Friday, November 28, 2008

 

Heard a Good One Lately?

Pinaka-riot na writer’s meeting para sa akin ang sa Starstruck. Lahat kasi kami alaskador, at lahat din kaala-alaska. Meron kaming co-writer na malaking-malaki ang boobs, we call her “G and Friends.” One time late itong si G so hinanap siya, “Nasaan na si G?” Banat ng bastos na Rikki, ang nagsusulat ng iconic Da Who at Tigbak Authority ng Startalk, “Ay! Parating na po; and’yan na po ‘yung dede niya, eh.”

May co-writer kami noon na nakulong for a minor incident. At totoo pala ‘yung mga naririnig natin. Pagpasok daw niya, meron parang mayor na may mga alipores. Parang sinisipat siya, tapos pinapaligo siya. Takot na takot ‘yung kaibigan kong bagong-preso, “Hindi na po, sige.” ‘Yun pala ginu-good time lang siya ng mga preso. Parang welcome prank nila ba. So after a few minutes meron ding na-incarcerate na bagets, kasama na siya sa mga nagbibigay ng manyak looks to welcome the newbie. Ang Pinoy talaga, nasa preso na nakuha pang magbiro.

Tawang-tawa ako sa isang classic Donald Duck scene na meron siyang bagung-bagong sports car na dinala niya sa isang winter cabin. Tapos nu’ng gabi biglang nagka-avalanche. Sumakay si Donald Duck sa kanyang bagung-bagong convertible. (HAHAHAHA! SHIT! I SWEAR TUMATAWA AKO MAG-ISA WHILE TYPING THIS! GANU’N AKO KATAWANG-TAWA RITO!) tapos hinahabol siya ng isang giant snowball na lumalaki nang lumalaki as it goes down the slope. Ambilis-bilis ng mga pangyayari, nagda-drive in full speed si Donald Duck tapos biglang nabangga siya sa isang puno *poof* in an instant naging lumang jalopy na parang kotse ni Archie Andrews ‘yung sportscar niya! Hahahahaha!

Kanina napahalakhak ako sathreadmill habang nanonood ng Friends. Naalala ko tuloy ang pinaka-brilliantly written scene sa napakagandang sitcom na’to! Humihingi ng divorce ang secret husband ni Phoebe na best friend niyang bakla noon na she is secretly in love with kaya pumayag siyang pakasalan para magka-Green Card ‘yung guy. Ngayon after so many years, the guy contacted him because he realized he’s straight and he wants to marry another woman. The resulting reverse coming out conversation was hilarious and heart-wrenching at the same time! “When did you find out you were straight?” “I guess I always knew but I was always artistic so people said you must be gay so I said yes, I am gay. In college there were time s when I’d be drunk and I’d wake up the next morning with a strange girl in bed with me and I’d just think, no, it was just the drink.”

Sa Tito, Vic and Joey movies naman ito ang classic for me. Mga pekeng TV repairmen sila. Tapos nilalandi-landi sila ng sexy client nila. Biglang dumating ‘yung asawa na selosong goon daw. “Magtago kayo!” Nagtago sila sa TV. Tapos para hindi mahalata ng mister na goon, sila TVJ mismo ‘yung umarte. Nag-Helen Vela si Joey, nag-Lone Ranger si Vic (with matching flower vase na pinapasa-pasa nila sa backgroun to give the illusion of movement), tapos hinele nila ‘yung goon hanggang sa makatulog. Nakatakas sila. The next day, nasalubog nila ‘yung goon sa kalasada! “Aha! Kilala ko kayo!” Takot na takot sina TVJ. “Kayo nga! Sinasabi ko na nga ba! Kayo ‘yung nasa TV! Pa-autograph naman!”
The next scene naman, mga pekeng albularyo sila. May costume pang dahun-dahol si Vic na walang t-shirt para ma-exorcise si Balot na possessed! Tapos nag-work naman ‘yung padasal-dasal ni Vic. Nagpasalamat si Balot. Aalis na dapat sila kaso ‘yung assistant nila, played by Herbert Bautista, ang bumubula ang bibig! Sa kanya lumipat ‘yung masamang espiritu! HAHAHAHA! PUTSA!


