Sunday, August 10, 2008

 

Rey Writes 30

"30 Days"
Ito ay sa sa pinaka-proud kong nasulatang produksyon. It’s a GMA-produced reality shows that lasted for a season. With host Lorna Tolentino, a dozen showbiz has-beens are given a second chance in showbusiness. (Nax! Straight English 'yung sentence na'yon! Nasa AVP writing mode yata ako.) Nanalo si Dino Guevarra na hindi naman exactly kasikatan pero compared to his non-existent showbiz career nu'ng pinakasalan niya si Kim, napaka-visible at namamayagpag na si Dino ngayon! Unang natanggal si Bianca Lapus na wala pa rin hanggang ngayon. (Last seen sa Showbiz Central two weeks ago yata complaining that the approved annulment filed by Vhong Navarro said she was "psychologically incapacitated." Tsk! There's that AVP tone again.) Based on the opposite turnout of Dino's and Bianca's careers, 30 Days really lived up to its promise of giving these stardom's rejects a second chance at, uhm, characteractordom. Second chance pa rin 'yun.

30 days
Tulad ng haba ng palugit na ibinigay ko noon upang matanto ang aking tunay na nararamdaman, ito rin yata ang panahon na napagdesisyunan niyang hindi niya pala ako mahal (kahit ‘yun ang sinabi niyang pinaniwalaan ko naman). Grabe! Makata mode naman ngayon! Remember my kuwento about this guy I dated who died? Remember that before his demise I was contemplating whether I’d want to pursue something with a very ideal guy – na halos lahat ng criteria mo sa mamahalin mo ay nasa kanya na - pero ang problema ay hindi mo siya tunay na mamamahal (meaning the guy who died)? Remember, too, when my friend JF advised me to give it “a month”? A month! Thirty days! Tapos ang ending bago pa dumating ang deadline ay well, may dead na? Ang tragic nu’n sobra! Which puts into perspective what I suffered in the past month. It just dawned on me, “He gave me a month.” He gave me a month! Early into the short-lived “relatioship,” tinanong niya ako kung kelan kami nag-meet. I consulted my appointment book at na-pinpoint ko ang exact night ng “MET R.” Siya rin ang nagpaalala weeks after na, “We met a month ago.” Na-sweetan ako kasi ako nga hindi ko naalala the date we first met tapos he was counting the days pala. ‘Yun na ang isa sa pinakamalambing na pag-uusap. Nag-3-2-1 na ang pagtingin niya sa’kin, hindi ko man lang nalamang on cam na pala ako. Huli ka! Gago ka! Umibig ka! Sa isanggagonghindikamanlangnakausapnangharapansahuli! (hindi rhyme pero it captures everything kasi, eh.)

30 years
old na'ko sa December 25, 2008. Invited kayo sa birthday party ko, “REY na 30!” 9PM till the next day. Venue: TBA (Pinagpipilian Victoria Court Austin Powers Room, Sohotel Party Room, Resto in Antipolo, Some Hotel Suite, seryoso ‘to). Reply to this post to confirm attendance! Now na!


-30-

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?