Monday, July 14, 2008
The Wedding Shitter
1. Nakatanggap ako ng “Putang ina mo rin” text from a number na wala sa phonebook ko. Almost immediately after I received it ay tinawagan ko ang sender pero hindi siya sumasagot. Prinovoke ko po siya with a couple of messages para ma-deduce ko kahit papaano kung sino siya, or kung ano ang pinanggagalingan ng mura niya (Bkt dka sumasagot? Natatakot ka ngyn sa bakla tangna ka!) pero talagang wala na nga rin siya siguro sa mood makipag-away. Siguro knee-jerk reaction na lang niya ang pag-text sa’kin.
Ang suspetsa ko ay may kinalaman siya sa isang blog entry ko na tumutuligsa sa UP Vanguard sa kanilang pagbibigay ng award kay former Dictator and Guiness World Record Holder for Plunder Ferdinand Marcos. After I posted that kasi ay meron akong natanggap na dalawang Friendster messages from members of that fraternity. ‘Yung isa ay inignore ko lang kasi “Putang ina mo rin” lang din ang sinabi niya. ‘Yung isa ay medyo mahaba-haba pero medyo kalmado ko pa namang nasagot. He ended up replying quite cordially, apologizing for his hasty misjudgment of me. O, ‘di ba?
I never got to know who the texter was. Hindi na’ko interesado. Hindi rin ako sure na taga-UP Vanguard siya dahil may ilan din akong pinutang ina sa blog. So kung talagang blog-related ang pagmumura ni anonymous texter, puwede rin siyang either si Abalos o si Angelica Panganiban, malay natin!
2. Question to all my straight male friends: Do you know the pleasure of having your nipples fondled and licked? Wala lang. Inisip ko lang if your straight female sex partners do that to you? Do you even wish they’d do it? Curious lang.
3. Do straight couples talk about sex? Paano kaya? Hmmm…
4. Wala na palang UP Atheists’ Circle. Nu’ng una ‘tong na-form some time in the 90’s (estudyante pa’ko) talagang pinag-usapan siya. Nabalita kahit sa TV! I was never and will never be an atheist pero the mere fact that they came into existence is a testament to the liberal views of UP that I am so proud of. Pero siguro sa paglipas ng panahon, mahirap mabuhay nang wala kang anumang diyos na nakakapitan. Nasaan na kaya ang mga former members ng UP Atheists’ Circle? May nag-madre na kaya? May nagka-in-love-an at na-realize na iba ang kasal kapag walang anumang diyos na pinagsusumpaan ng inyong commitment?
5. Isa pang wala na ngayon ang mga Filipino gay glossies – from Valentino hanggang Icon Mag. Hindi ko kasi ma-imagine na hindi sila kumikita, eh. At nu’ng nawala sila, sabay-sabay. Tapos basta na lang. Parang isa-isang dinukot sa gabi. Ayokong maging conspiracy theorist pero there’s something to it…
6. Ngayon isang Cong. Abante ang nagsampa ng kaso laban sa men’s magazines at tabloids na pornographic daw. Nakanampuch! (Shet! Baka makatanggap naman ako ng anonymous text from one of his staff) Ang dami nating problema ito talaga ang pinagtutuunan niya. Ayoko na siyang debatihin punto pero punto. Pointless lang.
7. Sa kasal ng aking close friends na sina Karen at TJ nu’ng Sabado, may isang importanteng bagay akong natutunan: ‘wag kakain nang marami at baka matae ka. Mahirap ‘yun ‘pag nagho-host ka! Sa buong set ni Noel Cabangon (na family friend nina Karen, who comes from an illustrious family of UP activists), sa dance ng couple, sa bouquet and garter game, sa speech ng parents, toast ng best man at man of honor (oo, man of honor) at speech ng newlyweds taeng-tae ako. Buti na lang at malapit lang ang reception venue (ang napakagandang Windmills and Rainforest na pag-aari ng pamilya ng aking kaibigan at ka-Body Attack) kaya nakatakbo agad ako ng GMA. I swear, iika-ika papuntang elevator pero hindi na’ko umabot. Du’n na’ko sa first floor CR nagkalat! Whew!
On that note, congrats ulit kina TJ at Karen! Ang galeng n’yo! Three years together tapos you decided to get married in less than a month lang! ‘Yun ang sign na you found the right one, deadma sa matagal na pag-iisip, ‘pag sinabi n’yong gusto n’yo nang magpakasal, kahit ora mismo, magpapakasal kayo!