchacha na word. Hay!
At least na-approve 'yung segment title ko nu'n for SFiles para sa isang live remote feed kung saan itu-tour natin ang mga bahay ng artista sa..."LABAASSSS!"
Meron pa kaming segment ngayon sa Showbiz Central about paranormal encounters ng mga artista. Isang linggo, dalawa ang stories namin. Sinuggest kong gawing umbrella title ang "MULTWO!" Rejected! Bwahahaha!
Crucial talaga ang title. Just last week nagkaproblema yata nang mag-react ang kampo ng isang Kapuso aktor dahil tinawag na "King of Primetime Television" ang isa pang Kapuso aktor. Dalawa rin sa mga young divas ng SOP ang naglalabanan sa title na "The New Concert Queen" kaya hindi na lang namin ginagamit tutal matagal-tagal na rin since nakapag-concert ang dalawa. Buti na rin at sa latest press release ni Pops Fernandez para sa kanyang bagong album ("The Reigning Concert Queen" pa rin siya). Aba! After all these years, 25 years to be exact, and 14 albums, can you name a Pops Fernandez hit song?
At least si Cacai may Forever Blue at Still As a Photograph, Rannie Raymundo Why Can't It Be, Toni Daya Salawahan, at si Alyonna with Sama-Sama (Ready! Sing!) Sama-sama saying goodbye/All the tears of hurt that we've cried...
So mag-contest tayo ngayon. Ano ang pinakamagandang title para sa blog entry na ito?