Friday, March 07, 2008
Love in the Time of Milenyo
Isipin mo ang pinakanakakainis na taong kilala mo. 'Yung pinakamaepal, pinakamaingay, pinaka-sablay at wrong timing humirit, at pinaka-dense sa fact na nakakainis na sila. Tapos i-times two mo 'yun. Ganu'n ang level ng pagkanakakabanas ng isang taong itatago natin sa pangalang Ina. Recently nga sa sobang pagkanakaka-asar niya eh nasapak siya. Pero deadma pa rin siya.
Ngayon isipin mo ang pinaka-cute at nakakakilig na boy na nakilala mo sa Boracay. Ilalaban ko d'yan si Ian, officemate ng teammates ko na na-meet ko sa Boracay 3years ago. Matangkad, artist, boyish-looking, longish hair, cute smile, medyo chubby pero swimmer siya dati...
Nag-inuman kami sa Boracay tapos sumayaw tapos hinatid pa niya kami sa tricycle. Ang sweet niya sa'kin to the point na akala ng girl friends ko eh type nya rin ako. Pero straight daw siya, eh. Ewan...Just the same, hinigi ko ang number niya kay Poch (ite-text siya ko soon in case lang pero hindi ko rin nagawa...)
Tapos isipin mo kung nasaan ka nu'ng Milenyo. Naaalala mo pa rin,'di ba? Unexpected kasi 'yun, eh. Nu'ng umagang 'yon pa, eh, nakapag-malling pa kami sa Eastwood (yes, bukas 'yung mall) pero nagsara rin immediately after kasi nga nari-realize na ng Metro Manila na kakaibang bagyo ito. Ang lakas ng ulan! Ang lakas ng hangin! Ang daming nagtutumbahang billboards at kung anu-ano pa so kalat ng debris ang mga kalsada. Delikado! Tapos brownout pa sa condo! Shet!
And then isipin mo bigla ba naman akong nakatanggap ng text kay Ian! Kilig! Nangangamusta. Na-touch naman ako. Concerned siya sa'kin. So nag-reply naman ako.
Buong araw kaming nag-textan. Pagdating ng hapon, bagsak na ang ilang cellsites ng mga network so pahirapan mag-send pero tinitiyaga ko pa ring mag-text para lang tuluy-tuloy ang conversation namin.
The next day, nagte-text pa rin si Ian. Back to normal na ang buhay ko pero sa kanila brownout pa rin daw. Gusto ko na talaga siyang yayaing tumira muna sa bahay until magkakuryente sa kanila. Pero dinadaga ako. Ganyan ako kapag type ko ang isang guy, natsotsope pero kung OK lang siya, mas kaya kong tumodo ng landi. So na-shy ako't 'di ko na siya napapunta. Straight nga rin 'to so natatakot akong ma-reject ang aking not-so-innocent offer...(But then again kung straigt siya at alam niyang bading ako bakit pa siya text nang text, noh?!)
May isang linggo rin kaming nagte-textan. Feeling ko ako ang ganda-ganda ko. One time, tinext niya ako kung bakit hindi raw ako nag-row that morning. Nagulat ako kasi alam ko once lang siya nag-row so naikuwento ko kay Haydee na nag-row pala si Ian nu'ng umaga. Haydee was just confused, “Hindi naman, ha.” Nalito ako. Bakit niya sasabihing nag-row siya kung hindi naman. So sabi ko, “Ano nga ang full name mo? Para sa team line-up.”
Magkasama kami ni Haydee nu'n. Nag-iba raw talaga ang masaya kong mukha. Akala niya namatayan ako at binalita sa'kin sa text. Panic-stricken siya, “Ano? Ano nagyari??”
Binasa ko ang reply. “Ina ___.”
Nu'ng tinext ko pala si Poch ng number ni Ian, ang sinend niya ay ang number ni Ina. I swear! Gusto kong manapak nu'n. Ngayon ko lang siya nakuwento kasi ngayon ko na lang siya napagtatawanan. napagtatawanan.