Wednesday, August 06, 2008
Isang Mahalagang Desisyong Nabuo sa mga Huling Oras ng Biyernes
10:00 PM – Maaga-aga akong umuwi galing sa gym. Pinilit na naman ako ng trainor kong mag-renew na agad dahil hindi siya aabot sa quota for the month of July. Kulang na lang daw siya ng 9,000 pesos! Pumayag na lang ako nang sinabi niyang dodoblehin ang session ko! Wow!
10:10 PM – Nag-log on. Finally after more than a month of following up my application ay nakabit na rin last week ang aking DSL sa bahay! Grabe! Tuyung-tuyo na’ko sa Xtube!
10:35 PM – Tumawag si Sheila. “Nasaan ka?” “Bahay.” “Good. D’yan ka lang. Papunta kami ng officemates para i-surprise si Thea.” Midnight kasi magbe-birthday na ang aking ka-Powerbarkada’t neighbor na si Thea. Kung puwede raw salubungin ko sila sa lobby. Ayos! Something to do. Kaninang umaga pa naman ako naghahanap ng inuman dahil nga nakaka-depress ang weather pero ang aking usual drinking buddies ay sumabay sa pag-ulan at nag-raincheck (Get it?)
10:45 PM - Nag-YM si Doc Kit. Kinakamusta ako. Tinanong kung nag-register na raw ako for WRT. Hindi pa sabi ko. “Open na ba ang registration?” “Yes.” Shit! Mga ilang linggo na rin akong nagtataka kung bakit wala pang announcement about this much-awaited “Half-Ironman” distance race on October. Agad akong pumunta sa extribe.com.ph at naandu’n na nga ang online registration form! At ang last day ng early bird registration rate (P5,000 instead of P7,000) is today! July 29! Buti na lang nag-YM si Kit! Agad akong nag-text sa organizer kung puwede ko pang ihabol ang bayad ko. Yes daw sabi ni Taleng. Nagsulat ng tseke (pero medyo natagalan sa pagba-balance, Math kasi) at nagbihis na para pumunta ng St. Ignatius.
11:00 PM - Umalis na ng bahay. Buti magaganda na ang highways connecting Marikina and Pasig and Libis.
11:10 PM – Kumakatok na’ko sa bahay nina Taleng at Eric. Chumika ng konti. At least na-beat ko ang deadline nila.
11:30 PM - Tumatawag na si Sheila. Bakit ko raw binubuksan ang pinto ko? “Eh, umalis lang ako saglit.” Sumunod na lang ako at hindi ko na naabutan ang “Surprise!” moment. OK lang, naabutan ko naman ang white wine, cheese at cold cuts with the Sheila, Thea, Ria, Louise, and Rocky-by-baby.
So heto ako ngayon, two months behind the training program na ginawa ni Monica. Pero naniniwala kasi ako sa pagto-throw ng hat over the fence, para may motivation kang akyatin ‘yung pader. Pinangako ko sa sarili kong kakarera ulit ako sa White Rock and now I just got to do it. Guys, pag-pray n’yo ako, ha. SERYOSO!