Tuesday, September 16, 2008

 

DON'T SING MY SONG! why the "intellectual property rights" isn't quite right

Intellectual Property Rights (IPR). Isa ‘to sa mga bagay na maganda on paper pero the way it is being implemented now, mukhang mas nagiging bane pa yata.

Sa trabaho ko sa telebisyon, pinakanaramdaman ko ‘to about two years ago nang biglang naging mahigpit ang paggamit ng mga music. Hindi na kami basta-basta makagamit ng mga songs lalo na ng mga foreign artists kasi nga mahal. Hindi na puwedeng kantahin ang “Happy Birthday to You” kapag may artistang nagbe-birthday. At kapag nakuha naman namin ang rights ng isang kanta, hindi na naming basta-basta magagawan ng creative treatment ang pagkanta nito, like producing a music video, putting the lyrics of the songs on the bottom of the screens so the televiewers could sing along, o hindi rin namin basta-basta mababago ang lyrics ng mga kanta. (Nakanta na rin naming ang Happy Birthday Song recently pero once lang kasi ‘yun lang ang na-afford namin.)

Kung ganito na ka-strict noon, hindi na magagamit ang “Dyslexic Heart” as the iconic theme song ng TGIS. O ‘yung “It Might Be You” na natatak kina Bobby at Angelua (to the point na when I was digging through my dad’s CD’s, nagulat ako na lumang kanta na pala siya!) Hindi rin mangyayari ‘yung English-Filipino translation ng mga kanta na naging popular act noon nina Dolphy at Panchito, Tito, Vic and Joey, at ni Michael V.

Nang dini-discuss nga namin ‘to ng mga co-writers ko sa Camera Café, multi-awarded writer Rody Vera cited an article that says this IPR thing actually “curtails culture.” Kung may IPR shit na noon, can you just imagine this: “Ely, hindi mo puwedeng gawin ‘yang TOYANG kasi mahal ang bayad sa rights ng TOO YOUNG.”

True, it’s nice that the creators of these wonderful pieces of art are protected and compensated for their contributions but are they really the ones getting paid? Sa Pilipinas, especially, pinaka-protected and music dahil merong malalaking record producers na siyang nagma-may-ari ng mga rights sa mga kantang ito. Sila rin ang may resources na mag-monitor ng kung anumang “illegal” na paggamit ng music (like reciting one line of a song as a punchline) para makapaningil. I wonder how much of what is paid goes to the artists themselves? I have nothing against Noel Cabangon lending his hauntingly beautiful aria “Pana-panahon” for a McDo commercial dahil mukhang siya lang naman talaga ang kumita ru’n. Pero kung pati pati si Madonna eh dinitch na ang kanyang record label dahil hindi ganu’n ka-equitable ang nakukuha niyang royalties, then merong mali, ‘di ba?

Isa pa, nai-implement lang naman ‘to sa mga industries na may strong business foundation, like music. Paano naman ‘yung ibang artists whose outputs are not really backed by a strong business set-up. Writers in the Philippines, unlike in Hollywood, do not have a strong business guild na talaga nakakapag-demand. Sa Amerika, natitigil talaga ang paggawa ng mga shows kapag nag-strike ang mga manunulat. Dito sa Pilipinas, kapag ang isinulat kong script ay napakaganda at i-replay ito, maaaring mabayaran pa ‘yung mga artistang gumanap doon pero the writers? Asa pa kami! Again, it’s because the actors have a strong, influential block of talent managers that handle them.

Of course, this may also go the other way. Hotdogs and Sampaguita songs are now seldom used on TV (despite their catchiness, not to mention importance to Pinoy contemporary music) dahil their songs are among the most expensive to use. Hindi ko lang alam kung ‘yung artists mismo o ‘yung mga record companies nila ang nag-impose ng rates na’to, pero dahil dito, hindi malayong dumating ang panahon na mawala na talagang tuluyan sa consciousness ng mga Pinoy ang finest examples ng Manila Sound at Philippine Folk Rock.

Ang mahirap kasi sa IPR ay ang assumption nitong pera ang motivation ng creator sa paglikha, when in fact, profit is the producer’s motive. Oo, merong mga taong kinakarir na talaga ang paggawa ng musika, and that is not a bad thing, but ask them if they decided to get into it primarily for the money… Artists are more than willing to put their works out there. Kapag may isa pang artist na ma-inspire mag-create ng iba pang art dahil na-inspire sa ginawa niya, chances are matutuwa ‘yung artist, ‘di ba? Hindi niya yata unang maiisip na, “Shit! Ginamit ‘yung ginawa ko! Bayaran n’yo ako!”

Kitang-kita ang pagiging generous ng mga artists sa kanilang creation sa internet. Youtube lang ay punung-puno ng ganyan. Pero dahil sa IPR shit na’yan, wala akong mahanap na footage ni isa sa walong gold medal wins ni Michael Phelps sa Beijing Olympics, o ‘yung world record setting 100-meter dash ni Usain Bolt, o ng anuman sa Olympics na’to! Pag-aari raw ito ng nbcolympics.com. Hindi ko rin ma-access ang karamihan sa mga footage sa NBC dahil for “US viewers” lang daw ‘to! Shit, ‘di ba? Binayaran ba nila ang lahat ng atleta at lahat ng nanood sa Beijing na tinamaan ng cameras nila ng talent fee para angkinin at ipagkait sa’tin ang footage ng mga ‘to? And tingin ko lang, tulad ng mga artists, hindi rin naman gustong ipagkait ng mga atletang ito ang mapanood ng sinuman ang kanilang performance nang libre.

Don’t get me wrong. This is not an anti-business stance. Importante ang business aspect ng music, ito ang dahilan kung bakit sa lahat ng artforms, ito ang isa sa talagang lumawig. Pero hindi naman siguro ikamamamtay ng music industry if they only moderate their greed and agree to make do of this whole IPR hypocrisy. In the extreme, maaaring mabubuwag lang siguro ang traditional set-up ng industry as we know it now, kung saan naghahari talaga ang mga record companies; at sa dinami-rami na rin ng hinarap na “problema” ng mga record companies noon (remember Napster) ay nakakahanap at nakakahanap pa rin sila ng paraan para kumita, ‘di ba?

Ang mas importanteng tanong, titigil ba ang paggawa ng music kapag nawala ang IPR? Hay! Thousands of years nang gumagawa ng musika ang mga tao, it is only in the last hundred years talaga nating ginawa itong komersyo, no! The music will continue playing, at nang walang culture of curtailment, prior restraint, and selfishness na ngayo’y napo-promote lang ng Intellectual Property Rights shit.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?