Tuesday, December 23, 2008

 

Murder

I was feeling particularly bad that day. ‘Yun parang paggising mo pa lang iba na agad ang feeling mo. Merong mga big things that bother you, na even the littlest of inconveniences make every breath bearable. Alam ko namang nago-OA lang ako sa reaction ko pero hayaan n’yo na lang akong maging pessimistic at cynical sa mga araw na’to.

Sabi ni Maya, ‘yung isa sa mga older Assers na naging kaibigan ko nu’ng new member ako, kapag malungkot siya she would just drive and drive and drive. Hanggang saan siya makarating. Tapos kapag ok na siya, babalik na siya. Driving doesn’t particularly give me a high pero right now I’m ready to try anything just to make this gnawing monster of disfulfillment, unlovedness, and loneliness go away.

Mga 1130pm na’to pero sige lang, hindi naman ako inaantok. Ang nakakainis pa kapag may ganito akong feeling, hindi ako makatulog, parang mas alert ako sa lahat ng negative sensations na’to. So nag-drive ako nang nag-drive. Inisip ko pang mag-Tagaytay na lang pero naisip ko na baka mas lalo kong maramdaman ang kalungkutan when alone in a place that I’ve associated with the most fun impromptu barkada/family excursions. So I decided to avoid the expressways altogether and decided to explore neighboring Rizal. Nasa area lang naman ako nito all my life, having grown up in Marikina, and now living in Pasig, pero parang hindi ko talaga kilala ang lugar na’to. Sounds like a good idea for an adventure.

Naalala ko nu’ng high school na nagka-project kami tapos we had to take pictures of the churches in the Rizal area. Napunta kaming Morong, Baras, gaganda pala ng old churches du’n. Na-late pa nga ako sa meet up ng groupmates so sumunod lang ako pero nag-pray ako sa guardian angel to lead me to the right church tapos nahanap ko nga ‘yung groupmates ko. I do consider that a miracle, and proof that angels do exist.
Anyway, parang hindi ko naman nararamdaman na may kasama akong angel ngayong madilim akong bumabaybay through towns and plantations sa sleepy Rizal Province. Then may isang church. Hindi yata naming nakunan ng picture ‘yan noon. At nag-park ako dahil bukas naman. Nakakakilabot ang setting, parang Shake, Rattle, and Roll opening sequence. Pero for some reason I was comforted by the fact na merong taong-grasang natutulog somewhere. Sa kanya ko na-feel ang companionship, na hindi ako nag-iisa sa mundo. Maaring nakaka-comfort ding isipin na kung anuman ang prinoproblema ko, mas matindi siguro ang sa kanya.

But then again, taong-grasa na siya, wala na siyang problema. Tayo lang ang nag-i-imagine na minalas siya, na kawawa siya, pero sa worldview niya, ayos na ayos siya. Buwisit siya.

Then I toyed with this idea that I’ve had a long time ago. Inisip ko na kung papatay ako ng tao just for the thrill of it, dapat malinis, walang evidence. I’d drive off to some obscure town, and kill the taong-grasa. Nobody would notice it. Lagi naman akong may dalang swiss knife sa glove compartment.
So that’s what I did. Malinis, ‘di ba?

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?