Friday, August 29, 2008

 

Random Memory: A Chinito Lad

Minsan merong old stored memories kang bigla na lang magfa-flash sa ‘yung consciousness. Hindi mo alam kung bakit, at hindi mo rin alam kung para saan pero malalaman mong may impact pala ‘to sa’yo…

Sa mga Starstruck auditions, iba’t ibang tao ang nakikita mo. Nakakausap mo sila pero hindi mo talaga sila nakikilala liban na lang sa info sheet na fini-fill out nila, at sa kaunting minutong nagpe-perform sila sa’yo.

One time, there was this young man na nag-audition. Nakalagay sa info niya na isa siyang college student. Binondo pa ang address niya. He has a Chinese family name at chinito rin siya. Pero ibang-iba ‘yung tindig niya sa mayamang chinitong nai-imagine kong may-ari ng mga business establishments sa Chinatown.

Nang tinanong ko siya kung bakit gusto niyang mag-artista, naluha siya dahil bilang panganay raw ay gusto niyang masigurong makapagtatapos ng pag-aaral ang kanyang mga kapatid. Hindi sadyang artistahin ang looks at talents niya pero kitang-kita mo ang sincerity niya kaya sabi ko na lang na galingan niya ang pag-aaral dahil ‘yun ang makakatulong sa kanyang pangarap sa kanyang mga kapatid.

Comments:
ikaw ba yan nasa picture? hindi ka naman mukhang gay ah mukha ka ngang maton. . . . hehehehe

anywayz.... hindi ka nagiisa sa pagiging SHY GUY/GAY


jes :)

goodsmell01@yahoo.com
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?