Thursday, March 27, 2008

 

Sick-Mura

Sa trial ni former Batangas Gov. Toni Leviste (mas kilala ko siya bilang former husband ng sa tingin ko, sa tingin ko lang naman, ay isang napaka-hipokritang Loren Legarda), tumestigo ang daughter ng kanyang long-time confidante na nabaril daw niya while defending himself. Pinabulaanan ng daughter ang testimonya ni Leviste na kinompronta siya ng kanyang katiwala kaya niya ito nabaril sa kanyang opisina pa mismo. Sabi ng daughter ni Delas Alas, magsa-shopping dapat sila ng tatay niya nang pinatawag siya bigla ni Leviste...And du'n na nga siya nabaril. When asked by the press to comment about the daughter's testimony, heto reportedly ang sagot ni Leviste, "May all the people in the Philippines if I'm telling the a lie..."

AY PUTANGINA! NAGTATRABAHO AKO RITO PARA MABUHAY TAPOS ITATAYA MO LANG ANG BUHAY KO NANG BASTA-BASTA! Hay lumalabas ang pagka-corrupt government official ni Leviste (kahit na "former" na siya), para lang sa sariling agenda pati kaluluwa ng mga tao itataya...Hmmm...Sino pa ba'ng ganu'n?

***

Meron bang rice shortage? Sabi ng ibang grupo, just look at the fast-rising prices! Sabi naman ng gobyerno, relax! Pero nagpa-pledge na sila sa Vietnam ng bagong supply ng bigas, ha. Nasa Pilipinas ang International Rice Research Institute, the "oldest and largest agricultural research institute in Asia!" Tayo ang nagturo sa ibang bansa, including then war-ravaged Vietnam, kung paano mag-cultivate ng palay!

Anonangyare???

Bumiyahe ka lang palabas ng Metro Manila eh mapapaligiran ka na ng mga palayan. Tapos ngayon kulang na tayo ng supply?! Pati ba naman kasi funds para sa fertilizer at irrigation eh ninanakaw. Mismong lupain ng mga farmers, ninanakaw!

Tapos meron pa ngang suggestion ang isang government official na dapat may half-rice option sa Jollibee and other passports! Nakanamputsa! 'Yun na nga lang ang kaligayahan ng mga ordinaryong tao (yes, some people do consider a meal in Jollibee a luxury that it is done during special occasions), tapos ipaparamdam mo pa sa kanila na dapat silang magtipid...Dahil? Dahil kinurakot ninyong nabubuhay ngayon sa obscene escessiveness! Ang kakapal ng mukha niyo! Sa Congress, libre ang kanin at lahat ng pagkain ng mga congressman! Heck! Libre ang kanilang gas, trips abroad, pambayad sa kanilang luho...

Dapat sa Pilipinas kung saan staple food ang rice, rice should be in abundance that we could take it for granted. 'Di ba there's something wrong na supposedly hindi tayo mabubusog nang walang kanin pero in this country rice is sold by the cup? At pagkaliit-liit pa ng cup! Dapat dito kahit saan rice-all-you-can!

***

Lately, naglipana ang mga docus about hunger in the Philippines - ng mga pamilyang nagpiprito ulit ng mga tira-tirang nakalkal nila sa basura, ng mga pamilyang nagsasalu-salo sa Chippy kasi 'yun ang maalat na pampalasa sa kanin. Heck! Ina-advertise na nga ngayon ang arina't vetsin na instant pancit canton bilang viable na ulam! Nu'ng bata ako, parang hindi ganu'n ang positioning niyan alam ko, eh... This makes me think, ang tiyaga-tiyaga ng mga Pilipino. Kung dati nga sa Argentina talagang nagka-food riot kung saan sinugod ng mga gutom ang mga tindahan, dito grabe na ang kagutuman, amidst plenty, pero wala pa rin...

Hanggang kailan natin 'to masisikmura?

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?