Panalo rin ‘yung spoof nila ng We are the World na Chimoy-Chimay…
“There comes a time/
We’re always available…
We wash your clothes
We clean the kitchen
We cook the food
We run around the house
We watch your children”

Ito naman ang pinakanakakatawang joke for me. Marami na'kong nakitang version nito pero panalo 'yung kay Michael V and Wally sa Eat Bulaga, Live!
Naka-prosthetics na panget si Wally. Umapir si Bitoy na naka-fair costume.
BITOY: Ako ang iyong fairy godmother. Bibigyan kita ng isang wish.
WALLY: Ito po ang mapa. Dalhin n'yo po ako sa Amerika kasi sabi ang mga tao d'yan maa-appreciate ang beauty kong ganito.
BITOY: Ay, sorry, sa Pilipinas lang nagwo-work ang magic ko.
WALLY: Sige, pagandahin n'yo na lang ako.
BITOY: Ah, eh...Akin na nga 'yang mapa baka magawan ng paraan!


Uy meron pa’kong bonus napanood ko kanina sa Discovery Channel. Merong non-lethal weapon na ang tawag ay Thomas A. Swift’s Electronic Rifle…TASER for short.

Monday, November 24, 2008

 

30 Things, 30 Days Before I Turn 30.

Kahit nanghihingi na ang katawan ko ng tulog, kailangan kong ma-flesh out itong listahang August ko pa unang na-conceptualize. Kaya lang nu’ng August, ginagawa ko ito to put things into perspective, na despite my depress-depressan ay marami naman talaga akong dapat ipagpasalamat. But siyempre in that emotional state, parang nagmumukha pa ring consuelo de bobo ang anumang isulat mong blessing, ang dating mo pa tuloy ungrateful sa mga blessings na tinatamasa mo.

Pero ngayong puro Christmas parties na ang sinusulat ko sa’king planner, nae-excite na rin ako sa aking paparating na Christmas Birthday. Then it hit me, in thiry days, I will be 30 years old! Tamang-tama ang binubuo kong 30 things to be grateful for. Lalo pa ngayo’t masaya talaga ako with what I have, where I am, who I am. Sabi ni Ianco, turning 30 will be difficult, and at some points it was; but today is not one of those fleeting moments.
Here are 30 things I am thankful for, and in true Miss Universe fashion, it will be in random order.

1. Living independently for almost 8 years now. Not renting anymore.

2. My first car. Black, big, at hindi naman halata ang mga bangga ko.

3. The cutest, smartest, craziest, and most malambing pampangkins, who think I’m the best! (Can’t wait for them to grow up and see them handle the truth of the contrary.)

4. More than work, I have a career. Still part of the same company that employed me fresh out of college. Proud to be Kapuso.

5. The UP Mountaineers.

6. Just this year, I went on my very first helicopter ride. Katabi ko pa si Chris Tiu!

7. That I wasn’t a pimply teener. (Nagkakapimpols na MALAKI pero panaka-naka lang)

8. The coolest mom, Mommy Monster!

9. I’ve the opportunities, health, support, and drive to race in triathlons.

10. Na naging pacer ako ng UP Dragonboat Team.

11. Na hindi ako allergic sa alcohol.

12. Na tinuruan ako ng daddy ko kung paano mag-bike, lumangoy, at tumakbo.

13. Na tinuruan ako ng kuya ko kung paano mag-touch type.

14. Na sa UP ako nag-aral.

15. Na sumali ako ng Broad Ass.

16. Na nakilala ko sa college ang aking Powerbarkada – sina Carlo, Cindy, Celery, Sheila,
Roy, Thea, and Val – na alam kong lagi kong mamahalin, at lagi akong mamahalin tulad nang ginagawa namin for the past 12 years now.

17. Na henerasyon ko ang peak ng Eraserheads. At naandu’n pa’ko sa Reunion Concert.

18. Na nag-writing workshop ako sa PETA nu’ng high school pa lang ako; na si Ma’am Candy Cantada ang naging TV Scriptwriting teacher ko nu’ng college.

19. Na nagsusulat ako sa Camera Café alongside theater/film luminaries Rody Vera, Liza Magtoto, Dennis Teodosio, Vincent de Jesus, and Mark Meily.

20. Na bahagi ako ng napakasaya at talaga namang hinahangaan kong writing team ng Starstruck, a TV show that has broken so many records, and made Pinoy TV history.

21. Na maganda ang handwriting ko not because I was born with it, but because na-challenge ako nu’ng Prep na paggandahin ito matapos mag-comment ang teacher na “Matalino po anak n’yo kaya lang panget ang sulat-kamay niya.”

