Thursday, March 13, 2008
I'm a Breastfed Baby!
The idea for this post started out with humor in mind. Madalas kasi kapag nasa bahay ay bukas ang TV (kahit nga wala ako sa bahay iniiwan ko minsang nakabukas ang TV, eh). Tapos naririnig ko ang TV commercial ng Nido. Meron daw itong added special ingredient na talagang makakabuti sa kalusugan ng iyong anak...
Ang secret ingredient?
Heto na...
Kumapit ka...
Mamamangha ka...
LACTOBACILLUS PROTECTUS!
Para na naman tayong niloloko nito, eh. Matagal na pong wala sa ere ang Pera o Bayong, ang game segment ng Magandang Tanghali Bayan. Akala ko, kasama nang paglipas ng tandem nina Roderick Paulate at Amy Perez ay nalaos na rin ang mga bogus scientific names na tulad ng kabayosis blackenwaytis (for zebra)...
But, no! Binuhay siya ng Nido!
The TVC is in English, ha. Sosyal ang tinatarget na market. At serious ang tone ng female voice-over. So what were they thinking nu'ng tinawag nilang Lactobacillus Protectus ang kanilang special ingredient?!?
Dapat ba makuha natin ang konek sa Lactobacilli Shirota Strain ng Yakult? At siguro rin naman maiisip na nating makaka-protect ito sa sakit dahil ang second word sa high-sounding (not!) scientific name ay, "Protectus!" Sino kaya'ng nag-isip ng Lactobacillus Protectus?]
Well, nag-research na'ko...At natanong ko na siya! At heto ang explanation niya...
"Lactobacillus Protectus' role is very important. They was, They...Oh, my Gahd! I'm so sorry! You see, I'm only sebenteen! And this is my pers jab."
***
Pero heto na...
Sa paghahanap ko ng photo ng Nido that could hilariously accompany this entry, tumambad sa akin ang isa pang katarantaduhan ng Nido, well, in fairness, ng iba ring milk companies sa Pilipinas.
The Milk Code is a very pioneering law in the world...and is also one of the most threatened. While the UN and other countries hail the DOH for pushing the passing of this law (which essentially limits the advertising of breastmilk substitute), maraming malalaking kumpanya ang galit dito.
I don't know if you remember a series of articles about how the US government allegedly sent a letter to our government, warning that the Milk Code might impede with our trade relations with them?
Recently lang, I had to turn down an account for a baby food company, despite their big budget (as in milyones for the AVP pa lang!) dahil I feel strongly about this issue (Kasi naman, pangalan pa lang ng blog ko: I'm a Baby! so concerned talaga ako rito!)
Ang strategy pa talaga nu'ng company (na hindi ko na lang papangalanan) gagawa ng mga series of events to convince moms to feed their babies, no matter how young, with their products! Grabe!
Siguro ngayon hati ang bansa natin sa isyu ni Gloria!
Magkaisa man lang tayo sa usapin ng dyoga!
Tandaan ang tagline na natutunan natin nu'ng bata pa tayo: "Ang gatas ng ina ang pinakamainam para sa sanggol dahil ito ay masustansya at may pinakamagandang lalagyan!"