Thursday, May 28, 2009

 

The Simple Joy ng Paglamon

Para i-offset ang kanegahan ng aking mga recent blogs, let’ talk about something really pleasurable this time…PAGKAIN.

Though, sisimulan ko pa rin yata sa nega dahil napapansin ko na ang talagang pinakamasasarap na pagkain ay napakahirap nang i-enjoy ngayon nang walang halong guilt. Ang crispy bacon, dayap chiffon cake ng Chocolate Kiss, lechong paksiw, thin-crust pizza ng Shakey’s, Chickenjoy, Goldilocks ube/mocha/choclate roll, Lucky Me instant pancit canton, Ilocos Empanada, lechong kawali, Tater’s cheese popcorn with extra butter, at Wendy’s large fries with extra mayonnaise ay nakaka-guilty sa bilbil.

Ang peking duck, Mary Grace toasted ensaymada, Gonuts Donuts glazed donut lite, penne al’alfonso ng Cibo, fresh anchovies sa Barcino, chicken diabolo at tinapa ravioli ng Bellini’s ay nkaka-guilty naman sa bulsa.

Pero masarap, eh. Kaya pagkain ang isinisisi ng aking personal trainer kung bakit daw sa mahigit isang taon nang pagji-gym ay hindi ko pa rin naa-achieve ang aking goal body. Hmp! Kung talagang magaling siya, at sa mahal ng ibinabayad ko, dapat nagagawan niya ng paraan, no! Sa totoo lang, matagal ko na talagang kino-consider magpa-lipo kasi maalis lang ang salbabida ko happy na’ko sa katawan ko. Feeling ko makukuha ko na. Takot lang ako sa matagal at painful na recuperation period daw nito, saka siyempre magastos. Hmmm…nagbaba na kaya ng presyo ang Belo in light of the scandals?

In fairness, when I’m in training humihina ang appetite ko to a reasonable level. Pero mukhang hindi pa rin sapat ‘yun to make-up for the Christmas season na hindi na nga ako nagte-train so lalo pang lumalakas ang kain ko. Genetic na talga ‘tong taba ko kasi ang dami ko nang activities, no. Ang iba d’yan, gawin lang ang kalahati ng ginagawa ko for a short period of time may hints na ng abs. Ako talaga wala. Shit! Ang tunay na lalake, WALANG ABS! Besides, mas kukupal pa siguro akong tao kung nagka-Marky Mark abs pa’ko. So ang ipag-pray n’yo na lang ay sa kaunti pang training, at malaking disiplina sa pagkain ay magkaroon ako ng kahit na Aljur Abrenica abs man lang. ‘Yun lang happy na’ko.

Pero masarap talaga kumain, eh. Sabi nga ng isang may-lahing Pilipino pero lumaki sa Amerikang bagong actistic director yata ng Ballet Philippines, nagugulat daw siya sa willingness ng mga Pinoy na gawin lahat basta nakakain sila nang maayos. Hmmm…kung sabagay, gawin mo na sa’kin ang lahat ng pang-aalipusta, ‘wag mo lang akong gutumin. Saka ang pagkain nga, as soooo many anthropologists and whatevergists have noted, ay bahagi na talaga ng lahat ng aspketo ng kultura natin. Kaya isang malaking isyu talaga dati sa GMA nu’ng biglang naging strict sa food expenses kapag meetings at shoots. Findings daw kasi ng isang foreign firm na hinire ng management na isang napakalaking expense daw ng kumpanya ang pagkain. Obviously, mga foreigner nga sila para maging kamangha-mangha sa kanila ang expenses natin, or the mere thought na kailangang kumakain habang nagmi-meeting “lang.” Humupa na pero hindi tuluyang matatahimik ang kontrobersya sa food policy and I think it’s because to a certain extent, it challenges how Filipinos work and live.

On the other extreme naman, naging uncomfortable din naman ako dati sa work environment ng isang kumpanyang pinagraketan ko nu’n. Masarap at madami ang mga pagkaing lutong-bahay pa! Sa bahay mismo ng mag-asawang may-ari ng kumpanya. Ang feeling ko tuloy naka-hostage ako, na “Putang ina! Mag-isip ka ngayon dahil pinakain kita!” Ang weird lang.

At a recent wine-and-cheese party (WINE AND CHEESE?!) ay nagtatanungan kami ng kung anu-anong pa-profound shit about each other. I forgot the question pero ang sagot ko something like me loving the fact that when I eat at my parents’ house I don’t have to worry about paying for my meal. Hindi nga naman kasi exactly libre ang mga pagkain sa meeting kasi you are still expected to work for it. Sa bahay, niluto na nang may pagmamahal, sigurado ka pang mahal na mahal ka ng mga kasalo mo. Nai-imagine ko tuloy ang mommy ko kapag naka-blouse at shorts (never daw siyang magsusuot ng bestida/daster kasi baduy daw ‘yun) at nakataas pa ang isang paa sa upuan habang kumakain kami ng pritong galunggong at labong na may saluyot. ‘Yang ang tunay na SARAP na walang anumang guilt!



(This blog entry is brought to you by Maggi Magic Sarap and Knorr Real Sarap)

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?