Monday, November 17, 2008

 

Layas

“Maglalayas si Tin-Tin! Aalis raw siya ng 3!” Isa akong batang nagpa-panic na binalita ang note na sinulat ng ang youngest and only girl sa aming magkakapatid na kanina’y napagalitan ni mommy monster. “Hayaan mo siya,” ang nonchalant na sagot ni mommy habang ngumunguya ng tasty na binili sa Bakery nila Trovela.
After a few years after that, ang dalawa kong kuyang nagbibinata naman ang nagplanong maglayas. Napapakinggan ko ang kanilang pagpaplano habang nasa Cubao nu’n sina mommy’t daddy. Natatandaan ko pa: kelangan nilang mag-alaga ng opossum para sa gabi, kapag nagsara na ang mall at magpapaiwan sila sa loob, hindi sila mahuhuli kung may mabasag man sila sa dilim. Ilalagay lang nila ‘yung opossum du’n sa nabasagan nila para pagtsinek daw ng mga guards sasabihin lang nilang, “It’s nothing. It’s just an opossum.”

Ang next step ng kanilang plan ay ang pangnangalap ng pera. Naisip nilang maraming perang nasisiksik sa lumang sopa sa tapat ng TV. Merong malaking butas ang sofang ‘to sa likuran kaya agad nila ‘tong kinalkal. Ang dami-daming basurang nahalungkat sa sofa pero ni mamera wala silang nakita. Biglang dumating sina mommy, kaya nagmamadali rin silang ibinalik ang mga basurang hinalungkat nila.

Pagtanda namin, ako ang unang-unang lumayas ng bahay sa aming magkakapatid.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?