Tuesday, July 14, 2009

 

The Kindness of Strangers

“I have always depended on the kindness of strangers”
- A Streetcar Named Desire


Hindi ko pa napapanood ang play/film na’yan pero alam ko ang quote dahil sa isang episode ng The Simpsons ay nagbida si Marge sa play na’to at binanggit niya ang dialogue na akmang-akma sa mga naranasan ko.

1. I have never been fond of maids, maliban na lang kay Ate Mely na kinalakihan ko. Ang mga sumunod sa kanyang kasambahay namin ay hindi ko na masyado kinakausap; ni hindi ko rin sila inuutusan. Ewan, I really don’t know how to deal with them kaya hindi ko na lang sila pinapansin - like they don’t exist. Pero I remember one kasambahay, kahit pa nalimutan ko na ang kanyang pangalan, ang hihintayin muna akong gumising bago siya kumain para raw may kasabay akong mag-almusal dahil malungkot daw ang kumain nang mag-isa. Ako lang ever ang pang-hapon sa’ming magkakapatid kaya hindi ko nakakasabay ang buong pamilya na mag-almusal, at wala na sila by the time I wake up.

2. May isang high school student na naka-brush up ang buhok ang nagtawid sa’kin sa kalsada nu’ng minsang nakalimutan akong sunduin sa school ni Ate Mely kaya naglakas-loob akong maglakad pauwi mula sa pre-school na pinapasukan ko. Alam ko sa uniporme niya na nag-aaral siya sa isang school na may reputasyong mga gago ang estudyante.

3. Nu’ng bago pa lang ako sa GMA, nag-show kami sa Cebu. Sa SuperFerry ako na-assign sumakay pauwi but one staff member na hindi ko na maalala ang pangalan ang giniv-up ang kanyang plane ticket para sa akin. That would become my first plane ride ever.

4. I was in Megamall at may imi-meet ako pero biglang namatay ang baterya ko. A lady loaned me her cellphone battery.

5. I wrongly led a trail of cars into a single lane one-way street. Hindi na’ko makaatras kasi ang dami-daming obstacles na kotseng naka-park on both sides tapos trak pa’yung nasa likod ko tapos ang only opening would involve backing up and parallel parking into a space further back. The dad driving the Revo na naharangan ko volunteered to maneouver my car for me. (Ito nakakahiyang i-admit.)

Tuesday, July 07, 2009

 

Muntik na ba Akong Nabiktima?

Kaninang 2:15PM (July 9, 2009/Tues) ay nagmadali akong umalis ng GMA (EDSA cor Timog) galing sa meeting dahil gusto kong i-take advantage ang coding window. Ang next meeting ko kasi ay 6PM so naisip kong sa bahay na lang muna magpalipas ng oras.

For some reason I decided to take a different route going home to Santolan, Pasig. Walang hassle naman akong nakabaybay ng EDSA, umabot sa kanto ng Camp Crame't Aguinaldo at nag-U-turn slot papunta ng Boni Serrano which will lead to Katipunan/White Plains, down to Libis where there's a new highway connecting directly to Santolan/Marikina.

Na-traffic ako sa Boni Serrano pero OK lang. Then a red Mazda drove right beside me and honked. Nasa passenger side. Nu'ng binaba ko ang window, isang mamang medyo maitim, maikli buhok at naka-fatigue shirt ang nagsabing, "Ako 'yung nabangga mo sa 4th Avenue." Tumigil ako. Tapos hinambalang niya 'yung kotse niya sa harap ko at bumaba. Hindi ako bumaba kasi kinutuban na'ko dahil wala naman akong naaalalang dinaanang 4th Avenue, at mas lalong wala akong naalalang nabangga, ni nasanggi man lang, o maski na-close call na akala ko hindi ko nahaging 'yun pala'y heto't nabangga ko nga.