22. That my first kiss could not have happened in a place more magical than the private residence of Malang, in a dark corner surrounded by his works.

23. Na nawala ako sa Mt. Halcon nang ilang oras, which led me to promise God that I will hear Sunday Mass makabalik lang ako sa camp.

24. That I have so many great friends!

25. That I can make people laugh.

26. Na nagtatrabaho ako sa showbiz nang hindi ako nagiging showbiz.

27. That one hot guy once asked if I understand Tagalog, kasi akala niya Puerto Rican ako.

28. That my parents’ marriage is very loving, and that they did not have to work abroad to put us through school.

29. Na Pilipino ako.

30. That I actually had no difficulty completing this list. Kulang pa nga.

Monday, November 17, 2008

 

Layas

“Maglalayas si Tin-Tin! Aalis raw siya ng 3!” Isa akong batang nagpa-panic na binalita ang note na sinulat ng ang youngest and only girl sa aming magkakapatid na kanina’y napagalitan ni mommy monster. “Hayaan mo siya,” ang nonchalant na sagot ni mommy habang ngumunguya ng tasty na binili sa Bakery nila Trovela.
After a few years after that, ang dalawa kong kuyang nagbibinata naman ang nagplanong maglayas. Napapakinggan ko ang kanilang pagpaplano habang nasa Cubao nu’n sina mommy’t daddy. Natatandaan ko pa: kelangan nilang mag-alaga ng opossum para sa gabi, kapag nagsara na ang mall at magpapaiwan sila sa loob, hindi sila mahuhuli kung may mabasag man sila sa dilim. Ilalagay lang nila ‘yung opossum du’n sa nabasagan nila para pagtsinek daw ng mga guards sasabihin lang nilang, “It’s nothing. It’s just an opossum.”

Ang next step ng kanilang plan ay ang pangnangalap ng pera. Naisip nilang maraming perang nasisiksik sa lumang sopa sa tapat ng TV. Merong malaking butas ang sofang ‘to sa likuran kaya agad nila ‘tong kinalkal. Ang dami-daming basurang nahalungkat sa sofa pero ni mamera wala silang nakita. Biglang dumating sina mommy, kaya nagmamadali rin silang ibinalik ang mga basurang hinalungkat nila.

Pagtanda namin, ako ang unang-unang lumayas ng bahay sa aming magkakapatid.

Tuesday, November 11, 2008

 

Taksil

May boyfriend na nu'n si L pero nang makilala niya si M on their first day as freshmen UST students, pero nakuha niya agad ang number nito. A week after, tinawagan ni L si M. “Samahan mo’ko sa General Assembly natin, please.” Ngayon, eight years na silang together. L insists hindi siya ang nanligaw, that it was just an innocent phone call (may boyfriend nga naman siya at that time), but that debate is now moot and academic. Ikakasal na sila M and L next week. Nang nakilala ko sila, "M and L" na sila so wala naman akong simpatiya sa nameless, faceless ex-bf ni L.

Matagal na ring mag-on sina N at R. Pero nang unang magkita si N at ang ka-hangout ng kanyang boyfriend na si A, they were, and I'm quoting N, "instantly smitten." Innocent dates followed, at eventually, nakipag-break si N sa kanyang boyfriend…Fast to present times, two weeks from now, host pa’ko sa kasal nina N at A. Nakilala ko man ang ex-bf ni N nang sila pa, mas close naman ako kay N, kaya deadma na.

Nu’ng isang gabi, nag-e-emote si A. Thirteen years old pa lang siya nang makilala ang kanyang girlfriend of 6 years! At nang mag-Law School si girl, bigla na lang nanlamig ito. Ikinuwento pa ni A ang mga masasakit na tell-tale signs na na-feel niyang may iba na ang kanyang mahal. Ang sakit-sakit-sakit! Though by all accounts my heart should really pour out to my friend A, sa huli hindi ko pa rin siya lubusang madamayan. Kasi hindi siya umiinom...

Some lifestyle choice bullshit na nag-uugat pa man din sa isang high school promise niya sa kanyang mahal (yes, the one who dumped him unceremoniously for another guy) na hindi sila iinom. Ang hirap palang makinig sa problema ng hindi laseng.

