Monday, June 09, 2008

 

2 Weddings

Last week, napasama ako sa pagpaplano ng dalawang wedding.

Una ay ang pre-prod meeting sa Dome, Shangri-La Mall para sa 10th Anniversary Wedding nina Cacai Velasquez and Raul Mitra. Special coverage kasi ng Startalk at Showbiz Central ang celebration sa Tagaytay Highlands sa darating na linggo. Frankly, kahit pa ratings show that the Filipino audience loves watching celebrity weddings, hindi na’ko nae-excite sa ganito, much more covering them. Para kasing nawawala ‘yung solemnity at intimacy para sa’kin kapag masyadong bongga at publicized ‘yung wedding (hmmm…ito rin kaya ang sentiment ni Mr. Big nu’ng sinasabi niya kay Carrie na “I need to know that it’s still us – you and me.”)

Pero I must say na-impress ako sa vision ni Cacai para sa kanyang wedding. Image-wise, she’s always been the edgier between the famous Velasquez sisters pero hindi ko alam na ganu’n pala talaga siya at hindi lang vision ng isang PR man ang kanyang pagiging, er, wilder. Black ang motif ng wedding. Classy black ang invitation tapos gusto niya sa wedding niya lahat naka-itim. Siya lang ang nakaputi, siyempre! Tapos gusto niya madilim - candlelight tapos medyo reddish ang lighting sa dinner-reception. Kakaiba pero romantic pa rin ang pinapakita niyang pegs sa’min na kung mapu-pull off talaga ng kanyang planner na si Rowena Garcia, eh, sa tingin ko it will be a truly spectacular wedding.

“Words, Love, and Music – the Cacai-Raul Mitra 10th Anniversary Wedding” will air next weekend sa Startalk and Showbiz Central.

***
Kagabi naman ay naka-dinner ko sa Cyma, Shangri-Mall (paborito yatang mall ‘to ng mga ikakasal) ang valedictorian ng aking UP-College of Mass Comm Batch 2000 na si Atty. Kat at ang kanyang fiancée na si DA. Buti hindi ako naging malaking hadlang dahil andu’n ang isa sa magiging co-host ko sa kanilang wedding reception this November, si Gian. I really look forward to this dinner kasi masarap sa Cyma plus napaka-traumatic as usual nu’ng pinanggalingan kong taping ng Gobingo…hindi ko talaga hinindian ang alok ni DA na beer. Aaahhh!

Ilang beses na’kong naaanyaya ng mga kaibigan kong ikakasal na mag-host ng wedding nila at WALA pa’kong tinatanggihan. Basta kaibigan, it’s an honor na piliin nila akong maging part ng very special day in their relationship, ‘di ba? Ang lagi ko lang request, sana hindi na’ko papilahin sa buffet at sana merong day planner na siyang gagawa ng dirty work like calling out the numbers of the tables na susunod nang magpapa-picture with the newlyweds, or susunod nang pipila sa buffet.

Anyway, excited ako sa wedding na’to. Kat and I are not particularly close nu’ng college – may kani-kaniya kaming barkada – pero we’ve managed to stay in touch. Ngayon abogado na siya at ako ay isa nang tsismis writer! Sa One Esplanade ang reception at Bizu ang kanilang caterer. If only for the food, I will not miss this hosting “gig!”

***
Sa dalawang meetings na’to dalawang encounters ang tumatak din sa’kin.

Sa meeting with Cacai wedding team, nakaupo sa kabilang table si Ms Clarissa Ocampo, ang bank executive whose classy, calm, and credible testimony at the Estrada Impeachment Trial that she saw Erap sign questionable bank documents as Jose Velarde is for me the golden example of modern heroism. And the way she just faded into obscurity right after changing the course of history made her even more heroic. Recently siyempre naka-crop up ang pangalan niya dahil merong mga taong tulad ko na kahit naniniwala sa self-proclaimed “probinsiyanong Intsik” eh hindi comfortable sa kanyang theatrics.

Prior to going to that meeting, nilibot ko muna ang Shangri-La para sa bumili ng Philippine Flag pin pero wala akong mahanap (kahit National wala!). Pero I guess if you are in the presence of Clarissa Ocampo, ‘yun na’yung sense of pride in being a Filipino na kailangan mo! If before she showed any hint of loving the publicity, I would not have hesitated to approach her table to shake her hand. Pero mukhang mas gusto na niya ang anonymity niya. Pero para sa’kin, I will forever be grateful to her. She is my hero. Thank you po, ma’am. (hmmm…sana pala sinabi ko na lang sa kanya…if any of my dear readers, dear readers daw o, has any way of sending this little blog entry to her, please do.)

Sa dinner naman with Kat ay nakilala ko pa ang isang lalakeng tila sinulat ni Nora Ephron sa pagka-romantic. He proposed to her girlfriend the way Peter Parker did in Spiderman 3 kasi pet peeve daw ng kanyang girlfriend kung ginagaya-gaya raw niya si Spidey. Nasa champagne ang engagement ring, saka siya umenter nang naka-Spiderman costume! Ang cute, ‘di ba? Meron pala talagang nangyayaring ganu’n. Akala ko sa pelikula lang. But then again, he ended up breaking the engagment “one year ago na pala!” dahil “hindi kami pareho ng pinapahalagahan.”

Siguro nga bagay kaming mag-host ng wedding, para nari-remind kami ng mga pinapahalagahan namin, ng mga pinaniniwalaan namin, at ng inaasahan naming happy ending na makukuha rin namin someday.

Comments:
Hi Rey.

I posted the pictures at http://daloveskat.blogspot.com/2008/07/snapshots.html.

=)
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?