Sunday, January 10, 2010

 

Ayokong Masanay

May mga kakayahan tayong dulot ng ating genes. Tone-deafness, for example, so mahirap na talaga akong matutong kumanta. Genetic disposition din daw ang alcoholism. I have an uncle who’s alcoholic kaya siguro I also have a very high tolerance for alcohol. Malakas akong uminom, hindi ako basta-basta nalalaseng. Sa other extreme naman ang isa kong kuya na pinapantal sa tuwing makakainom.

March 1996. Ga-graduate na kami nu’n ng high school. Niyaya ni CJ ang buong SPC (St. Peter Chanel) sa kanilang resthouse na nasa isang malawak na lupain sa pampang ng Laguna de Bay. Kumpleto ang lugar. May main house kung saan nag-stay ang mga magulang ni CJ, dito rin sine-serve ang pagkain namin buffet style. May mga jetski, at may isa pang separate na guest house with two bedrooms and wraparound lanai kung saan nag-stay kaming magkakaklase. Meron ding parang port jutting out into the water at sa dulo nito merong roofed structure na perfect for inuman. Du’n ko vinow na ma-experience malaseng for the very first time. Inisip kong perfect time ‘yun kasi hindi ako nasa public na lugar, hindi ko sagot ang alak, I’m around people I trust, at ilang buwan na lang college na’ko so mabuti nang alam ko ang feeling ng laseng, at alam ko kung hanggang saan lang dapat ako.

So that night, beer lang nang beer, at hindi ko na matandaan kung ano ang pinapatagay pa ni Dondon Ramos. Ending, nagsuka ako…sa Laguna de Bay, sa garden, sa inidoro ng guest house, at nang nagbara eh nilipat nila ako sa inidoro (Very valuable lesson na matututunan mo ‘yan: Magsuka sa inidoro, ‘wag sa lababo!) Naalala ko pa na nu’ng sinasalok ng mga classmate ko ang suka ko from the sink to the inidoro eh nabitawan nila ang plastic cup at nalaglag ‘to sa inidoro, I just instinctively picked it up and handed it back to them. Naalala ko ring sa pagkakasalampak ko sa lababo eh halos matanggal na’to sa pader, at paulit-ulit ko pang sinasabi ang “Sorry, classmates, I failed you.” Nakakadiri!!! (At least alam kong halos imposible ang 100% amnesia kapag laseng na laseng as soooo many people claim.)

Mula nu’n, na-stretch na nang na-stretch ang capacity ko for alcohol. Sa UPM masarap uminom sa mga party, lalo na sa tuktok ng bundok where the cold makes it necessary. Sa mga karera, masarap uminom right after to celebrate or to sulk. Sa trabaho masarap din uminom…pero hindi ko ginagawa ‘yun nakuwento lang sa’kin. At dahil sa first experience ko, alam ko kung paano uminom hanggang sa ma-buzz o kaya magkaroon ng matinding tama pero just below the point na magsusuka-suka na’ko. Mangyari man ‘yon, hindi na’ko alagain tulad nu’ng 1996. Susuka lang ako tapos ok na, tamang buzz na ulit. Sanay na, eh.

May mga kasanayan namang dulot ng life events and circumstances. Lumaki akong middle child so hindi na’ko as doted over as much as my two older brothers. Saka by then nagse-stretch na rin siguro sa budget ang mga magulang ko so I never had that “may pasalubong na toy evertime na darating sila from work” na tulad ng kinukuwento nina kuya. Less than a year after I was born, ipinanganak naman ang bunso and only girl in the family so siyempre mas du’n nabaling ang atensyon. Ang resulta, lumaki akong independent-minded. Kailangan gawin ko ang mga bagay-bagay on my own. Hindi ko masyadong maalalang talagang tinututukan ako para sa assignments o sa mga projects. Kaya siguro ginawa na rin akong matalinong bata ng Diyos dahil alam niyang kakailanganin ko ‘yun para maka-cope at ma-enjoy ang pag-iisa. Ako ‘yung batang pinupuri for doing things on my own. “Kaya mo nang mag-isa! Galeng!” Kaya nang matutong maligo, magbihis, at kumaing mag-isa, nasanay na ring maglakwatsang mag-isa, kumain sa restaurang nang mag-isa, at kahit manood ng sine mag-isa. Tahimik akong manood; ayoko sa ma-react at ma-comment sa sinehan kasi I save mine after watching the film, pero kapag kelangang sumigaw, tumawa at umiyak ay ginagawa ko naman. Masayahin din naman ako habang nag-iisa.

Lately natuto na’kong magyaya. OK rin pala ang may kasama. Nagwo-worry nga ako kasi baka mamaya hindi ko na pala kayang mag-sine o mag-restaurant nang mag-isa tulad ng ipinagmamalaki ko.

Once in a while nga lang, sa gitna ng iyong pag-iisa, maaalala mong masaya rin ‘yung mga panahong biglang may magte-text sa’yo ng sweet concerns niya, mangangamusta lang, magpapa-cute, tapos mukha kang tangang mag-isang nakangiti habang nagte-text back habang nagsa-shopping. O habang kumakain ka, eh, for a change, meron kang katabi (as opposed to nakaupo across sa’yo na usually ang blocking kapag kaibigan mo lang ang kasama mo) tapos yayapusin ka o kaya magnanakaw ng halik. Masaya rin minsan ‘yung may sasalubong sa’yo sa finish line o kaya ‘yung alam mong sa iyong pagsa-psyche up sa karera alam mong may isang tao sa sidelines na aligagang-aligaga sa pagchi-cheer at pagkukuha ng video o pictures mo. Masaya lang.

Pero sa tatlmpu’t isang taon ko, wala pa yatang dalawang taon ang total na hindi ako mag-isa. So hindi nasanay.

Comments: Post a Comment

<< Home

This page is powered by Blogger. Isn't yours?