Wednesday, June 04, 2008

 

Now Showing...

Kung ayaw mo ng spoiler sa Sex and the City, don’t read this blog yet.


Kinasal na si Carrie Bradshaw at si Mr. Big.

Well, Sex and the City The Movie is malabnaw – the conflicts are contrived, the fashionista moments are too set-up, and the dialogues lack the beautiful rhetoric of the series. That being said, na-enjoy ko ‘yung pelikula. Eh, bakit ba? Sa fan ako ng napakagandang HBO TV series, eh, na sa sobrang ganda, mafo-forgive mo na ang pelikula na ginawa solely to get more money from gullible romantics like me.

In fairness, kinarir namin nina Haydee, Diane, Alyx at Pen ang panonood nito kagabi sa Trinoma. Sabi ko kasi mag-dress-up and with the exception of Haydee na galing taping kaya ang panget ng suot (but then again si Diane din galing work pero nakaporma pa rin), eh fumasyon naman kami. True enough, marami sa mga nanood that night ay fumasyon din! Pila pa lang sa ticket alam mo na kung ano ang panonoorin ng mga tao.

Sa mga sumabaybay sa Sex and the City, may theory sina Alyx at Pen. Sagutin mo muna ‘to, sino ang mas feel n’yong makatuluyan talaga ni Carrie – si Aidan o si Mr. Big? Sagot! OK… Here’s their theory:
Kapag sinagot mo raw na Aidan, malamang ikaw ay nasa isang normal, stable relationship ngayon. Pero kapag Mr. Big, well, either sawi ka o abnormal at unstable ang relationship mo. So ano ang sinagot mo? (No changing of answer, ha!)
Well, may mga times din na nalulungkot ako while watching the movie. I mean, si Carrie, ang ultimate na kakampi ko sa pagiging lonely at sawi, nakahanap na ng love…Ako kaya kelan?

***
Masaya rin ang Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull. Hindi ko naman napansin na matanda na si Harrison Ford sa pelikulang ‘to. Masaya lang siya na pelikula. At Pilipinung-Pilipino pa ang mga puncline…mas Pipilipino pa sa eksena sa SATC Movie na kung saan natae si Charlotte si pants niya! (Nag-warn naman akong may spoilers ‘to, ‘di ba?)
Anyway, lumulubog na sa kumunoy si Indiana Jones. Inutusan niya ang anak niya na kumuha ng lubid. Eh, gubat ito! So ang inihagis sa kanya, ahas! “Grab the snake!” “What?! I don’t wanna grab the snake!” O, ‘di ba? Regal Films school of scriptwriting.

***
Pero panoorin niyo talaga ang Caregiver ni Sharon Cuneta. Medyo lang na-excite akong panoorin ang movie na’to. Pero since lahat ng taong niyayaya kong manood mas feel manood ng Sex and the City, nawala na rin ang excitement kong panoorin ‘to, until a few days ago na biglang na-bore ako’t natapos akong maaga sa work so nahatak ko si Haydee sa Eastwood.
Maganda ang Caregiver kasi it explored other causes and impacts of the diaspora of Filipina migrant workers than those dramatized in another great modern Filipino film, “Anak.”

Nakita ko rin sa film ang mensaheng wala sa lugar ang tagumpay ng isang tao – nasa diskarte at tiyaga talaga. Si Sharon ay maayos ang buhay at trabaho rito sa bansa pero pinilit pa rin siya ng mister niyang mag-caregiver sa London nang bunagsak ang negosyo nila rito. Doon, agad na umusad ang career ni Sharon pero ang kanyang mister na magastos, hindi marunong makisama sa mga katrabaho, ma-pride, mabilis ma-frustrate, sinisisi sa lahat ang kamalasan maliban sa sariling katamaran at kawalan ng diskarte , eh, basta na lang nag-awol sa trabaho sa paniniwalang wala sa London ang suwerte niya, bumalik na lang daw sila sa Pilipinas bago sumubok muli “sa States, sa New Zealand…” kahit pa wala pa silang naipupundar sa pagtatrabaho abroad.

Sa huli, pinasya ng tauhan ni Sharon na, “Hindi na’ko sasama sa’yo…Matagal na’kong tumigil sa pagiging asawa mo…May nararting ako rito. May narrating na’ko noon pa…pero bakit hindi mo napansin ‘yun? Bakit kung babagsak ka kailangan mo’kong hilahin pababa?”

At habang tuluyang naglalakad papalayo si Sharon sa kanyang na asawa, naisip kong sa kabila ng inaasahan kong pansamantala lamang na kalungkutan tulod ng pag-iisa, ay tama pa rin ang mga desisyon ko sa buhay. Mahalaga kasi sa’kin na ang iibigin ko, magiging katuwang ko sa buhay, at hindi ‘yung hihilahin lang ako pababa.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?