Monday, June 30, 2008

 

'Tang Nang Trip 'Yan: THE PHILIPPINES' WACKIEST RACES

Sabi ni Rovilson Fernandez, “I’ve met more active people in the Philippines than in any other part of the world…and that’s saying a lot because I grew up in California.” Kaya siguro alongside the foot, bike and adventure races that make the Filipino professional athletes and weekend warriors busy throughout the year, nagkalat din ang mga karerang may bali (sayad?) ang konsepto. Next level na kasi ang trip nating mga Pinoy, been there/been that ika nga, kaya kung anu-ano nang mga naiimbento nating style ng karera para lang makuha natin ‘yung adrenaline rush (parang adik na nagdadagdag ng dosage).

Maganda ‘to kasi hindi natin namamalayan nakaka-introduce na tayo ng mga bagong kababaliwan ng buong mundo. Ganito naman nagsimula ang triathlon, ‘di ba? Pati ang bungee jumping, ang drifting, ang AR, ang BASE jumping at kung anu-ano pang paraan ng pagpapakamatay. Pero ang magaganda sa mga naiimbento natin, meron pa ring sense of structure kaya it still appeals to the athlete in you – kelangan mong mag-train, ma-apply mo ang mga rules ang regulations sa mga regular races na sinasalihan mo, at tine-take into consideration pa rin niya ang mga basic sports foundation ng mga participants.
Narito ang ilan sa pinakakakaibang karerang pinapatos ng sira-ulong multi-sport community ng Pilipinas. Sa mga ito, dapat nating pasalamatan ang mga organizers na sa halip na mag-mount ng usual race na textbook na ang steps, tumataya sila para lang mapasaya ang mga sasali, at the risk of technical, logisitical and, God forbid, medical nightmares. Maraming salamat sa inyo at dahil sa adik n’yong pag-iisip ay nakaka-pioneer ang Pilipinas ng mga ganito. Pero siyempre, naeengganyo rin ang mga organizers dahil open ang mga Pinoy athletes sa experimentation, kahit ano’ng ipagawa sa’tin, basta may sapat na marshals, water stops, at beer sa post-race party, ayos na tayo! Uulitin pa natin!

Naisip ko ‘tong blog na’to dahil nu’ng Sabado ay minount ng UP Mountaineers ang 2nd MULTO-Sport Night Triathlon to celebrate our 31st anniversary. In fairness, aside from the usual people, meron pang mga dumayong budding triathletes from the Alabang, oha! Kahit umuulan-ulan earlier that evening, tuloy pa rin ang karera ng 10pm. Swak na swak sa aking schedule.
The day before MULTO-Sport, naganap naman ang traditional UPM Anniversary Run, pero this year, sa halip na 31 hours na takbo (one hour per year of existence), nag-100km run na lang ang grupo and their friends, supporters, guests, lovers, exes to celebrate na rin UP’s Centennial, at para mas maraming time mag-party sa gabi. Sa halip nga naman na usual overnight Anniversary Run, isang buong araw na lang tatakbo, ‘di ba? Pero ang 24-hour format ay natranspose na rin sa ilang mountain bike races kung saan patagalaaaan talaga ang labanan. Hindi pa’ko nakakasali sa mga ganitong karera kasi nga may trabaho ako ‘pag weekend pero nai-imagine kong makulit talaga dito kasi in between biking through an unpredictable course at night, ay nakatambay lang kayo na parang nasa campsite.

Ang mga hardcore triathletes naman ng UPLB Trantados, aside from hosting some NAGT races, nagi-inject pa rin ng kanilang ka-trantaduhan by wearing costumes sa mga beginner triathlons nila (kaya siguro ako na-hook sa sport na’to dahil napakasaya ng unang sabak kong karera with them). Of course, nariyan ang kanilang night footrace na FullMoonRun. Ang tagline ng kanilang last race: “Buong Buwan Akong Tumakbo!” Sila rin ang nakaisip ng Three Pool Challenge na isang extreme aquathlon na inspired ng golf. Lalangoy ka sa isang pool tapos tatakbo sa susunod na pool. Langoy ulit. Tapos takbo ulit sa pangatlong pool. Saya! Siyempre built-in ang post-race party dahil may bar ang Trantados president Ian Castrilla. (Lechon ang handa nu’ng FullMoonRun, in fairness).

Branded races also have some creative and fun twists like the recent Pringles Run at the Fort, organized by Extreme Multi-Sport. Five kilometers lang ang racecourse pero may kinse mil ang grand prize! Mad dash talaga! Tapos ang concept, tatakbo kang may empty Pringles canister pero pag-cross mo ng finish line ay bibigyan ka na ng bagong Pringles! O, ‘di ba? Makabili nga Pringles ngayon na! Kayo rin bumili na kayo ng Pringles! Masarap!

Two or three weeks ago naman ay nakasali na rin ako sa Men’s Health All-Terrain Race. Mas pinili kong kumarera ru’n kesa sa Ayala Alabang Independence Day Tri kasi nga may work ako ‘pag Sunday at mas malapit ang Maarat kesa sa Alabang. Pero sasali akong Alabang Tri one of these days talaga. Habang tinatakbo ko ang 12km trail course ng MH, naisip ko kung bakit sa tatlong taong mina-mount ang karerang ito eh ngayon lang ako sumali, well-organized, mura, malapit lang, ang ganda-ganda pa ng view habang tumatakbo ka…Ang problema ko lang, hanggang ngayon wala pa ring race results.
Maganda rin ang off-road version ng Clark Duathlon ni Thumbie Remigio na tuluy na tuloy kahit kasagsagan nu’n ng bagyong Frank. Mga Pinoy talaga, hindi paawat! Of course, Extribe has the Extri Off-Road Triathlon every December. Magfi-fifth year na yata ‘to. Iba rin ang party rito kasi nga nasa San Juan, Batangas – beach, malayo sa sibilisasyon, madilim, laseng lahat, ang seseksi ng mga tao, masaya!

Ang ultra-marathons naman na pinangungunahan ni Neville Manaois ang other UP Mountaineers are also interesting. Merong relay ng mga athletic business leaders (like Ayala) nu’ng opening ng SCTEX pero siyempre naroon ang mga taong talagang tinakbo ang kahabaan ng SCTEX. May 17 hours din silang tumatakbo. This is the same group that ran The North Face Ultramarathon around Metro Manila early last year. Alam ko nagpaplano rin silang tumakbo mula Banaue to Sagada. Ang maganda sa ultramarathons na’to, puwede kang sumama at any point of their run, o kaya sumabay ka nang naka-bike, o kahit nakasasakyan. Sumama ka lang, maa-appreciate na!

Sa mga bago, hindi nakakaalangang sumali sa mga ‘to kasi they are relatively short races so hindi naman siya ganu’n ka-demanding sa training, at the same time, the atmosphere in these races are usually very festive so hindi nakaka-intimidate kahit pa nakakasabay mo na ang mga who’s who of the Philippine multi-sport community. Lahat naman ‘yan mababait, eh. Sa mga datihan na, these races provide a respite from the usual rigors of the sport – para hindi nakaka-burnout at nakaka-bore ang pageensayo’t pangangarera.

Ang sarap talaga sa Pilipinas!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?