Bumaba siya sa kotse at tinuturo ang driver's side bumper ko with an expression na parang kitang-kita ang bangga. Pero duda talaga ako so I refused to go down the car. I immediately wore my GMA ID. Pumunta siya sa bintana ko. Upset siya. "Taga-GMA ka? Kakilala ko sina Toto at Keempee ru'n." Wala akong kilalang Toto, pero kilala ko si Keempee pero 'di nga lang close. Sabi ko lang talagang wala akong maalalang nabanggang kotse.

"May mga witnesses."
"Tinuro 'tong Trooper mo."
"Nabangga mo ru'n sa 4th Avenue, sa maraming shop."
"Punta tayo ru'n."

'Yun 'yung mga naalala kong statements niya sa'kin. Tinatawagan ko ang aking ever-reliable Kuya Ryan pero cannot be reached. So daddy ko ang natawagan ko. I said meron ngang nagke-claim na may nabangga ako pero wala naman akong maalala. Ayokong bumaba ng kotse. Ano'ng gagawin ko?" "Pupuntahan kita d'yan," sagot naman ni Dad.

Nag-usap pa kami he insisted na, "Umamin ka na galing kang 4th Ave (du'n nga raw sa maraming shop)" at nahaging ko nga raw. Nu'ng tinanong ko kung ano 'yung nabangga ko. Sabi niya Mazda raw na kakulay ng Mazda niya, na when I think about it now, parang kanina ang impression ay 'yung mismong sinasakyan niya ang nabangga ko so ngayon parang there's another car pala and he just gave chase. Hindi rin niya ma-explain kung saan ang 4th Ave. Hindi ko rin naman alam kung saan 'yun so iniisip ko talaga kung meron nga bang posibilidad na may nahaging ako kahit na ang alam ko ay EDSA lang talaga ang dinaanan ko.

Tinanong ko pa kung 'yung mga pulis na naandu'n na naka-motor ay mga kasama niya kasi para ngang kasama niyang dumating 'yung mga patrol, eh. Sabi niya, "Hindi, 'yang mga 'yan naga-assist ng mga VIP." Then he was insisting na we go back to 4th Avenue so I could see for myself the car that I supposedly hit.

Then sinabi ko nga sa mama na sandali lang kasi may darating lang na crew ng GMA du'n. "Nagpa-news ka pa?" "Standard po kasi sa'min kapag ganu'n...Hintayin lang po natin, wala pong problema sa'kin." Then he said, "Sige ako rin, hanapin ko 'yung mga witnesses." Then he went to his car and drove off.

Naghintay pa'ko ru'n nang ilang saglit kasi baka nga meron talaga akong nabangga. Tumawag na'ko sa kaibigan kong si Adrian Ayalin ng ABS-CBN News and I consulted if he's heard of a modus operandi like this. Sabi niya ang alam niya 'yung taong nagkukunwaring nabunggo mo, ganu'n. Then sabi niya pupuntahan din daw niya ako para may istorya. So sabi ko sige. After a while I called up my dad and said na umalis na 'yung mama, should I leave na rin? "'Di umalis ka na nga! Kita na lang tayo sa Riverbanks."

Bahala na kung talagang nabangga ko siya, sinunod ko si Dad. Tinawagan ko rin si Adrian na 'wag nang pumunta kasi nga pinaalis na rin ako ng tatay (besides lalo akong nakakatrapik du'n.) Ninenerbiyos pa'ko na baka biglang may humabol na naman sa'kin at mukha akong tumatakas pero nakarating naman akong Riverbanks nang maluwalhati. I went down and checked my car, wala namang bangga, not a scratch.

Adrian learned na sa 4th Avenue nga ay maraming pagawaan ng sasakyan. Naisip tuloy namin na kung sumama ako baka meron na ngang kotseng inaayos du'n tapos ike-claim nilang dahil ako ang nakabangga ay dapat bayaran ko, at dahil nasa teritoryo nila ako, wala na'kong magagawa kundi magbayad...Nakakatakot!

'Wag n'yo na lang ipakalat 'to through cut-and-paste at baka magmukha lang siyang hoax. Just direct your friends to this site para makita talaga nilang hindi lang gawa-gawa ito.

This page is powered by Blogger. Isn't yours?