Friday, November 06, 2009
Tokyo Puwede!!!
Kinalikot namin ni Flow ang controls ng bidet sa aming hotel room toilet. Hindi gumagana. 'Yun pala kelangan mong upuan bago siya mag-on automatically. Para kaming mga Tarzan na napadpad sa lungsod.
Walang upuan sa train from arrival area in Narita airport para kasya lahat. Naka-dark colored business suits halos lahat ng tao. Pero may mga makukulay rin. Marami ring naka-face mask ngayon. Higit sa lahat, maraming "PUWEDEEEE!" sa Tokyo. Kapag sa daan, 'yan ang code name namin dahil na-realize kong maaaring naiintindihan nila ang pagtili-tili ko ng "CUUUUTE!"
Sa aming paglilibot kagabi sa Shibuya at Shinjuku, inabot namin ang huling pasada ng train ng midnight. At maraming nakasalampak na halos sa upuan dahil tulog na mula sa isa na namang araw ng pagtatrabaho. May isang babaeng natutulog nang nakatayo as in! Nakanganga, nabitawan na niya ang kanyang sosyal na handbag pero hindi pa rin nagising. Nakasandal lang sa isangpole. Tapos parang medyo nahimasmasan, naglakad-lakad nang konti habang nakakapit sa pinto at pader ng tren, tapos bumalik ulit sa pagkakasalampak sa pole at natulog muli. Ibang klase! When we reached the last stop of the train, 'yung mga attendants sa train pumapasok talaga tapos ginigising ang mga tulog.
Sa una nakaka-intimidate ang technology but once you get the hang of it, aliw siya. Ito ang tagal naming finigure out kasi nga hindi naman kami nakakabasa ng kanji. Sa restaurant na'to, may waiter naman pero pagpasok mo kelangan mong magpasok ng pera sa parang vendo na'to, press your selection (na may plastic model equivalent sa labas) at may lalabas na card. Upo ka tapos saka lang lalapit ang waiter para kunin ang inyong card. Maya-maya lang andiyan na 'yung order niyo. Nasa table na lahat ng kelangan mong condiments, at ice cold water, chopsticks. May area where you help yourself to kanin-all-you-can.
Bongga tumawid ang mga tao rito, parang rumarampa, six intersecting pedestrian lanes ang sa Shibuya Crossing at everytime maggi-green ang light, parang may rally na nagtatawiran ang mga nagrarampahang mga Hapon.
May porn manga na binebenta sa 711. Parang benta ako sa isang bar na pinuntahan namin - may puti, Jap, egoy. I think I can live here. Arigato gosaimas!