Thursday, December 24, 2009

 

Decada ng Saya (2000-2009)

Ito na ang huling taon ko sa kalendaryo! when I turned 20 when I felt down because hindi na’ko teenager, hindi na generation ko ang dini-depict sa mga TV shows…Turning 25 was worse. When you were younger, you thought you’d be this or that by the time your 25, naively thinking that is sooo far away, and when it happens, ayun, parang napakalayo na nang nilakbay mo pero wala ka pa ring nararating. Thirty, it was different. By then, you’ve achieved quite a few things you could be proud of, and yet you feel young enough to be optimistic that there are more wonderful dreams to be realized.

Pero ang feeling ko ngayon parang dinaanan ko lang ang 20’s ko! So pagkagising ko kanina, matapos kong mag-reply sa mga nag-text at naki-chat sa Facebook ng happy birthday, at nagbasa ng mga “nag-post ng something” sa aking “pader” (Filipino ang Facebook ko), ay hinalungkat ko ang aking mga planner/diary para maalalahanan ako sa aking yuppy years. Mahirap siya kasi maraming mga iniisip ko na nangyari sa ganitong taon, hindi pala! Buti na lang medyo well-documented ang buhay ko. Pinakamahirap i-retrace ‘yung pre-Friendster/Multiply/Facebook years, ‘yun din kasi ‘yung time na nawawala ang mga planner ko. Anyway, here – more for my benefit – is an overview of the past decade. Salamat, it is not lost no more!

2000 – graduates from up; joins gma
Yes, next year, around July, I celebrate my 10th year as a Kapuso! Diyos ko! Nasa GMA na’ko wala pa’yung dalawang bagong buildings, at hindi pa Kapuso ang tawag sa’min!

2001 – moved out

February ako bumukod. Ang ipon ko lang enough to pay the deposit at ni wala akong sariling salamin sa aking maliit na apartment sa #13 113 Esteban Abada! Kapag lumalabas ako to work, pasimple akong tumitingin sa mga dinadaanan kong kotse to check kung ok ba’yung suot ko. I advise every Filipino to move out as soon as they start working kasi dito talaga nila mari-realize ang importance ng karera, ng halaga ng pera, ng pagtitipid, ng disiplina, at mas maa-appreciate mo ang mga bagay-bagay kung nagsimula ka sa wala.

2002 – joins the up mountaineers

A “lampa” moment while assistant writing the Araw Awards in Cebu led to a realization that I am not fit. Namatay-matay ako sa Level 1 climb at secretly raw na nagta-thumbs down sign ang mga members tuwing dumadaan akong naglalakad na lang halos sa aking first 6.6km diagnostic test. Pero tiniyaga-tiyaga ko lang, na-induct din ako that year!

2003 – joins the up dragonboat team
Pinalipas lang ang Christmas vacation bago pinaunlakan ang imbitasyong mag-row. Sa Marikina Youth Center pa ang docking area nu’n. This is the first sport I really fell in love with. Ang ganda kaya niya!

2004 – has his first boyfriend
In fairness, 1996 pa lang nagrereklamo na’kong “Wala akong lovelife.” And when it happened, akala ko forever. For two months lang pala. Na-blotter pa’ko!

2005 –buys his first condo; blogs for the first time; races his first triathlon
After Esteban Abada, nag-move-in with Thea sa Panay. Nakumbinsi ko siyang mahirap umupa nang habambuhay dahil sabi nga ng nanay ko (na kinowt lang ni Villar – “di baling magdildil ng asin…”) Isang taon ding nagbabayad kami ng doble kasi pre-selling ‘tong condo, ang hirap! Pero buti na rin ‘yung nagtiis-tiis nang bonggang-bongga noon! Mas bonggang-bongga na ngayon, ha!

Five years ago since I first blogged! Sabi ko pa nu’n kay Jove na na-convince sa’kin, “pagsusulat na nga trabaho ko, in my spare time magsusulat pa rin?!”

June nu’ng nagkayayaan ng mga teammates na subukan ang beginner’s triathlon ng UPLB Trantados. Nagkamedalya. Tatlo na lang kami ngayong nagta-triathlon ngayon, si TJ na naka-sub-six hours na sa half-Ironman this year, at si Monica na national team lang naman!

2006 – is promoted youngest headwriter in gma; finishes his firs half-ironman triathlon; throws first-ever reypen
Isinumpa ko na nu’n ang pagtatrabaho ng Sunday pero naging dalawang show pa’ko – after SOP, segue sa SFiles! Enjoy naman at saka doble kita hehe! This Sunday, Dec 27, sesegue pa’ko sa Starstruck Live after ng Showbiz Central! Good luck to me!

My best triathlon year, so far. I got two bronze medals – one in a National Age Group Race and one in my age-group at my very first half-ironman distance triathlon in White Rock.

Sa isang inuman sa Brothers, nakumbinsi kami nina Danny, Diane, etc. na mag-joint party ni Pen on Christmas Day, something we’ve always fantasized pero takot kaming gawin kasi sino nga naman ang magpa-party away from their families ng Pasko, ‘di ba? Well, mamaya marami na namang regular at first-time ReyPen Party Animals! Lezgo!

2007 – pakshirt
Wala nang pakshirt pero ang dami kong natutunan dito. Someday, someday…

2008 – is promoted creative consultant for gma production services group and rtv-entertainment; buys his first car

2009 – gets to travel abroad for the first time (singapore and japan)
Binago nito ang marami kong pananaw sa buhay, i-share ko next time, ha!

Salamat sa inyong lahat! Sa susunod na mga adventures ulit natin! Ang saya ng buhay! ‘Yun lang!

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?