Monday, January 28, 2008
Batang Batibot
First posted December 11, 2007
Para sa mga kahenerasyon ko, mahalaga ang taong ito... (Lalo pa't ang kahuli-hulihan niyang isinulat ay isang pagtuligsa kay Trillanes haha!)
http://renevillanueva.blogspot.com/2007/11/kasong-trillaness.html
Si Rene Villanueva ang creator ng Batibot, ang TV show na nagturo sa'ting magbasa at magsulat sa Filipino. Nakaengkuwentro ko siya sa UP Film Center nu'ng isang buwan, sa special screening ng indie film na "Endo." Naririnig namin siya ni Adrian Ayalin na kausap ang manunulat na si Neil Garcia. Nu'ng mga panahon na'yon ay na-stroke na si Mr. Villanueva kaya medyo garbled na ang pananalita niya. Hindi ako nakikinig, actually. Si Adrian pa ang nag-point out sa'kin na si Rene Villanueva na nga 'yung nasa likod. Gusto ko ngang tumayo at kamayan siya. Magpakilala lang na ako po ay bahagi ng unang henerasyon ng Batibot viewers na nagpapasalamat sa kanya. Ganito kasi ang ginawa ko nu'ng nakatrabaho ko si Kuya Bodjie Pascua a few years back. Natawa lang nu'n si Kuya Bodjie at sinabing, "Buti at hindi ka napariwara." Sabi ko, "Heto po. Bakla na po ako."
Pero gusto kong isipin na naa-appreciate ng mga taga-Batibot kapag may mga tulad kong lumalapit sa kanila't ine-express ang appreciation nila...
Ngayon, wala na si Rene Villanueva. Hindi kami nagkakilala pero isa siya sa pinakamahusay kong guro. Maraming salamat po.