Friday, August 28, 2009
Our Lesson for Today: "Up"
Wala pa’ko sa mood magkuwento tungkol sa Ironman70.3 so let’s just discuss this great movie, Up, na magiging classic animated movie na kalolokohan kahit pa ng mga susunod na henerasyon.
I thought vocation ko ang pagtuturo. I come from a family of teachers, and my parents are now retired teachers, pero several incidents in my youth led me to think that God doesn’t want me to teach, at least not full-time, kaya naging writer na lang ako. Pero I still fantasize about being scriptwriting teacher. I was once invited to teach that in UP Baguio, na-tempt ako pero ayokong iwan ang showbiz nu’n. Ngayon, nakakapagturo pa rin ako ng konting writing sa mga resident members ng Broad Ass sa kanilang taunang Dulaang Kapiterya. As headwriter naman, nakakapagturo ako paminsan-minsan, pero mas tina-trust kong marunong nang magsulat ang mga TV writers. In fact one of my younger writers teaches TV Scriptwriting in UP.
Anyway, sa tuwing nakakapanood ako ng isang beautifully written TV show or movie, hinihimay ko siya sa utak ko, at nakaka-imagine ako ng lesson plan kung paano ko siya idi-discuss sa aking sariling Scripwriting Class. So, class, for those of you who haven’t seen this required viewing, please step out of the classroom and I will mark you na lang as absent. Baka lang kasi mainis kayo kapag may ma-touch akong crucial plot points at spoilers. OK, class, let’s begin…
1. Premise. Isang napakasayang part ng pagbuo ng istorya ang premise. Ito ang “what if?” na pagmumulan ng aksyon. What if may bahay na tinalian ng maraming-maraming lobo tapos lumipad? What if nagsasalita ang aso, ano kaya’ng sasabihin niya? Tapos ide-develop na lang ng writer. Usually kapag may isa kang magandang premise, enough na’yun. Minsan kasi sa pagiging overzealous ng writers, napaghahalu-halo ang napakaraming magagandang premise, lumalabnaw tuloy. Ang galing lang ng Up dahil kahit napakarami niyang outrageous premises, napagtagpi-tagpi niya ito na hindi na masyadong nagiging absurd para sa manonood ‘yung istorya. Which brings me to the next concept…
2. Logic in Fiction. Hindi porque fantasy ang isang pelikula at sinu-suspend mo ang disbelief ng mga manonood ay puwede mo nang gawin ang lahat. Lalo pa ngang dapat magtugma-tugma ang mga pangyayari kapag kathang-isip ang sinusulat mo. Sa tunay na buhay kasi may mga bagay that don’t make sense pero ano’ng magagawa natin kung ganu’n talaga ang nangyari. Pero sa script dapat logical lahat – ang reaksyon ng isang character sa isang sitwasyon, lalo’t kung pivotal sa kuwento, ay dapat nailatag nang maayos beforehand, ang consequences ay dapat tugma sa causes, hindi puwedeng basta na lang umusbong. Kahit pa bio-pic o historical ang script, malinaw dapat sa writer ang gusto niyang sabihan sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng buhay ng isang tunay na tao, o ng isang totoong kaganapan. Kumbaga, pipiliin mo ang mga pangyayari sa kasaysayan na makakatulong sa’yong i-prove ang gusto mong iparating na mensahe.
3. The Germ of an Idea. This is not so much a quality of a good script, but rather an interesting stage in the creative process. Minsan ang germ of an idea na rin ang puwedeng gawin mong premise ng kuwentong ide-develop mo. May eksena kasing muntik nang malaglag sa blimp si Mr. Frederickson, pero ang tuluyang nahulog papunta sa Amazon Jungle below ay isang metal chair. Tinugma ko siya sa isang article na nabasa ko kamakailan tungkol sa isang German teenaged woman na naka-survive sa isang plane crash sa Amazon, at nakapaglakad palabas ng gubat. Naisip ko kung sa paglalakad niya ay biglang may bumagsak na metal chair sa dinaraanan niya, ano kayang kuwento ang mabubuo sa kanyang utak? Maisiip kaya niyang galing iyon sa isang bahay na pinalipad ng isang matandang biyudo sa pamamagitan ng mga lobo? Nakakatuwa lang isipiang maaaring ang buong ideya ng Up ay nagmula sa germ na “kung may mahanap kang metal chair sa gitna ng Amazon Rainforest, paano kaya ‘yun napunta ru’n?”
4. Commercial Appeal. Isa pang naiisip kong dapat i-discuss sa mga estudyante ko ang biases ko bilang isang writer, ang aking sensibilities, ang aking creative leanings, at aesthetic sense. Mahirap mang i-verbalize talaga ‘to fully pero siguro importanteng malaman nilang hindi lang ako ang maaaring magsabi ng maganda at panget na script, bagama’t sa classroom setting ay magiging ganu’n halos ang patakaran. Sasabihin ko sa kanilang in the end rules are meant to be broken, that the role of the artist/writer is to keep pushing the envelope, keep re-writing the rulebook, pero para ma-execute ‘yun masterfully, kailangan munang malaman kung ano nga ba ang rules in the first place. Commercial movies and TV programs are strongly grounded on the rules, kaya sila may appeal sa manonood. Most of the examples that I can initially show as stellar examples of good writing, then, are pretty commercial works, ‘yun din kasi ang inaakala kong pinakapamilyar sa pinakamarami sa kanila so magiging mas madali ang discussion.
Now, please email sa egroup the premise for an animated feature that you would write. Class dismissed.

Monday, August 03, 2009
Bakit Laman ng Showbiz Central si Cory?
Alam ko wala sa inyong nanood dahil exclusive nga naman ng The Buzz si Kris Aquino kaya i'm posting our prologue on our Cory Aquino tribute...
Si Cory ay hindi artista. ‘Di tulad ng ibang nasa pulitika, hindi siya kailanman umarte para sa isang pelikula o TV show.
Ngunit nakikiisa ang mundo ng showbiz sa kanyang pagpanaw…
Kumpara sa mga kapritsong proyekto para sa sining ng administrasyong pinalitan niya, binatikos din noon si Cory sa tila pagbabawalang-bahala raw niya noon sa sining at kultura.
Subalit ang kanyang respetadong pamumuno ang nagbigay-daan upang lumago ang mass media ngayon.
Showbiz Central pays tribute to the Philippines’ and Southeast Asia’s first female president, dahil kung tutuusin, ang kanilang kabuhayan ay malaki ang utang na loob kay Cory ng bawat isa sa aming nasa industriya.
Ang kanyang katapangan at sakripisyo ang nagdulot ng panunumbalik ng ating “freedom of speech, press, and of expression.” Ito ang pinagmumulan ng bawat babasahin, awitin, sayaw, TV show, live performance, at pelikulang nae-enjoy ninyo bilang manonood.
Minsan ding hinamon ni Tita Cory ang press freedom nang magsampa siya ng kasong libelo laban sa isang pahayagan.
Isa itong paalala sa amin na ang bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilidad sa kapwa, at sa bayan.
Para sa lahat ng ito, taus-puso ang pasasalamat namin sa isang huwarang babae, at huwarang Pilipino…ang ating Tita Cory, former President Maria Corazon C. Aquino.