Wednesday, March 12, 2008
Jenina at Iba pa...
1. Sino pa ba ang hindi naka-view sa YouTube or nakatanggap sa text ng full transcription ng kabobohang sagot ni Ms Jenina San Miguel, ang newly crowned Bb. Pilipinas-World 2008? So hindi na'ko dadagdag pa sa ingay... Nakakalungkot lang talaga kasi even if she's “only 17,” she should be able to form a simple English sentence by now, considering she's a freshman at the University of the East... Ganito na ba kalala ang state ng education sa Pilipinas?
2. Kumakalat na rin sa emails ang blog ng isang DJ Montano, which spills the supposed baho of Manila's young socialites... Hindi ko gustong bigyan ng panahong basahin 'to pero naririnig-rinig ko na ang laman (courtesy of friends na may tiyagang magbasa ng mga ganitong walang kakuwenta-kuwentang blogs! Basahin n'yo na lang ang blog ko, mas marami kayong mapupulot na aral!) Sa totoo lang, masa-shock pa ba tayo? Ang plastik naman kung sabihin pa nating, “Grabe naman sila!” Ganyan din naman tayong lahat, ha. Mas sosyal lang sila. Nagbubulakbol din tayo, meron din tayong petty crimes na kino-commit, nagpapakalulong din tayo sa droga, sa alak, sa yosi, kung sinu-sino rin ang nakaka-sex natin...So please lang, noh! (That said, manood kayo lagi ng Showbiz Central, every Sunday afternoon sa GMA. Ako headwriter nu'n!)
3. I don't care what you say about Gretchen, maganda siya. At sa tingin ko may karapatan siyang magpaka-gaga-gaga dahil maganda siya. Inggit lang kayo! Nu'ng una ko siyang nakita gusto ko talagang lumuhod sa harap niya dahil mukha siyang dyosa! Ganu'n siya kaganda. At sweet siya, matalino, maayos kausap. Did I mention na ang ganda-ganda niya? So bago n'yo siya husgahan, tanong ko lang: Maganda ka ba? As in magandang-maganda?! At kung ang sagot mo with all honesty ay, “Yes, Rey! Magandang-maganda ako!” Pwes! Ganyan din ang inisip ni Jenina San Miguel kaya siya sumaling Bb. Pilipinas...Maganda nga pero not enough para ma-excuse ang kasablayan...
4. Say Binibining Pilipinas ten times! Binibining Pilipinas, Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas,Binibining Pilipinas....Nakakabulol, no? So understood kung pati hosts ng pageant at former title-holders na sina Miriam Quiambao at Precious Lara Quigaman eh nagba-buckle pa rito...Take note, first runner-up lang si Miriam (dahil sumemplang sa final question) at walang interview portion sa Miss International.
5. “Be the change you want to see.” Magandang message sa mga taong puro na lang reklamo.