Actually ang sa buong blog na ito, ito lang ang gusto kong tumbukin. Naisipan ko na lang kaninang idagdag ‘yung “pagtataksil” stories ng mga apparently successful lovelives ng mga kaibigan ko para hindi naman ako magmukhang lasenggong mababaw ang turing sa pagkakaibigan. Pero, seriously, dalawang araw na
ng nakalilipas since A’s pouring his heart out to us, it still bothers me na hindi siya uminom. Kahit na tipsy na kaming lahat, butting in with jokes para hindi siya masyadong ma-depress habang nagkukuwento, kahit tawa na kami nang tawa nina Erika, Kaye, at Aime, hindi pa rin siya uminom. Kahit seryoso na siyang kinakantiyawan ni Ronnie na, “Uminom ka na. Kahit isang sip lang. Kahit ‘yun na lang ang bayad mo sa mga tao rito na nakikinig sa’yo.” Hindi pa rin uminom si Andrew. Bakit ko pa nga ba itatago ang pangalan niya, eh, hindi n’yo naman siya kilala? HINDI TALAGA SIYA UMINOM!

"Pakikisama", a fascinating aspect of Filipino culture, is now much maligned kasi naa-associate siya sa nepotism, sa corruption, sa bending the rules, sa turning a blind eye sa mali ng mga kakilala…Pero sa case na’to, ano ba naman ang panandalian mong kalimutan ang anumang lifestyle choice o a promise made to a disloyal lover para lang makisama sa mga taong nakikisama sa pagdadalamhati mo?

So sa mga susunod na mangangailangan ng shoulder to cry on, ears to listen, available ako. Kahit KKB pa! Basta lang uminom ka rin! Makisama ka naman!

Monday, November 10, 2008

 

Ang Bullshit na Walang Filipino Identity

Isa sa mga overused statements na kinaiinisan ko 'yung "Wala pang malinaw na Filipino identity." or something like that. Nakaka-grrr. Madalas pa ang nagsasabi nito eh 'yung mga taong edukado naman, so I kinda expect a lot more from them than cliche bullshit like this. This statement has been used to explain every possible problem na yata - from corruption in government to our bad movies and our lackluster tv ads...

I was arguing with two favorite ka-inuman, a documentary filmmaker and a commercial director, at pareho silang nagsu-subscribe na "wala pa ngang malinaw na Filipino identity" daw. Sus! Sila pa nga 'tong dapat nakakaalam, no. I mean, I will have a hard time describing who I am pero mababanas ako kapag sabihan mo'kong wala pa'kong sariling identity. Well, kahit banas ako ngayon sa dalawang kainuman kong 'to (for reasons different from the subject of this blog, kaya dapat talaga bumawi sila next time), sa tingin ko nakapagbigay naman ako ng matinu-tinong rebuttal.

Again, I will also have a hard time articulating the Filipino identity, pero I that doesn't mean wala pa nga tayong identity. So nagkuwento na lang ako...

Summer 2006 sa Boracay. Naandu'n ako with the UP Dragonboat Team for the annual regatta. Kaso bumabagyo sa paraiso. Pero hindi naman puwedeng ma-postpone ang karera. So andu'n kaming lahat, bumabagyo, giniginaw (dahil wala namang nakapag-isip mag-pack ng raincoat o jacket man lang sa Boracay, 'di ba) pero tina-try pa ring i-enjoy ang sitwasyon. Biglang nagkaroon ng tugtugan at sayawan sa beach. Deadma na sa kumpetisyon dahil nagkakatauban na nga ng mga bangka. Tuwang-tuwa 'yung mga foreigners, inom na nang inom ng San Miguel at nakikipagpiktsuran na.

Kami na ang susunod na heat. Nakapila ang line-up sa may loading area. Magkakatabi ang iba pang Pinoy and foreign teams. Lahat ginaw na ginaw sa aming singlet at board shorts na uniporme. So para uminit-init naman ang katawan, one guy started singing "Lalalalala! Lalalalalalala!" 'Yung La-la-la ng "Sing a Song" na usung-usong running gag nu'n ni Vic Sotto sa Bulagaan. As in kahit anong sagot sa tanong, ang knock-knock joke ni Bossing ay to the tune of "Sing a Song." (Lalalalala! Lalalalalalala! Sing-singapore...Sing-sinigang...) Tapos nagsing-along na ang iba. Takang-taka pero tuwang-tuwa ang mga foreigners dahil kahit magkakalabang teams, basta Pinoy, tumatalun-talon at kumakanta ng "Lalalalalala". Uminit naman kami. Ganu'n ang Filipino.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?