Friday, August 29, 2008

 

Team Elias vs Team Simon/Ibarra vs Team Basilio

Naabutan naming nina Celery at Val ang huling performance ng “Nilo at Fili Dos Mil,” sa napakagandang PETA Theater. Sa panulat ni Nicanor Tiongson, nalagay sa modern times ang mga nobela ni Rizal. Sa direksyon ni Soxy Topacio, umulan sa stage! (‘Yun talaga ang na-comment ko haha! Pero du’n kasi naipamalas ang magic ng theater, eh.)

After 100 years, napaka-relevant pa rin ng mga ideya ng ating pambansang bayani. Si Ibarra ay isang idealistic young politician na gustong ipatigil ang logging sa kanyang bayan dahil nga marami ang nasasalanta ng baha. Si Elias ang kanyang kababatang namundok dahil hindi na bilib sa sistema. Si Padre Salvi ay naging corrupt na militar. Si Simon, ang disenchanted at heartbroken rebel.

Hanggang ngayon ang opposing, yet somehow complementary views nina Elias, Mayor Ibarra, Kumander Simon, Basilio ang nagiging point of contention pa rin ngayon kung paano nga ba labanan itong kanser ng lipunan. Meron na ba tayong maayos na sistema na nangangailangan na lamang ng maayos na pamamalakad? O kailangan ba ng isang drastic na pagbabago upang tunay na makapagsimula tayo nang maayos? Gaano nga ba ka-effective sa indibidwal na pagbabago upang mabago ang ating lipunan, kung hindi nga naman magbabago ang komunidad na kinabibilangan ng indibidwal?

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?