Monday, August 03, 2009
Bakit Laman ng Showbiz Central si Cory?
Alam ko wala sa inyong nanood dahil exclusive nga naman ng The Buzz si Kris Aquino kaya i'm posting our prologue on our Cory Aquino tribute...
Si Cory ay hindi artista. ‘Di tulad ng ibang nasa pulitika, hindi siya kailanman umarte para sa isang pelikula o TV show.
Ngunit nakikiisa ang mundo ng showbiz sa kanyang pagpanaw…
Kumpara sa mga kapritsong proyekto para sa sining ng administrasyong pinalitan niya, binatikos din noon si Cory sa tila pagbabawalang-bahala raw niya noon sa sining at kultura.
Subalit ang kanyang respetadong pamumuno ang nagbigay-daan upang lumago ang mass media ngayon.
Showbiz Central pays tribute to the Philippines’ and Southeast Asia’s first female president, dahil kung tutuusin, ang kanilang kabuhayan ay malaki ang utang na loob kay Cory ng bawat isa sa aming nasa industriya.
Ang kanyang katapangan at sakripisyo ang nagdulot ng panunumbalik ng ating “freedom of speech, press, and of expression.” Ito ang pinagmumulan ng bawat babasahin, awitin, sayaw, TV show, live performance, at pelikulang nae-enjoy ninyo bilang manonood.
Minsan ding hinamon ni Tita Cory ang press freedom nang magsampa siya ng kasong libelo laban sa isang pahayagan.
Isa itong paalala sa amin na ang bawat karapatan ay may kaakibat na responsibilidad sa kapwa, at sa bayan.
Para sa lahat ng ito, taus-puso ang pasasalamat namin sa isang huwarang babae, at huwarang Pilipino…ang ating Tita Cory, former President Maria Corazon C. Aquino.