Tuesday, March 24, 2009
Gago Fashion
Nakakatawa ang fashion dahil madalas ang uso ngayon ay minsan tinuring nating baduy. Kuwento ng sister ko, nu’ng nag-aaral siya sa CEU eh pinagtatawanan nila ang mga Korean students na ang lalaki ng mga bag na nakakapit sa katawan nila. Ilang buwan lang ang lumipas at naka-body bag na rin siya.
Nu’ng early 90’s nagbalikbayan ang pinsan kong amboy. Pinagtatawanan naming siya ng mga kapatid ko kasi kung gigimik kami paloob niya tinutupi ang pantalon niya. Eventually, months after niyang bumalik ng San Diego, paloob na rin ang pagtupi ng maon. Of course ngayon rekomendado na ang ipaputol mo na lang sa tamang length ang jeans mo. Malapit-lapit na ang panahong pataasan naman ng tupi ng pantalon ang mangyayari. Alam ko kasi ganu’n na ang nasa fashion spreads ng Garage Magazine (the most fashion forward Philippine glossy for men), at last week lang ay nag-live interview si John Lloyd nang naka-pedal pusher! Oo, mukha siyang gago ngayon pero ako lang inuunti-unti ko nang itaas ang tupi ng pantaloon kahit hindi siya traditionally recommended sa mga hindi katangkaran (lalo’t ‘yung mas mahahaba ang upper body).
Ang gusto ko talagang dagukan eh ‘yung nagpauso ng motorsiklo fashion na nakasukbit sa braso ‘yung helmet habang sumisingit-singit sa trapik. O mas gago ba’yung mga gumaya thinking na ang cool-cool nila? Normally wala akong pakialam kung ano ang trip mong suutin dahil may pagka-experimental din naman ako sa fashion (na siyempre may mga eksperimentong nagiging disastrous ang results) pero pucha naman, ang helmet sinusuot sa ulo, lalo na kung nagmomotor ka! Si Brad Pitt lang sa Benjamin Button ang guwapo enough na dapat pagbawalang mag-helmet ‘pag nagmomotor para makita ng lahat ang mukha niya. Pero ikaw, hindi uy! Suutin mo ‘yang helmet na’yan, gago, dahil mas mukha ka pang nagiging gago kung nagmo-motor ka, dinala mo pa’yung helmet mo tapos sinukbit mo lang. Para akong nag-bike tapos itutulak ko lang. Masabi lang na nag-bike ako?
Obviously ang utak mo ay not worth protecting kung in-effort mo lang sukbitin ang helmet sa braso mo habang nagmo-motor, but please ‘wag mo’kong idamay sa kabaduyan mo dahil kung nasanggit kitang gago ka ikaw ang mababagok ang ulo at ako pa ang makakasuhan!
So please, ipagbawal ang baduy sa kalsada!