Tuesday, July 14, 2009

 

The Kindness of Strangers

“I have always depended on the kindness of strangers”
- A Streetcar Named Desire


Hindi ko pa napapanood ang play/film na’yan pero alam ko ang quote dahil sa isang episode ng The Simpsons ay nagbida si Marge sa play na’to at binanggit niya ang dialogue na akmang-akma sa mga naranasan ko.

1. I have never been fond of maids, maliban na lang kay Ate Mely na kinalakihan ko. Ang mga sumunod sa kanyang kasambahay namin ay hindi ko na masyado kinakausap; ni hindi ko rin sila inuutusan. Ewan, I really don’t know how to deal with them kaya hindi ko na lang sila pinapansin - like they don’t exist. Pero I remember one kasambahay, kahit pa nalimutan ko na ang kanyang pangalan, ang hihintayin muna akong gumising bago siya kumain para raw may kasabay akong mag-almusal dahil malungkot daw ang kumain nang mag-isa. Ako lang ever ang pang-hapon sa’ming magkakapatid kaya hindi ko nakakasabay ang buong pamilya na mag-almusal, at wala na sila by the time I wake up.

2. May isang high school student na naka-brush up ang buhok ang nagtawid sa’kin sa kalsada nu’ng minsang nakalimutan akong sunduin sa school ni Ate Mely kaya naglakas-loob akong maglakad pauwi mula sa pre-school na pinapasukan ko. Alam ko sa uniporme niya na nag-aaral siya sa isang school na may reputasyong mga gago ang estudyante.

3. Nu’ng bago pa lang ako sa GMA, nag-show kami sa Cebu. Sa SuperFerry ako na-assign sumakay pauwi but one staff member na hindi ko na maalala ang pangalan ang giniv-up ang kanyang plane ticket para sa akin. That would become my first plane ride ever.

4. I was in Megamall at may imi-meet ako pero biglang namatay ang baterya ko. A lady loaned me her cellphone battery.

5. I wrongly led a trail of cars into a single lane one-way street. Hindi na’ko makaatras kasi ang dami-daming obstacles na kotseng naka-park on both sides tapos trak pa’yung nasa likod ko tapos ang only opening would involve backing up and parallel parking into a space further back. The dad driving the Revo na naharangan ko volunteered to maneouver my car for me. (Ito nakakahiyang i-admit.)

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?