Tuesday, September 08, 2009
Rey's Report: Ironman 70.3 Philippines
1ST COBRA ENERGY DRINK IRONMAN 70.3 PHILIPPINES
23 August 2009 (Sunday)
Camsur Water Complex, Naga, The Philippines
1. Una sa lahat, congrats sa lahat ng individual participants na nakatapos sa karera! Sa mga winners, shit kayo! Kung alam ko lang na seseryosohin n’yo ‘to ‘di sana ginalingan ko! “Competing with yourself?” Isa pang shit! Ang hindi ko lang sini-shit ay si Terenzo Bozzone! The first time I saw this guy’s photo on the website, alam ko nang siya ang mananalo. Siya rin ang binoto ko sa online poll without even reviewing his credentials, basta lang na-draw ako sa kanya. Ewan ko ba, parang may connection.
2. Maraming salamat, Ige Lopez, owner of T1, for making my fabulous trisuit. You are still the best local manufacturer of triathlon/multi-sport apparel! Alamna!
3. Sa pampang, binulungan na’ko ni Monica Torres ng valuable tip sa swim. Sabi niya: “Zfdalhlgew ramp glagmfhr.” Magulo na ang utak ko nito kaya um-oo na lang ako sa kung anuman ‘yung sinabi niya. Pagdating ng swim turnaround sa tropical iceberg na’yun, du’n ko na lang naintindihan ‘yung sinasabing gibberish ni Monica! “Rey, pagbalik, targeting mo lang ‘yung malaking Gatorade kasi nakakasilaw, ‘di mo makita ‘yung dulo. And stay closer to the ramps than to the bouy lanes para shorter distance ang tatahakin mo.” True enough, lahat halos ng kasabayan ko sa swim ay sa boya nakadikit pero dalawa o tatlo lang yata kami sa kabilang side, sa may ramps. Yeba!
4. Ang sarap ng feeling coming out of the big lake. I was able to shave off minutes from my swim PR. But the swim has always been my weakest leg so I try to take it easy. Pero pag-ahon mo talaga from the big lake, mase-sense mo ang excitement with the blaring announcements, and the thick crowds lining each side of the short run to the small lake. Takbo ako to the small lake. Lusong sa small lake. Akmang da-dive and then…
5. Bakit ba’ko nagmamadali? Ang hirap kaya nu’n! Mahigit 1km na ang nilangoy tapos tumakbo pa sa slight paakyat para lumangoy ulit?! Kaya tumigil na lang muna ako habang waist-deep in small lake water. Once I caught my breasts, este, breath, dive into the circular swim route. Then off to T1.
6. Nakakatuwa nga talaga ang dami ng mga taong nanonood sa bike leg. Nakaka-tense nga lang ang unang turnaround kasi napakasikip, at halos nasasakupan na ng mga tao ‘yung daan. Natatakot akong masemplang pag-u-turn ko kasi nakakahiya, ‘di ba?!
7. Siyempre, tuwang-tuwa ang mga foreign elites sa mga taong nagchi-cheer ng “Go! Go! Ironman!” Nakakawala nga naman ng pagod. Sabi nga ni Bentley, “It was as if they were organized.” Of course, the Pinoy athletes know that they were indeed organized or they wouldn’t be in school uniforms on a Sunday, braving the heat as much as the athletes. Pero mukha namang nag-enjoy sila. Enjoy na enjoy din ako dahil sa tuwing dadaan ako eh sisigaw sila ng, “Philippines!” O, ‘di ba? Feeling crowd favorite sa Miss Universe!
8. Ang strategy ko ay maghinay-hinay sa bike. Pero sadya nga raw imposible ‘yun kasi cleared from all traffic ang highways, at napaganda talaga ang mga kalsada. Meron nga lang parang first-timers na kahit nagmamabagal eh sa sa gitna talaga ng daan nagba-bike, o kaya pasuray-suray pa! Pero OK lang, narating ko rin ang turnaround in less than my target time! Shit!
