Sunday, May 17, 2009

 

Modern Pet Peeve: EXTREME Camwhoring

Except for a small period when I was applying for the UP Mountaineers when I got a Kodak KB10 so I can take great photos of Mt. Pulag, I never owned a camera. Even the cameras in my cellphones were rarely, rarely used. OK lang naman kasi ang dami namang photography enthusiasts sa UPM so well-documented naman ang mga climbs ko, du’n na lang ako kumukuha.

Nu’ng naging digital, halos lahat na rin may cameras so wala na ring problema. Ang advantage nga ng wala kang camera, ikaw ang laging nasa mga picture kesa du’n sa mga kumukuha siyempre. Mas lalo pang napadali ang mga buhay nating nagkaroon ng mga social networking sites na’yan. Grab lang nang grab.

Masaya naman talaga magpiktsuran…

But lately, this trend has reached irritating proportions. Na-realize ko ‘to nang nasa isang party ako recently (rowers!) at hala walang tigil ang pag-flash ng camera. OK lang naman sa simula, siyempre, pero walang tigil talaga! As in lahat ng tao parang si Princess Diana na dapat bawat kilos makunan. Hindi ba puwedeng mag-enjoy naman tayo nang walang kuha nang kuha ng pictures? Like, have you been in a situation na ang saya-saya n'yong nagpo-pose ng picture tapos lahat ng lang ng tao ipapasa 'yung camera nila du'n sa kumukuha tapos nagiging chore na'yung pagngiti kasi nga ang tagal na nang piktsuran! Kaya nga may Multiply/Facebook or whatever para puwede namang mag-share ng photos, 'di ba? Kailangan ba nasa camera mo mismo ang mukha ng mga taong ngawit na sa kangingiti?

Tumindi pa ngayon dahil usung-uso na nga ang SLR. Warning, bichy comment: Marunong kasi akong mag-drawing kaya siguro matagal-tagal kong na-grasp ang concept na art ang photography kasi parang wala namang kailangang masyadong skill haha. Point and shoot lang naman ang concept ko nu'n sa photography. Ngayon pinagsisisihan ko nang hindi ko kinuhang elective ‘to sa college. But now, ewan ko parang nagiging instamatic na lang ang SLR sa’kin because just about anybody who can afford it has those big, bulky high-end digital cameras. (Minsan nga kahit hindi afford, you’d be surprised at the great lengths these enthusiasts – some would say “posers” – would go through just to save up for the latest SLR accessory.) Ngayong nagkalat na ang mga photographers, nagbunga ngayon ito ng talagang mas naakaasar na behavior na extreme camwhoring.

At that same party, there was this group of boys(!) na mula nang dumating sila hanggang sa umalis ako hours after ay hindi na nagsawa sa kaiisip ng mga bagong poses at facial expressions para kunan ng cameras! I don’t get it. Meron na bang bagong party ngayon, ang posing party? Just look at how many personal sites are out there filled with “professionally photographed” portraits.Poser models for poser photographers.

Ack!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?