Tuesday, September 15, 2009

 

Iboboto ko si Noynoy kasi...

Iboboto ko si Noynoy. Nang unang lumabas ang pahiwatig na tatakbo siya, naisip ko kaagad na siya ang iboboto ko.

Pero hindi ko ma-justify kung bakit? Dahil ba gusto ko si Ninoy, at si Cory? Sige na nga, pati si Kris Aquino gusto ko actually. Sabi ko nga kay DJ Mo nu’ng napag-usapan naming sa backstage ng Showbiz Central ang eleksyon: “I know it’s like voting for an actor because you like the good character he plays on TV, but I’m gonna vote for Noynoy.”

Unapologetically ko siyang nasasabi pero ngayon ko pa lang ‘to maitataga sa blog kasi ayokong isulat ang isang bagay na hindi ko pa masyadong mapaninindigan, lalo pa nu’ng niratatat na’ko ni Mo ng lahat ng mga hindi ko pa ma-settle nu’n na issues tungkol sa pagpili ko kay Noynoy. Are we abandoning that dream for a Filipino electorate that vote based on platforms rather than on celebrity now that we’re choosing Noynoy despite his admitted lack of experience, credentials, and preparation?
Ngayon may masasagot na’ko.

At katulad ng sagot ng ibang tao kung sino ang kandidato nila sa 2010 Presidential Elections, ang sagot ko ay hindi siguradong tama, umaasa lang akong tama ito, at sa paglalahad ko sa kanya ay umaasa rin akong makumbinsi kayo…

Ang mga Left ay naniniwala sa pagbuwag ng mismong sistema, rebolusyon para tabularasang maiguguhitan muli ng mas maayos na pamamalakad ang bansa, and isang malaking argument against Noynoy sa mga taong Left-leaning ang kanyang Panginoong Maylupang background. He is part of the enemy system, so kahit gaano pa siya kabuting tao, voting him to office will only further cement the oppressive status quo. True, true, but I do not believe in rebolusyon at pagbubuwag ng gobyerno as we know it simply because magugulo lang tayo, eh. Kaya mapalalampas ko ang atraso ni Noynoy na isa siyang tagapagmana sa Hacienda Luisita.

Hindi ako naniniwala sa rebolusyon dahil naniniwala ako sa sistema natin. Oo, marami pa ring mali rito pero nafa-fine-tune din naman unti-unti. Naniniwala ako na ang pag-unlad ng tao ay malaking nakasalalay sa kanyang sariling diskarte, at naniniwala akong ang intensyon ng sistema ng ating lipunan at pamahalaan ngayon ay nakaka-allow pa naman sa atin na magkaroon ng sariling diskarte.

Kaya bumuboto ako hindi dahil umaasa akong ito na ang taong mag-aahon sa’kin mula sa anumang baiting sa lipunan na kinatutuntungan ko, dahil may sarilli naman akong diskarte. Ang boto ko ngayon ay para sa ibang hindi pa gaanong makadiskarte…
Sana ang mapipiling leader ay ‘yung hindi ililiku-liko ang takbo ng pagfa-fine-tune natin sa’ting sistema upang matustusan lang ang kanyang pansariling interes. Ganu’n si Noynoy. At sa lahat ng nagbabalak ngayong umupo sa Malacanang, si Noynoy Aquino lang ang ganu’n.

Walang experience, walang track record…sa pangungurakot at pantataksil sa bayan.

Comments:
1 vote for noynoy.. :)
 
Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?