Wednesday, September 30, 2009
Mahirap Magsulat ng Nakakatawa
Hindi ko pa lubusang ma-process ang halu-halong nararamdaman ko bilang ang pamilya ko’y nasalanta ni Ondoy kaya habang nagpapahinga ako mula sa isang buong araw na naman ng paglilinis ng bahay namin sa Marikina, ito na lang ang pag-usapan natin.
Nakakatawa naman akong tao pero hindi ko kayang magsulat ng comedy.
Nu’ng una akala ko kaya ko. Ang sinubmit kong sample scripts nu’ng nag-a-apply ako sa GMA ay ‘yung mga nakakatawa ko naman daw na scripts sa mga production classes ko sa UP. (Shit, bakit parang naaamoy ko ang pinaghalong burak at tae? Nare-retain ba ng olfactory nerves ang buong araw mong nasisinghot?) One particular scrip that I was very proud of was this that got an uno from. Prof. Rose Feliciano’s Radio Class:
DARNA: Ding! Akin na’ng bato!
DING: Bakit, ate? Wala naman tayong ise-save, ha!
DARNA: Meron! Makaka-save tayo ng up to 40% sa Sta. Lucia Super Sale! May discounts sa damit, pagkain, furniture, appliances, at groceries. Mamimigay pa ng libeng tickets sa arcade at sinehan!
DING: Kung ganu’n, akin na lang ‘to. (Lunok sound effects) DARNA!!!
DARNA: Ding, isama mo ako!
DING: (Fading out as Superman theme fades in) See posters and print ads for details na lang, ateeee!!!
Nang ini-interview ako ni Ma’am Wilma Galvante, tinanong niya kung kaya kong mag-isip ng mga gags for Bubble Gang. Sinayt din niya ang witty scripts ng Tigbak Authority ng Startalk. “Yes,” ang pabibo ko namang sagot.
Agad naman niya akong sinabak sa pagsusulat ng sitcom, naging nag-iisang bagitong brainstormer ako nu’n sa isang show na binubuo ng mga batikang comedy writers na tulad nina Benjie Elgincolin, Chito Francisco, Wystan Dimalanta, at ang naging sorta unang mentor ko, na si Direk Cesar Cosme.
“Idol Ko si Kap” would become Bong Revilla’s successful foray into television, and in comedy, even. Ang tanging na-contribute ko ay ang pangalan ng kanyang pamangkin na si “Gigi.” Hango ‘yun sa isang espesyal na tao nu’n sa buhay ko.
Pinagsulat din yata ako ng script for Idol pero pina-revise lang nang pina-revise, hindi rin nakapasa. Basta ang alam ko, ‘yung thought pa lang na magsulat ng isang buong script for a sitcom was very, very daunting. Dinadaga talaga ako, pakiramdamn ko hindi maganda, parang hindi nagwo-work, ganu’n. Sa totoo lang, ipinagpapasalamat ko na na-pack-up na lang ‘yung script ko nang ganu’n, without much fanfare.
Matapos nu’n ay pinagtiyagaan pa rin akong magsulat sa Kool Ka Lang. I think after sooo much revisions ay may isang script din akong nai-tape. Pero blurry lang sa’kin ang buong proseso ng pagsusulat. Pakiramdam ko talaga hindi ko kaya ‘yun. Takut na takot talaga ako. Tapos in-encourage pa’kong bumisita sa set when they’re taping my ep. Nakita kong pinag-uusapan nina Long ang opening sequence ko – which was required to be very, very funny. Napakasunduan nilang hindi siya nakakatawa enough to be an opening sequence, but they will tape the rest of the episode. Wala rin namang fanfare na napagdesisyunan ‘yun pero naramdaman ko talaga ‘yung pinakakinatatakutan ko mula pa nang maatasan akong magsulat ng comedy. Ang sakit! I had to excuse myself from the set para makapagpahangin sa Glorietta (may hangin ba ru’n?)
At du’n officially nagtapos ang pagsusulat ko ng comedy sa GMA. Basta hindi talaga nagwo-work. Hanggang ngayon pakiramdam ko hindi ako makakasulat ng sitcom.
A couple of years ago, nirekomenda ako ng kaibigan ko from Broad Ass na si (Direk) Ianco sa isang grupong naghahanap daw ng comedy writers. Eh, nakakahiya naman dahil nirekomenda nga niya ako so pumunta ako sa isang meeting ng mga dalawampu yatang katao sa The Old Spaghetti House sa may Valero. May pinapanood sa’ming French sitcom at i-adapt daw namin ‘yun sa Pilipinas.