9. Bahagyang natanaw kong parang port ang turnaround kaya medyo may panghihinayang akong hindi ko totally ma-take in ang view kasi marami ring taong nanonood. Hindi na’ko nagtagal du’n at pumadyak na pabalik. Nakakabilib na tinigil talaga ni Gov. LRay ang traffic! Ang laking ginhawa. Meron nga lang akong natiyempuhang pinatawid nilang dalawang SUV nang padaan ako kaya nag-panic brake ang Pajero at Everest habang sumisigaw akong humarurot sa gitna nila. Agad namang nag-sorry ang mga marshals. OK lang po.
10. Dahil kay Fred Uytengsu, may libreng Cobra Energy Drinks. Dahil kay Fernando Zobel may libreng Globe wifi. Ano kayang makukuha ko kay BJ Manalo! Siya ang sinusundan ko emerging from T2. Run na!
11. Going into the barrio road, naoverteykan na’ko ni Amanda Carpo, who was on her last loop already. I tried to get my groove pero ewan ko ba. Nakaka-discourage din na marami akong nakikitang familiar faces na pabalik na, at may ilan sa kanila ngayon ko lang nakitang naglalakad for the first time in a race. Grabe! Iba yata ‘to!
12. At ito na’ng masakit. Shit.
13. More than half of us have tackled this distance before, pero dahil nga may tatak Ironman 70.3 ito, trinato natin siya na parang mas espesyal. Ganu’n din ako. I put in the effort, and I set goals for this race. But even before I reached my first run turnaround, alam kong nagka-crumble na’yung lahat ng ‘yon. Para que ano pa’t nag-ensayo ako?!
14. Buti na lang napakasaya ng aid station na pinangungunahan ng daughter yata ni David Charlton. Naka-grass skirts pa sila, may mga lei, nagchi-cheer talaga. At higit sa lahat, may saging! “Bahala na, Rey! Tapusin mo na lang ito.”
15. In the grueling kilometers of that run kinalimutan ko na lang ang anumang disappointment ko sa sarili ko by keeping a positive attitude, and it is these fun snippets that I will choose to remember:
a. Jonjon Rufino giving me an encouraging and literal push on my first loop, but he was on his last already
b. Ang pagpaing sa’kin ni Antonio Regis sa crowd dahil nga naka-Miss Philippines trisuit ako; at ang ilang hindi ko kilalang triathletes na napangiti ko naman
c. The exchange of encouraging words and high-fives with the friends I encounter on the run route: training mates from Team PMI Czar Manglicmot, Rizz Cloma-Santos, Poch Santos, Onard Bonavente, and Gerard Reyes; the elites who’ve helped me a lot with their patient and unselfish coaching (kahit napaka-whiny kong student) - Monica Torres, Rayzon Galdonez, and Jojo Macalintal; also my friends who put out fantastic times – Levy Ang and Makoy Almazar in their first 70.3 race, Junie Santos and TJ Isla who beat their PR by an overwhelming margin, and Joyette Jopson and Doray Ellis with their well-deserved podium finish
d. ‘Yung naglabas ng hose para i-shower ang mga karerista from his balcony; at ‘yung mga nag-igib sa poso para lang may baldeng puno ng pambuhos para sa’tin
e. ‘Yung pagtugtog ng “Nobody” sa isang bahagi ng run route…napa-dance pa rin ako
16. Sa last stretches sa barrio road ay inabandona ko na ang pagtakbo altogether. Naglakad na lang ako. Balak kong tumakbo na lang non-stop once I get up to the big lake. Pagdating sa lake, kinausap ko na lang talaga ang sarili ko na tumakbo: “Sige, ganyan, Rey, i-maintain mo lang ang pace na’yan. Fight the urge to overtake anyone, basta maintain ka lang, makakarating ka rin.” Then slowly naunahan ko rin ‘yung ibang nasa unahan. Then panibagong surge going into the small lake. Still I was fighting the urge to speed too soon dahil ayokong maubusan ng gas. Nakita naman ako ng mga magulang kong nag-finish, a first for all of us. Still, I was way off my PR and my target time…
17. Laseng/bangag ako halos araw-araw after the race. Not so much dahil nagse-celebrate ako, but because I was trying to drown my disappointment. Though nahahaluan din ng konting guilt dahil naka-participate naman ako sa isang magandang karera, nakapag-train ako nang maayos, at natapos ko naman nang walang hitch, ano pa bang irereklamo?
