Wednesday, March 26, 2008
Moms Say the Darndest Things!
1. Naging teacher ang mommy ko sa Marist, kung saan din kami grumadweyt ng mga kuya ko. Oo, naging teacher ko siya. Sa History, which happens to be my favorite subject so natural lang naman na du'n ako pinakanage-excel. So 'wag n'yo nang intrigahin kung bakit Best in History ako ng batch ko. (Actually, gusto ko lang ipagyabang 'yun! bwahahaha!) Pero, actually, mas interesting fact ang pagiging Best in Religion ko. Totoo 'to.
Anyway, one time, nagkaklase kami tapos ininterrupt ng mommy ko 'yung class at pinatawag ako sa teacher. During times like these, nafa-fascinate 'yung mga classmates ko kasi nga parang weird 'yung mommy-son tapos teacher-student dynamics sa school. Naglalakad na'ko papunta sa kanya nang bigla ba namang sabihin ng aking mommy in her signature loud voice ang kanyang pakay, "Ric, ano nga ba'ng number natin sa bahay?!"
2. Mula rito, hindi ko na papangalanan kung kaninong mommy 'to... Nagdi-dinner daw silang buong pamilya. Uminom ang mommy pero natapon lang ito sa blouse niya. "Ay! Akala ko bibig ko na!"
3. Driving to Tagaytay, naalala ng pinsan na "Bili pala tayong San Mig Light!" Sambit ng mommy, "Naku! Meron na'kong dala d'yan! 'Wag nang bumili!" That night hinahanap na ng pinsan 'yung San Mig Light sa ref. Wala. "Ma, saan mo nilagay 'yung San Mig Light?" Ayan, o! Sa tabi ng thermos! San Mig Coffee pala ang binili (in fairness, "Mild" flavor).
4. Sa mall, "Miss, miss, saan 'yung Mrs. Sally Field's Cookies?"
5. Sa children's party, "O, eat your spaghetti." Ano nakakatawa rito? Well, the mom prounounces it "Is-pag-HETTI" (emphasis on the HETTI!) Kasalanan 'to ng kabarkada ni Jollibee!
6. May prank caller sa bahay nila. Everytime na sasagot ang mommy tapos ibababa lang ng caller ang phone, banas na magmumura ang mommy in English ng "Ishtoopid!"
7. Nasa taxi ang mag-anak papuntang mall. Ang mommy ang nagbibigay ng directions sa driver, "Mama, kanan d'yan!" "Mama, kaliwa!" "Mama, d'yan po!" After a while, nagsawa na siguro, pinagalitan ang panganay na anak na lalaki na siyang nakaupo sa passenger seat. "Ikaw ang nasa tabi ng drayber bakit hindi ikaw ang magbigay ng directions?" "Ma, sasabihin ko pa lang sasabat na ho kayo, eh!" "Ah, ganu'n?! Mula ngayon hindi na'ko magbibigay ng direction! Ikaw ang magturo sa drayber kung saan pupunta! Mama, KANAAAN!"
8. Nasa kotse ulit. Lingon nang lingon ang mommy, "Teka, sina Lui hindi na nakasunod. 'Di ba convoy tayo?" "Ma, hindi na po. Nag-usap na kanina na magkikita na lang sa bahay nina Tita." Nag-insist ang mommy na mas alam niya ang plano ng mga nagda-drive, "Hindi! Ang sabi, magko-convoy tayo. Tawagan mo sila at baka hinahanap na tayo nu'n!" Eh, nagpapa-gas na sila by then. Naging impatient ang mommy dahil parang ini-ignore siya ng mga anak niya, "Ano!? Tawagan n'yo na!" "Ma, nasa gas station po tayo. Bawal tumawag sa cellphone." Agad na sumagot ang mommy, "Talagang bawal! Kahit mag-text! May namatay na d'yan, eh!"