Three to five minutes lang naman ang bawat episode so medyo madali, ‘di tulad ng isang oras at kalahati na kailangan mong punuan ng katatawanan sa mga Pinoy sitcoms. Kinarir ko nang kaunti ang aking adaptation. Bukod sa pagsasalin sa Filipino ng ilang episodes na sinuplayan nila ng English translation, naglakip din ako ng isang concept paper on how “Camera Café” could succeed in the Philippines.
Sa tingin ko ‘yung extra paper na’yun ang nakapukaw sa pansin ni Direk Mark Meily kung bakit ako napasali sa writers pool pero ngayon ay ikinahihiya ko na ang na’yun. Sinabi ko kasi ru’n na hindi maaarok ng Pilipinong manonood ang ganu’ng office set-up. Dapat gawing call center ang setting (as opposed to the ambiguous company ng orig) at gawing mga bata ang artista dahil ang tatanda ng mga napapanood kong cast ng Camera Café, sa France man, at sa iba pang versions nito all over Europe, and other French-speaking countries and territories.
Mas manageable sa’kin ang pagsusulat ng Camera Café. At sa ilang seasons din niyang nasa ere ay minsan ko pa lang yata siya napanood sa telebisyon. Pero tuwang-tuwa ako kapag naririnig ko na marami palang sumusubaybay sa kanya, na tuwang-tuwa, tawang-tawa, at nabibilib dahil kakaiba nga raw ang Camera Café.
Sa isang meeting para sa kasal ng valedictorian namin sa UP Mass Comm na si Atty. Kat Reyes, Kat mentioned to her then fiancée DA na naalala raw niyang sinabi ko sa isang class na pangarap kong baguhin ang hitsura ng sitcom sa Pilipinas. Humanga raw siya na parang may plano na’ko nu’ng nag-aaral pa lang kami. Sa totoo lang, hindi ko na maalala na sinabi ko ‘yun but if she says she so, ‘di sige, at natutuwa na lang din siguro ako sa dagdag pa niyang natutupad ko na ang pangarap na’yun with Camera Café.
Sa humor episode ng Jessica Soho Reports ay fineature ang Camera Café. Puring-puri ang mga French producers sa Pinoy version ng Camera Café dahil nga raw sa parehong Latin ang kultura nating mga Pilipino at Pranses ay agad nating na-grasp ang diwa ng show, as opposed to the other Asian versions that followed. Camera Café also won Best Comedy at the Asian Television Awards. Then the economic crisis came, wala nang sponsors, tigil muna ang taping.
Tulad siguro ng Ondoy, matagal rin bago ko na-process ang lahat-lahat kaya ngayon ko na nga lang sinasabi ‘to, ‘di ba? Just a few weeks ago may remnants pa rin ng collective disappointment ng staff and crew when Khalila lamented on her Facebook status line the fate that Camera Café Philippines suffered.
Sabi ng iba, hindi pa raw ready ang Pinoy sa ganu’ng “mataas” na comedy? I totally, totally disagree. Una, hindi ko naman kino-consider ang Camera Café na mataas eh much like Bubble Gang or other Pinoy sitcoms are not “mababa” just because masa ang target nila. Ang nakakatawa, nakakatawa; merong specificities, merong mas ki-click sa isang demographic, pero hindi ibig-sabihin nu’n mas mababang uri ang isa, at ang isa naman ay mas mataas. Iba-iba lang talaga ang nakakatawa sa mga tao. Kung tutuusin, naka-ilang season na rin naman ang Camera Café sa Pilipinas na may ganu’ng brand ng humor, kinakagat naman. Matatanda at non-stars (but really, really great thespians) ang cast, andu’n si Christian Vasquez pero hindi siya pinaghuhubad (well, not all the time), at ang tanging original Filipino character du’n ay si Manang (first played by Mylene Dizon, then Angel Aquino, and the latest, Wilma Doesnt). No Philippine office would be complete nga naman nang walang “Manang” na mauutangan ng lunch, meryenda, damit, alahas, atbp. Ay! Nang umalis din pala ‘yung character ni Frida (na hango sa French character na si, well, Freida), pinalitan siya ng similar character na pinangalanang…Fonda.
Our French producer, Henri deLorme, and his French backers (one of whom is the French father of it model/make-up artist Solenn Heussaff) is keeping the fire burning. Ang balita pa nga ay muling mabubuhay ang Camera Café Philippines. I don’t wanna keep my hopes too high pero sana nga. I’m so proud to be part of that team na talagang siniseryoso ang pagko-comedy.
