Tuesday, January 29, 2008

 

Masaya ako sa Pilipinas pero bakit...

Bago ang lahat...gusto ko lang sabihing masaya ako ngayon kahit na medyo bitchy ang magiging entry na'to. Ito lang kasi ang mga bagay na nakikitang worth i-blog lately (eh, natetengga na nang matagal ang site ko, kawawa naman ang aking dear readers hahahaha!)

1. Lumabas sa frontpage ng Inquirer today (30 January 2008) ang listahan ng Top 10 Most Corrupt World Leaders. Ang kamamatay lang na si Suharto ng Indonesia ang nag-top, in fairness. Pero dalawang Pilipino ang sumunod. Runner-up position si Makoy at "rounding up" the top 10 si Erap! Geesh! "Of all time" ito, ha! Tama talaga ang mommy ko, maraming pera ang Pilipinas, kung kani-kanino lang napupunta.
Lalo tuloy nakakapanggalaiti how nonchalantly we've forgotten everything, noh? Si Erap lumalabas na lang sa "Wish Ko Lang" na kala mo kung sinong santo na tinulungan ang kanyang former colleague na si Palito. At kung umasta siya, parang vindicated na vindicated siya sa lahat ng araw na inilagi natin sa EDSA II.

Noong nag-treat nga si Sheila sa Manila Pen for her birthday, dumating si Imelda. Biglang tumugtog ang orchestra ng "Dahil Sa'yo" at nu'ng umalis na siya talagang ang daming pumaligid at akala mo si Santo Papa itong kinakamayan nila. Pati mga staff nakapila, kasi aabutan na sila ni Madame ng tip... Hindi siguro ganito kahirap umasenso sa Pilipinas kung walang pang-tip si Imelda, no?!

2. Merong na-install na computerized election system ang Congress para raw mas mabilis ang botohan nila sa mga bills. Pero siyempre ang computerization ng national elections dumaan muna sa pagkahaba-haba at pagka-corrupt-corrupt na proseso pero hanggang ngayon hindi pa rin in place. That is another example of what my mom is saying na hindi nagagamit sa tama ang pera ng Pilipinas. Kapag para sa kapakananan ng mga pulitiko (trips, free gas, free food, pang-decorate ng kanilang mga opisina...) laging may budget pero kapag para sa bayan na, laging "walang pera ang gobyerno." Mga gago talaga sila!

3. Narinig ko sa radyo habang nasa taxi ako na ini-interview ang isang Cong. Abante yata ng Manila. Ang panukala niya: gawing mandatory reading ang Bible sa mga private at public schools. Ang daming kabobohan ng panukala, 'di ba? Bobong-bobo, 'di ba? Pero you haven't heard everything yet. Tinanong siya, "Hindi po ba 'to labag sa Constitutional provision separating the Church and the State?" Ang sagot ng bobong congressman from Manila: Eh, kung pinag-aaralan nga natin ang mythology, ang mga gods ng Ancient Greece at Rome, at maging ang myths ng Philippines noong unang panahon, bakit hindi natin pag-aaralan ang Diyos? Aaahhh...so parang iti-treat siya as a literary reading...Puwede... Pero sinabi rin niyang kelangan talagang maging mandatory ang Bible sa mga paaralan para na rin sa values formation ng mga bata...

Gusto n'yo makakita ng tamang values ang mga bata? Gawin n'yo nang maayos ang mga trabaho n'yo at hindi kung anu-anong batas ang ipinapanukala n'yo't pagbobotohan pa gamit ang inyong newly acquired computer voting system tapos 'yung mga pork barrel n'yo eh ipambibili n'yo lang ng mga SUV sa mga anak n'yo at mga bodyguard niyo para may hagad kayo tuwing trapik!!!

3. Hindi pa d'yan, natatapos ang Maynila. Oh, Lord! Help our capital city! Hindi ko lang alam kung ire-reverse 'to ni Lim pero ipinagbabawal na ang distribution ng artificial contraceptives sa mga barangay health centers. Dati kasi may US funding 'yan for population control pero dahil immoral daw ang mga ganyang artificial contraceptives, hayun, hinahayaan na lang nilang mag-anak nang mag-anak ang mga mahihirap!

Idagdag mo pa d'yan ang isang self-righteous group na inirereklamo ang what I think are tasteful and highly informative ads ng Trust Family Corporation (makers of Trust Condoms, Frenzy, and advocate of the Trust Family Program). Ang kikitid kasi ng mga utak ng mga 'to! Akala mo kung sinong nagpapakain at nagpapaaral sa mga dose-dosenang anak ng mga mahihirap, eh! Ilang studies na ang lumabas na ang pagtuturo ng contraception, at pamimigay ng condom o anumang uri ng contraception ay hindi nakaka-encourage sa mga kabataan na mag-sex. Studies have proven nga that education may cause the youth to even delay becoming sexually active, and if ever they do, they are more responsible since they are aware of the consequences, and safe methods or protection are accessible.

4. Lately, laging nababalita na ang dami-daming job openings daw for Filipinos sa Canada at sa iba pang bansa. Then a cameraman commented that an applicant would need about 150,000 Pesos just to apply! Sabi nga niya, "kung may ganu'n akong pera magnenegosyo na lang ako." Tama! Eh, ang kaso, 'yun na talaga ang mindset natin dahil 'yun na rin ang in-encourage ng gobyerno. Isa na talaga silang ad placement agency. At ngayon, talagang mini-milk pa nila 'to to the max by imposing new restrictions on the direct-hire process kasi sa ganu'n naka-cut ang role ng gobyerno, so nababawasan din ang kita nila tsktsktsk...

Ang empleyo sa ibang bansa ay maganda nga, pero empleyado pa rin. Hindi ang pagiging empleyado ang ikinayaman ng mga Chinese-Filipinos. At hindi ang pagpapadala ng world-class minds at labor force sa ibang bansa ang naging sikreto sa tagumpay ngayon ng Singapore, China at India. Talagang dapat ma-encourage at ma-educate ang mga tao tungkol sa entrepreneurship, kahit ano, dito talaga iikot ang pera sa'tin, eh, at nang hindi tayo nagkukumahog sa pera ng iba. Ang problema, well, pati naman ako, pinag-aral ako para makahanap ako ng magandang trabaho pagka-graduate. Ang tinatanong sa'kin, "Saan ka nagwo-work?"

Siguro talagang uunlad ang Pilipinas kapag pinag-uusapan na natin kung saan tayo magi-invest, anong klaseng negosyo ang maganda i-put up...Go negosyo!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?