18. Hindi masakit ang katawan ko afterwards…kahit na nu’ng karera ay wala akong naramdamang kakaibang sakit. Siguro ibang rewards din ang nakukuha ng mga taong talagang sini-stretch ang kakayahan nila to the point of almost unbearable pain, for which I might not be prepared. Kelangan ko pa nga siguro ng soul-searching, to re-assess muli kung bakit ko ‘to ginagawa.
19. During the race, I was trying to listen closely to my body – whatever ache, pain, or discomfort – at sinusubukan kong tandaan siya. Ang katawan kasi natin, para ma-encourage tayong mag-exercise, nagpa-pump ng endorphins para sumasaya tayo, pero this time, on my third half-Ironman distance race, sinumpa kong hindi ko kakalimutan kung gaano siya kahirap para when the next race announcement comes out, hindi na’ko parang teenaged girl na ‘di mapakali sa upcoming visit ng Twilight cast sa Manila!
20. Pero heto ako ngayon, nilalagyan na ng aerobar ang aking road bike. ‘Di na natuto…
21. It was great to see so many Filipinos getting interested in the sport. Well-represented ang mga Manila teams, ang UPLB Trantados, ang Tri-Clark, CDO Tri, mga Cebuano, pati Camsur nagkaroon ng sariling tri team composed of young and promising athletes. Sana magtuluy-tuloy na ang ganitong paglago ng sport sa Pilipinas…na ang mga nag-relay ngayon eh ma-challenge nang gawin everything next time, na ‘yung mga sumubok lang to cross this item off their bucket list ay hanap-hanapin pa ang euphoria nito hanggang sa paulit-ulit na nila ‘tong gagawin, na may nakabalita lang na maengganyong targetin ang susunod na karera…at sana kasama ng increased interest na’to ay enough venues for the aspiring triathlete of simple means to get adequate support, training, and education sa sport para mas lalo pa nilang ma-enjoy ang kanilang karera.
22. I wish na kung magkakaroon man tayo ng susunod na Ironman 70.3 sa Pillipinas, hindi na magiging ganun ka prohibitive ang gastusin. Sana may local rates at hindi ‘yung ang kausap kong Pilipino sa telepono eh puro dollar-dollar-dollar ang kino-quote sa’king presyo. Nakakahinayang lang na ang dami akong kilalang talented young athletes ang hindi nakasali sa hindi na mauulit pang first-ever Ironman 70.3 Philippines dahil lang hindi nila ma-afford ang brand name na ikinabit sa race distance na regular namang nagaganap sa bansa.
23. Napakaganda ng support na binigay ng local community ng Naga sa IM70.3, but I wonder kung maganda ang beaches sa area nila. Maganda siguro na sa susunod na races na talagang dadayuhin ng mga tao, eh, sa dagat talaga ang swim para kitang-kita mo ang kagandahan ng Pilipinas.
24. But I gotta admit, bongga talaga 'tong 1st Cobra Energy Drink Ironman 70.3 Philippines!
Comments:
<< Home
i always wait for your post race anecdotes! ang saya kasi forever! as if i can see, hear and feel all of you! thanks for sharing the day to us! it was a great pleasure reading it. good luck sa mga susunod pang karera. next set, best set diba?
till the next race and post race recounting! congrats again :)
till the next race and post race recounting! congrats again :)
Rey, as always, the best ang post-race assessment/kwento mo, salamat. Nare-relive ang experience ng karera & in turn introspection na rin. Congrats! Kita-kita ulit, sa training, karera o inuman. Sabi ng isang pro triathlete: "Racing is the time you reap the benefits.", ang sabi ko naman, it's not about the race. it's about what we learn about ourselves along the way, sometimes holding back to push forward, start to finish.. finish to start again. Go, go, ironman!
Post a Comment
<< Home