Saturday, March 15, 2008
Dapat bang Parangalan ng UP Vanguard si Marcos?!
Kagabi, March 14, ay live pang kinover ng TV Patrol World ang pagpaparangal ng UP Vanguard kay former dictator Ferdinand E. Marcos. Dumalo si Ilocos Gov. Ferdinand “Bong-Bong” R. Marcos, Jr. at ang dating First Lady Imelda Romualdez Marcos... Ang galing! Wow! Nasa UP ang mga hayop na'to! On UP's Centennial Year, no less! Inisip ko sa lahat ng ginawa nila and what they represent, dapat makukuyog sila 'pag tumuntong sila sa teritorya natin at hindi aawardan!
Magkano kaya'ng dinonate ng mga Marcoses mula sa kanilang ill-gotten wealth sa obsolete nang UP Vanguard? Grabe! For an organization that is not exactly popular among students (lalo na'yung mga freshman at 'yung mga overstaying na pero hindi pa rin tapos sa ROTC/CMT o kung whatever it is they call this expanded ROTC shit program now), talagang makakatulong ito para lalong ma-endear ang UP population sa kanila...Pero teka! Paano ba kasi nakalusot 'to? Sabi sa report, hinihiwalay daw ng UP Vanguard ang pulitika at gusto lamang nilang parangalan ang kontribusyon daw ni Marcos sa kanilang samahan!
Sige, karapatan nila bilang isang naaagnas nang samahan na parangalan ang sinumang kupal nilang dating miyembro pero naman! Naman! NAMAN, O! Sana sa isang hotel na lang na malayo sa UP Campus nila ginawa ang awarding na'yan! Malapit lang ang Sulo Hotel sa UP, pramis! UP Vanguard pa naman, as their name implies, bantayog sila! Now what exactly it is that they're guarding is beyond me now. Definitely, hindi nila binabantayan ang kasaysayan ng Diliman Commune kung saan ang mga estudyante, guro at staff ng Unibersidad eh nagbarikada para mapigilan ang pagpasok ng mga tauhan ni Marcos nang mag-declare siya ng Martial Law. Hindi rin nasaalang-alang ang continuous and proud legacy of activism sa UP, lalo na 'yung nagbunsod sa First Quarter Storm at ng hene-henerasyon ng mga UP students na iniwan ang kanilang pag-aaral para lang ipaglaban ang ating kalayaan... Hindi ba alam ng UP Vanguard na marami sa mga UP students at teachers na'to ang pinatay, at ang ilan pa nga eh hindi pa rin nahahanap hanggang ngayon?! Wala bang isang former cadet nu'n na ganito ang ginawa para maawardan nila?
Deeply-rooted na nga ang korupsyon sa ating bansa, as the current situation shows. Hindi pa rin mature ang ating political party system, ang ating electorate, ang ating mga institusyon. Ayokong isisi lahat ng 'yon kay Marcos pero malaki ang naging kontribusyon niya at ang kanyang matagal na pangungurakot sa kaban at diwa ng ating bansa kaya ganito pa rin tayo ngayon... Now how can the UP Vanguard separate decades of Marcos' politics from Marcos?
Hindi ko pa rin talaga maalis sa isip ko 'yung footage nina Bong-Bong at Imelda sa UP. It just leaves a bad, bad taste in the mouth! Pero hindi na nga ako magagalit. I never really held the UP Vanguard in high-esteem anyway. Naalala ko nu'ng naga-ROTC ako, naka-formation kami tapos isang kotse ang mabilis na humarurot sa kalsada tapos isang lalakeng laseng pa yata from last night's gimik ang nilabas ang ulo sa bintana at sumigaw ng “PUTANGINA NINYO!” Plinano namin ni Vichael na kapag graduate na kami sa ROTC ay gagawin din namin 'yon kaso we never really had the chance to do it. So ngayon, sa pamamagitan ng mumunting blog na'to, in a way, magagawa ko na ang childhood dream na'yon. PUTANGINA NINYO, UP VANGUARD! PUTANGINA NINYO!!!
So sa mga may kotse kong readers, what you say gising tayo isang umaga tapos drive-drive lang tayo sa UP? Ihanda ang pei pak wa.