Monday, January 28, 2008

 

Last Comic Standing

First posted December 13, 2007

Merong email sa'kin ang isa sa mga featured alumna na magpe-perform sa Ciento Comico, a comedy revue produced by the UP Alumni Association in celebration of the UP Centennial.

I'm writing the continuity script; since gahol na nga sa oras para makapagsulat pa ng mga bagong materials ang mga performers na sina Tessie Tomas, Willie Nep, etc., mga existing materials na lang nila ang ipe-perform tapos iti-tweak na lang for the occasion. Eh biglang a few days ago, a week before the show, may isang comedienne na balak gumawa ng all-new, original script. She was very gracious to do so, and she was very funny and receptive at the brainstorming. Tapos hindi ko namalayan, kaka-suggest ko ng mga puwede niyang i-punchline, sa akin na-assign ang magiging initial script niya. Tapos ie-embellish na lang daw niya.

Kahapon 'di ako magkanda-ugaga sa pagsusulat ng mga corny jokes. At kahit ayoko mang i-email ang mga nasulat ko, wala na talagang time. Very apologetic ako sa basurang ipinadala ko sa kanya. At ngayon nag-reply na siya. Hindi ko makuhang buksan. Natatakot ako na at malamang okray lang niya 'yung sinulat ko. Hindi ko kaya.

Siguro sa mga nakakakilala sa'kin na isang taong palabiro at mahilig magpatawa, nakakapagtaka ang insecurity ko na'to sa aking "funny-ness" pero ganu'n, eh. Alam n'yo bang Last Comic Standing lang ang reality TV show na talagang nakakapagpa-tense sa'kin? Talagang hindi ako makahinga at namamawis ako kapag pipili na kung sino comic na mas nakakatawa.

***
O, basta. Manood na lang kayo ng Ciento Comico. It features performances by Ms Tessie Tomas, Mr. Willie Nepomuceno, Ate Glow, Herbs Samonte, Miss Ador, Tuesday Vargas, and many more.

Nakakatawa 'to! Pramis!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?