Madugo at nakakatuwang okrayan ang brainstorming, pero mababait ang mga co-writers kahit mga luminaries na sila. I remember one brainstorming na nate-tense si Dennis Teodosio dahil lalabas na nga ang resulta ng Palanca Awards. Pangisi-ngisi lang si Kuya Rody Vera na judge pala sa Palanca that year. Saka ko na lang na-realize na LAHAT pala ng nasa creatives ay mga Palanca Award-winners! Dinaan ko na lang sa ganda.
Meron pa pala akong isang experience bilang comedy writer, nu’ng sinulat ko ang continuity ng Comedy Revue ng UP Centennial. I didn’t write any of the sketches (Candy Pangilinan kinda asked me to writer her material pero dinaga lang ako) pero kinonsider akong writer dahil ako ang nagtagpi-tagpi sa mga monologue ng mga UP alumni na tanyag na sa live comedya like Willie Nepomuceno, Tessie Tomas, Tuesday Vargas, Candy Pangilinan, Ador, Herbs Samonte, etc.
Hosts ko that night sina Kuya Roderick Paulate and pre-KimmyDora Eugene Domingo. I swear, sa sobrang galing nila hindi ako nagtrabaho during the show. Binigay ko sa kanila ang script that day, konting kausap at sila na ang dumiskarte. Nanood na lang talaga ako. Ang galing talaga! Magdadakdakan sila, batuhan ng punchlines, pero sa huli ay babalik pa rin sila sa script na isinulat!
Ang ganda rin na the night before the show, biglang nag-express si Kidlat Tahimik na gusto niyang mag-perform. It’s his world-famous bahag monologue. Kung hindi lang siya tatay ng kaibigan ko ay na-weirduhan ako; nagkagat-dila na lang ako sa mga skeptical comments na narinig ko pero na-vindicate naman ang recent Gawad Plaride Awardee (and Father of Filipino Independent Cinema) dahil ang kanyang “profound” na “performance art” was hilarious and poignant.
Nakakagulat din si Candy Pangilinan dahil nu’ng run-through ay hindi ako natatawa pero nu’ng may adrenaline na ng performance, grabe! Gugulong ka talaga sa made-for-that-occasion monologue…ang iba kasi ay nag-perform na lang ng tried and tested routine.
Magaling si Willie Nep, of course, as Erap addressing the UP Community. Fascinating ang rehearsals ng Teysi dahil she was actually bawling while mouthing her script dahil ang isang kaibigan niya was murdered the week before. She was actually crying out his name as she was rehearsing, perhaps as a means of purging all negativity bago siya magpatawa later on.
They say hindi na raw mauulit ang ganu’ng pagtitipun-tipon on one stage ng mga UP comedians/comediennes so nakaka-proud na naging part ako nu’n kahit papaano. Na-nega lang nu’ng huli dahil isang bagitong spinner ang nagreklamo kung bakit hindi raw SIYA napasalamatan sa curtain call. Hah? Eh, wala naman sa staff maliban kay Direk Maryo J. delos Reyes ang napasalamatan. Gaga, no?

Comments:
<< Home
Hello Rey, si Jerome Manundo 'to. Classmate tayo nung High School, still remember me? I tried watching some shows sa TFC, and the only thing I found amusing was that I could guess what the artistas were going to say! I thought "pwede pala ko maging scriptwriter," and "wala na bang mas nakakatawa pa dito?" which is how I ended up googling your name.
Sabi ko na nga ba writer ka na ngayon! And what a pleasant surprise, member ka pala ng team ng Camera Cafe. Pinapanuod ko yun dati.
Susubaybayan ko na lang ang blog mo kung ma-iinvolve ka ulit sa ibang sitcom... looking forward to your brand of comedy. Congrats, napaka-exciting naman ng trabaho mo! All the best, and pakikamusta naman si nanay mo para sa akin.
Sabi ko na nga ba writer ka na ngayon! And what a pleasant surprise, member ka pala ng team ng Camera Cafe. Pinapanuod ko yun dati.
Susubaybayan ko na lang ang blog mo kung ma-iinvolve ka ulit sa ibang sitcom... looking forward to your brand of comedy. Congrats, napaka-exciting naman ng trabaho mo! All the best, and pakikamusta naman si nanay mo para sa akin.
Agad naman niya akong sinabak sa pagsusulat ng sitcom, naging nag-iisang bagitong brainstormer ako nu’n sa isang show na binubuo ng mga batikang comedy writers na tulad nina Benjie Elgincolin, Chito Francisco, Wystan Dimalanta, at ang naging sorta unang mentor ko, na si Direk Cesar Cosme.
black shalwar kameez with red dupatta ,
black salwar suit with colourful dupatta ,
Post a Comment