Sunday, August 03, 2008

 

Ang Aking KUWENTONG PEYUPS ito na talaga

sabi ng mga taga-campaigns and grey, the ad agency that handles this project, lumabas na raw today ang aking article. agad naman akong tumakbo sa tindahan sa baba para bumili ng dalawang kopya ng inquirer. pero ibang kuwentong peyups ang naandun. nag-email ako sa kanila tapos agad naman nilang sinabi na nu'ng saturday pala lumabas. taray! ang nabasa ko kasi 'yung kahapon, sunday, na kuwento ni maricel laxa. at least weekend edition ang sa akin. pero nu'ng tumawag ako kina adrian para hanapin sa pdi nila, wala naman daw. hay! hemingways, ito na ang kuwento ko. sana maibigan n'yo. kung meron sa inyong kopya nito sa dyaryo, please ibalato n'yo na lang po sa'kin. salamat!


HOST NG BAYAN

Graduate na’ko ng UP nang sumali ako sa UP Mountaineers. Ang aking official reason ay dahil tumataba na’ko sa pagsusulat sa TV kung saan stress, puyat, at kainan ang daily regimen. Pero ang ‘di ko noon maaming dahilan, gusto kong matupad ang pangarap kong maging host ng Elvis, ang rock concert na traditionally ino-organize ng UP Mountaineers sa may tambayan nila nu’n sa Main Lib. Dito kahit umulan at magkaputik-putik ang grounds, tuloy ang tugtugan ng mga bandang sikat, ‘yung mga pasikat pa lang, and in the case of Romeo Lee and the Brownbriefs, ‘yung mga bandang ito lang ang katangi-tanging gig for the entire year.

Mula nu’ng pumasok ako sa UP nu’ng 1996 hanggang grumadweyt four years later as part of the University’s first batch of the new millennium (parang si Manilyn), ay naging abala ako sa pagho-host ng iba’t ibang events sa campus. Nagsimula sa Broadcasting Association, ‘yung org ko sa college. Naalala ko pa nu’ng minsang nag-organize kami ng screening ng “Kama Sutra.” Ang daming pumunta kaso nasira ‘yung TV at VCD player kaya para hindi kami walkout-an ng mga tao eh gumawa kami ng instant symposium. Buti’t nakapaghatak kami ng isang MA student na willing pag-usapan ang Kama Sutra kahit na ang tanging credential niya sa topic ay ang pagiging Indian national.

Since then, marami nang orgs ang kumuha sa’kin to host their events - mula sa mga maliliit na fundraisers hanggang sa UP Fair (naka-Amerikana pa’kong nag-host du’n, ha!) Nakalibre na’yung org, enjoy na enjoy pa’ko. Win-win, ‘di ba?

Ang typical UP concert nu’n ay tugtugan ng banda after banda after banda. Kelangan lang ang host para mang-aaliw sa tao habang nagtotono ‘yung next band. ‘Yun ang trabaho ko. As this was the 90’s, kasagsagan pa rin nu’n ng Pinoy Band Explosion. Kung alam ko nga lang na magiging icons ng Pinoy music ang ilang bandang ini-introduce ko nu’n, nagpa-picture na’ko sa kanilang lahat - Rivermaya, Razorback, Wolfgang, Parokya ni Edgar at lahat na siguro ng sikat na banda nu’n! Kinikilabutan akong isipin na bago sila nag-disband ay nakasama ko pa sa stage ng Main Theater sina Ely, Marcus, Raymond at Buddy ng Eraserheads, probably the best band UP has ever produced, nang mag-perform sila sa Freshmen Concert.
Sa mga events na’to natanong ko ang mga tulad ng SugarFree, Itchyworms, Makiling Ensemble, at Stonefree kung bakit ‘yun ang ipinangalan nila sa banda nila. Ngayon sikat na sila.

Bukod sa mga concerts, naging busy rin ako sa pagho-host ng mga “male beauty pageants.” Maraming ganyan sa UP – ‘yung tipong naka-drag ang mga lalakeng contestants; at para mas masaya at challenging, bawal sumali ang mga self-confessed badings. Kaya aliw na aliw ang mga nanonood kapag ang bruskong varsity player eh kokoronahang Mutya ng Molave!
Para manalo naman sa Mutya ng BA, kelangang maka-create ang mga orgmates ng kandidata/o ng evening gown na gawa sa dyaryo. May time limit!

Nasisiyahan din akong mag-host ng mga events sa mga dorms kasi iba ang camaraderie at saya ng audience na nakatira sa iisang bubong. Na-host ko ang Open House ng Narra entitled “CaNARRA Late @ Night” (na pun daw ng “Cannot Relate at Night,” labo!) at ng “Hmmm…Hmmm…Blah!Blah!Blah” na title ng isang inter-dorm-singing-contest-and-extemporaneous-speechmaking-competition. Napaka-unique ng concept, ‘di ba?

Meron din akong hinost na political event, ang USC Election Debate organized by the Philppine Collegian. Although dahil nakalimutan kong may second stanza pala ang UP Namig Mahal, siningit ko na ang aking closing spiels habang kumakanta pa ang mga tao! Ang sama ng tingin sa’kin ng mga hardcore aktibista.

Ang dami-dami-daming events nu’n pero iba-iba ang tipo ang audience. Sa UP ko natutunang makihalubilo sa kanilang lahat.



Rey Agapay
BA Broadcast Communication (UP Diliman 1996-2000)
96-04074

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?